2: UWAK

18 8 3
                                    

(2)
JANAH

Bigla akong naalimpungatan dahil sa boses na naririnig ko. Kahit gusto pang pumikit ang mga mata ko ay hindi ko na magawa dahil sa boses na pumapasok sa tainga ko.

Agad kong binuksan ang cellphone ko para tignan kung ano na bang oras. Napakamot ako dahil ala una lang pala ng hating gabi. Ba't sa ganitong oras may gising pa? Jusko! Nakakaabala sila ng tulog.

Tumayo ako sa higaan ko at dahan-dahang binuksan ang aking pinto para sililipin kung saan nangagaling ang boses na aking naririnig. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto ko na sa kwarto nila Manang Puring nanggagaling ang boses. Gising pa sila sa ganitong oras? Ano namang ginagawa nila?

Hindi ko alam pero bigla na lang kusang humahakbang ang mga paa ko palapit sa kanilang kwarto. Halos kumawala na ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Natatakot ako at hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko.

Nakita kong may konting singaw ang kanilang pinto kaya naman lakas loob akong sumilip dito. Sobrang dilim, wala man lang akong makita.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Bigla akong napaharap sa nagsalita sa likod ko. Grabe! Natakot ako sa kaniya. Lumapit ako kay kuya Jalem at tinulak ko siya.

"Tinakot mo naman ako! May nakita lang akong daga na pumasok diyan sa kwarto." Sagot ko.

"Pawis na pawis ka ah. Matulog ka na nga lang! May pasok ka pa bukas." Sabi nito at tinulak niya ako papasok sa kwarto ko.

"Saan ka naman pupunta?" Bigla kong tanong.

"Iihi lang ako saglit." Sagot nito.

"Buhusan mo ah! Kilala kita, laging mapanghi ang banyo dahil sa'yo." Paalala ko sa kaniya.

"Tae mo!"

Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. Ano ba kasi 'yong narinig ko? Hindi naman ako nananaginip. Gising na gising naman ang diwa ko.

Bigla na lang umihip ang malakas na hangin sa loob ng kwarto ko dahilan para lumipad ang kurtina ko. Nakalimutan ko pa lang isara ang bintana ng kwarto ko. Tumayo ulit ako para sana isara ito pero bago ako makalapit ay nanlaki ang mga mata ko. Napakaraming itim na uwak na lumilipad sa paligid ng bahay namin kaya naman napasigaw ako ng malakas.

Hindi ko kayang makakita ng ganito. Isinara ko agad ang bintana ng aking kwarto at tumakbo sa kama ko at itinakip ang puting kumot sa buo kong katawan. Anong nangyayari sa akin? Ba't bigla akong nakaka-kita ng mga ganitong bagay? Nababaliw na ba ako?

Nanginig ang buong katawan ko dahil bigla na lang gumagalaw ang higaan ko. Parang may pumapatong sa akin. Ipinikit ko ang aking mata at nag dasal. Alam kong 'yon lang ang paraan para maibsan ang takot ko.

Ilang minuto ang lumipas at ramdam kong wala na 'yong nakapatong sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang kumot ko at nakahinga ako ng maluwag ng wala na akong makitang nasa loob ng kwarto ko. Pero may napansin ako sa kama ko. May putik ito at mukhang bakas ito ng paa. So, mayroon ngang nakapasok sa loob ng kwarto ko? Gusto kong tumakbo para sana humingi ng tulong kay mama at papa pero baka hindi sila maniwala sa akin. Baka isipin nilang nananaginip lang ako.

Wala akong nagawa kundi tanggalin yung putik at matulog ulit para makapasok ako ng maaga bukas.

"Janah! Janah, gising na!"

Our VisitorsWhere stories live. Discover now