Chapter 47 - Everything Goes According To Plan

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Saglit lang po pala, una na po kayo umupo. Ako na po muna bahala dito sa mga gawain. Kuhanan ko lang rin po kayo ng food and coffee." Saad ni Paolo.

"Salamat iho." Sagot naman ni papa sakanya.

"Ambait nung batang 'yun 'noh?" Ngiting saad ni papa habang inaakay akong umupo.

"Kamusta ang pagp-plano sa kasal nyo ni Zoe--"

"Evelyn!"

"What?"

"This is not the right time for that topic. Pwede bang sa ibang araw na lang 'yan?"

"Arturo, nagtatanong lang naman ako sa anak natin--"

"Can't you see na pagod ang anak mo at kailangan ng pahinga?" Ngayon ko lang nakitang sumagot ng ganito si papa sakanya.

Maybe naaawa na din si papa sa'kin kaka-ganyan ni mama sa'kin.

"Aba't when did you learn para sagutin ako ng ganyan?"

"Evelyn, you know that i love you, right? Pero huwag mo naman sanang i-pursue ang anak mo , lalo na't ganito ang state ng life nya ngayon. Kamamatay lang ni Felly. Can you take it slow? May sarili rin silang desisyon ni Zoe. Nakikita ko rin naman na sincere si Zoe sakanya. She can wait." Papa's right.

Sana ganito rin ang mindset ni mama, pero hindi eh.

"Okay, i'm sorry anak if i'm pushing you too hard. I have my reasons."

"What reasons ma?" I curiously asked.

"Jane, condolence." I looked up kung sino ang nagsalita.

Si Joshua.

"Uy, salamat nakarating ka." I said.

"Andun ang relative nya eh, si Paolo. Mamaya andito na din 'yun."

"Ah no worries, dito naman ako for the whole day."

"Oh? Wala tayong taping?" Tanong ko.

"Meron pero bukas pa 'yun, kaya i'm planning to stay here with you." I smiled at him weakly nang biglang dumating si Paolo along with the coffee and foods.

"Paolo, si Joshua, Joshua, si Paolo. Kapatid ni Felly."

"Kilala ko sya, madalas ko syang nakikita sa mga tv commercials at series." Saad ni Paolo habang nakikipag-kamay sya kay Joshua at slight na naka-ngiti.

"Nice to meet you brad." Saad naman ni Joshua habang kinamayan nya din si Paolo.

"Oo nga pala Pao, pina-sundo ko na parents mo. Papunta na sila dito sa Manila so baka mga bukas nandito na sila. Aasikasuhin sya ng mga tauhan ko papunta dito sa Manila."

"Talaga ate Jane?! Nako magandang balita po 'yan! Pero... Saan naman po sila mags-stay? Bawal po kasi bisita sa boarding house namin..."

"Don't you worry about that, Pao. Kung gusto mo dun muna kayo sa bahay ko. Malapit lang naman 'yun mula dito sa chapel."

"Ate Jane, andami nyo na pong tulong sa'ming magpa-pamilya. Nakakahiya na po."

"Ano ba, Pao? Ba't ka mahihiya sa'kin eh parang second family ko na rin kayo? Parang kapatid ko na kayo ni Felly. Maraming naitulong rin sa'kin si Felly, kaya hayaan mo akong tulungan kayo kahit financially lang." Sagot ko kay Paolo.

"Maraming salamat po talaga ate. Hindi nyo po alam kung gaano po ako ka-grateful sa'yo." Paolo said before pulling himself towards me to give me a hug.

I saw Joshua na ilalayo nya na dapat si Paolo sa'kin pero...

"Pwede kang mag thank you without hugging Janeh."

Si Jea.

Jea pulled Paolo out from hugging me.

Two GhostsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ