"Oh My God! May boyfriend ka na Ate Gia?" nakangiting tanong ni Thea.


"Wala. Wala pa." pag-amin ko.





"Ohh—- so our dear guest is inlove right now? Kaya pala blooming!" napangiti ako sa sinabi ni Tita. Yung totoo, wala naman talaga. Ayoko lang ng vibes na nirereto ako. Ayoko ng sapilitan. Hindi naman kasi pinipilit ang pagmamahal.


"Kaso hindi siya gusto ng gusto niya." komento ni Arman na akala mo naman alam na alam. Sus.


"Kilala mo?" his mom ask. Hindi sumagot si Arman. Tumayo na ito dahil tapos na siyang kumain.


"Puntahan ko si Theo!" paalam nito. Matapos namin kumain ay madami pa kaming napag-usapan nila Thea at Tita sa Dining Area. Tumulong na din ako sa paghugas ng pinggan na kahit ayaw nila dahil bisita lang naman ako ay nagpumilit na ako dahil nakakahiya naman. Nakikikain na nga lang ako eh.






It's already 8 pm, sumama ako kay Thea paakyat ng room nila ni Theo. Naabutan namin na kinakantahan ni Arman si Theo habang natutulog ito sa crib. Arman's wearing a gray sando now —— yung pang gym niya! Kaya kitang kita ko ang ganda ng mga muscle nito. Naalala ko si Oli kanina.



"Wag mong kinakantahan ng Spanish si Theo. Baka di na kami magkaintindihan niyan." sabi ni Thea habang papasok kami ng kwarto. Napalingon si Arman sa amin.


"French yung kanta , hindi Spanish!" sagot ni Arman dito. Tumayo siya ng lumapit kami sa crib ng masilip ko si Theo ay nagmulat na ito ng mga mata niya. Nagising yata sa pagdating namin.


"Hala nagising, baka umiyak." nagpapanic na sabi ni Thea. Mabilis kong tinapik tapik ng mahina ang binti ni Theo para bumalik ito sa pagtulog at mga ilang segundo lang ay pumikit na muli ito. Napatingin ang magkuya sa akin.



"Wow? Expert sa baby?" Arman asked me.



"Hmm, I was trained. Diba nga si Oli! Tsaka wag kayo magpanic kung iiyak ang baby. It's either gutom sila, naiihi or naiinitan. Normal sa baby ang umiyak. Hindi pa naman nila kayang magreklamo at magsalita kaya iyak ang way nila to communicate with us! Listen to your heart—- connected naman yan sa anak mo."


"Wow! Expert!"


"Thank you Ate Gia."






"Alagaan mo na tong anak mo. And Gia, tara sa labas, mag-uusap tayo." sumunod ako kay Arman paputa sa veranda nila. Napahawak ako sa mga braso ko ng makaramdam ako ng lamig dahil ang lakas ng hangin. Gabi na din kasi.




"Anong pag-uusapan natin?"





"Wag mong intindihin yung tanong ni Mom kanina. Binibiro ka lang nun."



"Wala yun. Tsaka expected ko ng itatanong niya yon."


"Wow hah?"


"Arman, your Mom saw me sa loob ng condo unit mo! Diba? Maybe she was thinking na I'm ano—- I'm into you." gumuhit ang ngiti sa labi ni Arman kaya nahampas ko siya sa braso.



"Ano yan? Anong ngiti yan?"



"Nothing. Ang weird palang marinig yung salitang yan from you? HAHAHAHHA.."



WANDA For YouWhere stories live. Discover now