Nakangiti kong hinaplos ang wallpaper ko kung saan nandoon ang mga mukha namin at masayang nakangiti sa camera.

Sana ay maulit uli ito.

Tuluyan akong umakyat ng kwarto at nakangiting natulog. Naiisip ko palang na makikita kona nanaman ang mga mahal ko bukas ay sobra na akong sumasaya. Haay diko inakala na mamahalin ko sila ng sobra.

"Iziah please tama na... Iziah itigil muna 'to..."

"Huhu mommy help! Tama na!"

"Iziah tama na! Tama na please.."

"Tama na Iziah pleaseee...tama na.."

"Itigil muna to Iziah!…"

Habol hininga akong napabangon sa kama. Inikot ko ang paningin ko ngunit wala na ako doon sa lumang kwarto. Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon nag-iiyak.

Dinalaw nanaman ako ng masasakit na ala-alang yon... Ang mga hinaing nila na diko pinakinggan..nandidiri ako sa sarili ko dahil mas masahol pako sa taong nakapatay..

"Hindi ko sinasadya...hindi ko ginusto ang lahat..hindi ko kasalanan ang lahat..diko sinasadya..diko sinasadya."

"Hindi ako!"

"Hindi ako ang may kasalanan!"

-----

LIGHT POV

Nakangiti akong tumungo sa kwarto ni Zi para sana gisingin siya. Kakatapos ko lang magluto ng agahan at iniwan ko narin muna ang dalawa na naghihintay sa kusina wala si Pillow ngayon dahil sinundo siya ni tita Devina.

Pagbukas ko ng kwarto ni Zi ay naabutan ko siyang umiiyak na parang binabangungot. Mabilis kong niyugog ang mga balikat niya ngunit hindi parin ito nagigising.

"Zi! Zi!" Paulit ulit na tawag ko sa panagalan niya pero nakapikit parin siya habang paulit ulit na inuusal ang mga katagang "Hindi ako, hindi ako ang may kasalanan."  Na lubhang diko maintindihan. Anong kasalanan ang nagawa niya?

"Zi wake up! Wake up love!"

"LIGHT" Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Umiyak siya sa mga bisig ko kaya hinayaan ko na muna siya.

Mukhang masama ang panaginip niya, ramdam ko parin kasi ang panginginig ng matawan niya. Gusto ko sanang malaman kung ano ang napanaginipan niya na nagbigay ng ganitong takot sa puso niya ngunit minabuti ko nalang na bigyan siya ng katahimikan.

Hindi ko na naramdaman pa ang pagyugyog ng balikat niya kaya ng ihiga ko siya muli sa kama doon ko nakumpirma na nakatulog nga siya.

"Anong napanaginipan mo love? Bakit takot na takot ka.." Haplos ko sa mukha nito. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang kagandahan niya hanggang sa tuluyan nakong magpasyang bumaba.

Siguradong iba nanaman ang maiisip ng dalawang yon.

"Hindi na ba makapaghintay ng gabi" Ngisi ni Autumn pag-upo ko palang ng upuan.

Sabi ko na nga ba yun ang maiisip nila.

"Wala kaming ginawa ni Zi."

"Kaya naman pala bagsak yang balikat mo haha." Sinamaan ko ng tingin si Savannah umakto naman ito ng sumusuko.

"May nangyari kay Zi kanina."

"What happened to her/Anong nangyari sakanya?" Sabay pa nilang usal.

Ikinuwanto ko sakanila ang nangyari kay Zi at maging sila ay nag-aalala dito. Kung makikita niyo lang kung paano siya hindi dumilat kanina ay talagang matatakot ka. Alam kong marami ring kaso ang namamatay sa bangungot kaya sobra akong natakot ng hindi siya magising.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now