9: SOMBRERO

12 5 3
                                    

(9)
JANAH

Naglalakad ako ngayon sa isang masukal na kagubatan. Sobrang dilim ng buong paligid at wala man lang akong marinig ng kahit anong ingay. Halos hindi rin gumagalaw ang mga nagtataasang puno kaya tumatagaktak ngayon ang pawis ko. Yakap ko ang sarili ko dahil natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa lugar na'to.

Habang naglalakad ako ay may natanaw akong isang liwanag na nagmumula sa isang apoy. Nakarinig na rin ako ng mga tinig at mga musika na nanggagaling sa naparaming mga tao. Halos nakahinga ako ng maluwag dahil may mapupuntahan na ako ngayon. Agad na akong tumakbo sa lugar na 'yon pero bago pa ako tuluyang makalapit ay napahinto ako. Biglang napaatras ang mga paa ko.

Natanaw ko ang napakalaking rebulto na kagaya ng nakita ko sa loob ng kwarto nila Manang Puring. Nakatitig ito sa akin at tila gusto ako nitong atakihin. May mga taong nakapalibot dito at sumasayaw sila at may mga kataga silang sinasabi na hindi ko lubos maintindihan. Lahat sila ay naka-sout ng itim at may mga bitbit na pakpak ng itim na uwak.

Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na bitbit nila ang buo kong pamilya habang nakatali sila sa isang kahoy. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, para akong nawalan ng boses at hindi rin ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko. Inaalay nila lahat ng pamilya ko.

"Gusto mo bang sumama sa kanila?" Tanong ni Manang Puring na naka-ngising nakatingin sa akin. Katabi rin nito si Manong Kaloy at Tina na parehong may hawak na palakol.

"Tara, sama ka." Sabay lahad ng kamay nito sa akin.

Anong nangyayari sa akin? Ba't hindi ako makagalaw? Parang may mga kamay na pumipigil sa mga paa ko para makaalis.

Halos malagutan ako ng hininga pagkabukas ko ng aking mga mata. Pawis na pawis ako kahit na nakatutok sa akin ang electric fan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga. Akala ko totoo na ang mga nangyayari. Mabuti na lang at panaginip lang lahat ng iyon.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para tignan ang oras. 6:30 na kaya kailangan ko ng bumangon para hindi ako malate. Pagkalapag ko ng paa ko sa sahig ay nagulat ako dahil may mga pakpak ng uwak ang nagkalat sa kwarto ko. Agad akong lumabas ng kwarto para ipakita ito kay mama.

"Ma, may mga itim na pakpak ang nagkalat sa kwarto ko." Sabi ko kay mama na nagluluto ng almusal namin.

"Huh? Paano naman magkakaroon ng pakpak sa loob ng kwarto mo? Baka naman nananaginip ka lang." Natatawamg sabi ni mama.

"Totoo po, Ma." Sabi ko.

Agad namang umakyat si mama para tignan kung totoo nga ba ang sinasabi ko. Binuksan nito ang pintuan ko at napakamot na lang ito ng ulo dahil wala man lang siyang nakita kahit na isang pakpak sa loob.

"Oh, nasaan 'yong pakpak? Iwasan mo na kasi ang kakabasa at kakapanood ng mga horror na 'yan." Sabi ni mama.

"Pero.."

"Halika ka na sa baba at kumain ka na ng almusal mo para makapasok ka na ng maaga." Sabay alis ni mama sa harapan ko.

Pinagmumukha nila akong baliw sa mga pamilya ko. Walang kahit ni isa sa kanila ang naniniwala sa akin.

Matapos ang lahat ay handa na ako para pumasok. Hinihintay ko lang si Kuya Jalem na kanina pa nag aayos.

"MATAGAL PA BA, KUYA?!" Naiirita kong sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our VisitorsWhere stories live. Discover now