Prologue

37 11 3
                                    

OUR VISITORS

"May bisita kayo." Tawag ni Manong Robert habang kinakatok nito ang pintuan.

Tumayo naman si Janah upang tignan kung sino ang tinutukoy nitong bisita. Pagka-bukas  nito ng pinto ay bumungad ang isang matandang babae at lalaki na sa tingin niya ay mag asawa. May kasama din silang batang babae na parang nasa edad walong gulang pa lamang.

"Sino po sila?" Agad na bungad ni Janah.

"Nandiyan ba si, Jacky?"

"Si mama po? Wala na po sila dito nasa trabaho na po sila eh." Sagot nito.

"Gano'n ba, kamag-anak kasi ako ng mama mo. Gusto ko sana siyang maka-usap."

"Pasok po muna kayo sa loob at hintayin niyo na lang po sila." Pag aalok ni Janah.

Hindi mawari ni Janah kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng takot.

Base kasi sa mga itsura nila ay nakakatakot talaga sila. Pare-pareho silang walang kanang mata. Puti na lamang ang makikita mo. Puro din sugat ang buong katawan ng bata.

Pagkapasok nila sa loob ay isasara na sana ni Janah ang pinto ng bigla na lamang nanlaki ang mga mata nito sa kaniyang nakita. May tatlong itim na uwak na nasa kanilang gate at nakatingin ito sa kaniya.

Buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng uwak. Agad niyang isinara ang pinto dahil sa takot.

Our VisitorsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora