1: BISITA

24 8 3
                                    

(1)
JANAH

Habang pinagtitimpla ko ng maiinom ang aming bisita ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanila. Natatakot kasi ako lalo na't mag isa lang ako ngayon sa bahay namin. Wala kasi akong pasok.

Pumasok kasi ang dalawa kong kuya na si Jared at Jalem. Pareho na kasi silang nasa college level kaya kahit tinatamad silang pumasok ay kailangan lalo na't mahigpit si mama pagdating sa pag-aaral. Nasa flower shop naman si mama samantalang si papa ay nasa bake shop namin siya nagbabantay. Pareho nilang mahal ang negosyo namin kaya kahit papaano ay nakakaahon na kami ngayon sa kahirapan.

Habang nakatitig ako sa kanila ay bigla na lang nahulog yung kutsilyong nasa lapag ng lamesa. Yumuko ako para sana damputin ito pero nagulat ako ng may bigla na lang humawak sa kamay ko.

Nasa harapan ko ngayon ang bisita naming bata at naka ngisi itong nakatitig sa akin.

"Nahulog kasi." Sabay abot nito sa akin ng kutsilyo.

"Tinakot mo naman ako. Ang bilis mong tumakbo ah." Sabi ko sabay tayo ko.

Napatalikod ako sa kaniya at huminga ng malalim. Ramdam ko ang lamig ng pawis ko.

"May kailangan pa po ba kayo? Tulungan ko na lang po kayo." Sabi ng bata.

"Ahh.. Sige, dalhin mo na lang itong tinapay at isusunod ko na lang itong juice na maiinom ninyo." Sabay abot ko ng tinapay sa kaniya.

Tumalikod na ito at naglakad palayo.

Nakakatakot sila. Parang may kakaiba sa batang 'yon. Wala man lang bakas na kasiyahang makikita sa mukha niya. Dinala ko na sa kanila ang juice na tinimplahan ko.

"Mag meryenda po muna kayo at alam ko na nagutom kayo sa biyahe." Sabay upo ko sa harap nila.

"Ikaw ba 'yong bunsong anak nila?" Tanong sa akin ng babae.

"Opo, Ako nga po pala si Janah." Sagot ko.

"Ang ganda mo, kamukha mo ang mama mo. Ako naman ang tiyahin mong si Puring. Ito naman si Tiyo Kaloy mo at ang anak namin na si Tina." Pagpapakilala nito sa buo niyang pamilya.

"Malayo nga ang na biyahe namin. Mabuti nga at hindi kami nawala dito sa maynila. Mapilit kasi itong si Tiya Puring mo." Dugtong ni Manong Kaloy.

"Maganda ba dito?" Biglang baling ko kay Tina na kumakain ng tinapay.

"Ayaw ko dito." Sagot nito at parang galit ito.

"Pagpasensyahan mo na siya. Naninibago lang siya kaya ganiyan ang inaasal niya. Tina, anak balang araw magugustuhan mo dito. Malayo na tayo sa bundok. Mas masaya dito at maraming mga matataas na gusali. May mga pasyalan rin dito na tiyak na magugustuhan mo." Pagpapaliwanag ni Manang Puring sa bata habang hinihimas ang mahaba nitong buhok.

"Huwag kang mag alala magugustuhan mo rin dito. Ako na ang bahalang maglilibot sa'yo." Naka-ngiti kong sabi.

Pagkatapos nilang kumain ay binuksan ko naman ang Tv para hindi sila mainip na maghintay kay mama. Tinawagan ko na si mama at kailangan pa daw niyang tapusin ang pag aayos sa flower shop namin bago siya umalis.

Muli kong binuksan ang pinto para tignan kung nandoon pa ang uwak na nakita ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na akong nakita.

Our VisitorsWhere stories live. Discover now