† Anima's Only Failure †
Note: All the english dialogues are Italian
Anima's Point of View
Bumaba na ko ng kotse kasi nakarating na ko sa front door ng manor ni Master. Pinag-buksan ako ng pinto nung driver and i stepped out with my gaze stuck to the floor. Pinagmasdan ko lang ang Stone flooring nito at dahan dahang inangat ang tingin sa pintuan. Ang metal oak double doors na famous dahil sa kanyang bulletproof metal sheet sa loob pati na rin sa kanyang weird na design. Sa contemporary design ng mansion ni Master, tanging ang pinto lang niya ang nawala sa theme—para siyang pintuan noong medieval era.
Naglakad ako paakyat ng hagdan para lumapit sa pinto at tumigil. Lumingon ako sa dalawang puno sa gilid ko at parehas itong armed, kung intruder ako baka kanina pa ko butas butas dito. Ang O.A kasi ni Master sa security at naalala ko pa noong mga panahong pinapanood niya sa akin ang mga intruders na hindi na ulit nakalabas sa mansion na ito.
Tumingala naman ako at tiningnan ang nakasabit na bote ng alak sa ibabaw ng pinto. Ginawa itong lamp pero may ibang function ang kakaibang decor na yun. Isa itong Iris scanner, ito ang dahilan kung bakit maraming nabibigong trespasser sa mansion ni Master. The only way you can enter the mansion is if you enter a code, a hand print, and lastly the thing every intruder missed is the iris scanner above.
I looked up and waited for the doors to open without using the other security locks—sabihin na lang natin na i have the authority to skip the other security functions. Binayaan ko na yun sa mga kasambahay kasi mas kailangan nila yun kesa sakin.
The door opened and i saw all the servants lined up to greet me. This has been the usual routine even back home. I hated this kaya hindi ako nagpagawa ng mansion sa Zenith Estate. I wanted a normal and quiet life—siguro ayaw ko ring kumakausap ng mga tao kaya hindi ako nagmalaking bahay. May mga maids rin sa bahay namin pero hindi sila full time, andun lang sila para maglinis at magluto ng pagkain namin. Madalas pag wala sila ginagawa nasa dorm or nasa Zagire mansion sila.
"Welcome home Master" Bati nila with a respectful bow.
"Yeah yeah Hi hi" Bati ko since sanay na ko sa formalities na yun.
I waved to dismiss them at dumiretso sa elevator. Pinindot ko na ang number two kasi dalawang floors lang naman talaga ang mansion na toh pero may basement floor din kaso may special access para makapasok ka don. Ginagamit ni master tong elevator na toh kasi hindi siya mapakali sa kama. He was supposed to be bedridden dahil nga may cancer siya pero hindi nakinig ang matandang yun, he would get out of bed and forced the servants to tour him around. He kept drinking kahit sabi ng doctor to stop and he was confident in my abilities to operate on him kaya he did whatever he wanted. I was his salvation but before i could even get the proper knowledge to operate on a person, he died.
Pagbukas ng pinto, naglakad na ko sa malaking hallway na puro alak ang decoration. Iba't ibang bote tapos yung mga paintings ng alak, meron ding mga malalaking barrel na ginawa niyang decor. The red carpet beneath me remained soft and the smell of soft fabric entered my nose. Ang dating amoy alak na bahay dahil kay master ay nawala na. Hindi na siya masakit sa ilong, it turned to a normal home.
Naglakad ako papunta sa dulo ng hallway kung nasaan ang master's bedroom at tinulak ang mabigat na oak doors ng pinto nito. Hindi ko maintindihan ang obsession ni master sa medieval doors, ang hirap niya buksan tapos ang bigat pa. Hindi mo na kailangan ng security system dito kasi bago pa man mabuksan ng intruder ang pinto mo, alam mo nang andyan siya.
YOU ARE READING
Zenith Code
ActionAng nagsimula ng Illegal Organization o Mafia sa Pilipinas ay ang tatlong pamilya; DANTE, ZAGIRE, AT EUPIMA. Sila ay tatlong magkakaibigang lumaki sa hirap. Sa tatlong yon ay ang Dante at Zagire ang tinuturing na pinakamalakas na mafia sa bansa. An...
