Ramdam ko ang galit sa boses ni lolo pero hindi ko maintindihan kung sinong babae ang tinutukoy niya. Si Zi ba? Impossible dahil pansin kong sobrang lalim ng galit ni lolo sa babaeng tinutukoy niya gayong dipa naman niya nakikilala si Zi.

"Papa! Please baka marinig tayo ng apo mo."

"Wala akong paki-alam! Mas mabuti yon at ng malaman niya ang totoo!" Nakaramdam akong muli ng takot sa puso ko para bang may inililihim sila na lubhang ikakasakit ko.

"Pa..alam niyong mahirap ang pinagdaanan ng apo niyo noon kaya kung sasabihin niyo sakanya ang totoo ay maaring bumalik siya sa dating miserbleng buhay."

Huh? Anong ibig sabihin ni mommy ron?

Biglang natahimik sa kusina kaya mabilis akong nagtago. Akala ko'y alam na nilang may nakikinig sakanila kaya naputol ang kanilang usapan ngunit ng marinig kong muli ang boses ni lolo ay tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko.

"Mas nanaisin kong masaktan ang apo ko at matutong bumangon sa sarili niyang mga paa kesa makasama niya ang babaeng sumira sa pagkatao niya. Ganon mo nalang ba kabilis kalimutan ang ginawa ng babaeng yon sakanya! Alam mo Devina na ang anak ng mag-asawang Feliciano ang umagaw ng kamusmusan ng apo ko! At hindi lang siya maging ang apo ng mga kumpare ko ay inagawan niya ng karapatang mabuhay ng payapa kaya nararapat lang na ilayo ko sakanya ang apo ko."

Inagawan ako ng kamuskusan ni Iziah? P-paano? Ngayon lang kami nagkakilala ni Zi.

"At anong gusto niyong mangyari pa! Na sabihin kay Pillow na binura natin ang ala-ala niya para hindi niya maalala pa ang sapilitang paggalaw ng batang Feliciano sakanya!"

W-what... Sapilitang--- napakapit ako sa pader na kinasasandalan ko ng bigla nalamang nagdilim ang buong paligid ko.

May mga ala-alang bigla nalamang pumasok sa isipan ko. Mga ala-ala ko noong bata pa ako kasama ang mga kaibigan ko, ang araw araw na pambubully ng isang tao samin at higit sa lahat ang ala-ala kung saan lubha kong pinandirihan ang sarili ko.

"I-iziah Feliciano.."

Tuluyan akong napasalampak sa malamig na sahig habang pinipilit na ipitin ang iyak ko.

Ang mga ala-alang yon ang nakalimutan ko. Ala-alang lubhang sumira sa buong pagkatao ko at hindi ko pa lubusang matanggap na ang taong minahal ko ngayon ang siyang nag-iwan ng takot at gumawa ng kababuyan noon sakin--samin.

Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko ay pinilit kong bumalik ng kwarto. Doon ako tuluyang humagulhol, lahat ng sakit, takot at galit ay bumalik sa puso ko.

Si Iziah na matagal kong pilit na kinalimutan... Ang Iziah na parating namamahiya at nambubully saming magkakaibigan ay siya ring...sumira ng buong pagkataon ko... Naaalala ko kung paano niya kami binaboy, kung paano niya kami pinilit sa bagay na hindi namin gusto...

Bakit...bakit siya pa..

"BAKIT!"

-------

IZIAH POV

Nabasag ang basong iniinuman ko kanina ng aksidente ko itong masagi sa mesa. Isa isa kong pinulot ang mga nagkalat na bahagi nito na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil nagbigay lang ito ng sugat sakin.

Mabilis kong pinaagos ang tubig sa daliri ko hanggang sa magtigil ang pagdugo nito. Kumuha ako ng pangsalok at walis para walisin nalamang ang mga naiwan pang bubong.

Parang kinabahan ako sa nangyari na diko alam kung bakit kaya ng sumagi sa isipan ko si Pillow ay mabilis akong naghatid ng text message dito.

Wala akong reply na natanggap marahil ay tulog na ito lalu na't malalim narin ang gabi.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें