CHAPTER 2

7 1 0
                                    

Sa sobrang lakas ng pagkakahampas sa lamesa namin, may natapon na kunting tubig dito.

"What the heck?!" Sigaw ni Zale.

"Alliah, What is your problem?" Chan's asked.

"My problem is HIM!" Pag eeskandalo niya sa harap namin. Nakaturo lamang siya kay Zale. Medyo naagaw namin ang atensyon ng mga nasa loob ng canteen kaya yung iba ay hindi na napigilan pang maki-chismis sa kaganapan na nangyayari sa table namin.

Kahit na naririnig na siya ni Zale ay hindi pa rin siya nito nililingon. Busy siyang punasan ang tubig na natapon sa damit niya.

"Dude, who is she?" Tanong ni Dustin sa mga kaibigan niya.

Mukhang narinig naman iyon ng babae kung kaya't siya na ang sumagot non.

"Me? I am the fiance of that idiot."

"You are not my fiance anymore." Sagot sa kanya ni Zale at tinignan siya nito ng matalim. Kung kanina sobrang cold niyang tignan. Ngayon naman ay mas cold pa siya. Ang bilis magbago ng expression ng mukha niya.

"I am still your fiance. Hindi ako papayag na di matuloy ang engagement party natin."

"Ituloy mo and then pakasalan mo yung sarili mo." Isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa bawat sulok ng canteen nang sabihin ni Zale iyon.

Gayundin kaming apat na nasa table maliban na lang kay Zale na seryoso pa rin.

"Why don't you want me as your fiance? Instead ikaw pa nga ang nag propose sakin before." Naiirita na sabi sa kanya nung Alliah.

"Don't force me to tell you here the only reason why I don't want you to be my fiance anymore."

Dahil sa sinabing iyon ni Zale ay nanahimik ang babaeng nasa harapan namin. Hindi siya nagsalita kusang nag zipper ang bibig niya ng pasarado.

"Arrrgghhh!!!" Malakas niyang sigaw at mabilis siyang nawala sa paningin naming lahat.

Pagkatapos ng eksenang iyon nagpatuloy kami sa pagkain but after non ay umalis na din kami. Dahil mag s-start na rin naman ang mga classes namin.

*****

"Good afternoon everyone, I am Miss Garcia, your professor in Basic Food Production 101. We will discuss today about my rules and regulations on my classes."

After the discussion of rules and regulations ay sabi siya ng mga requirements na need namin for her subject.

3hours and 30minutes din ang klase natin sa subject na ito. Every monday ay 2 major subjects lang namin and then tomorrow is minor subjects naman.

"Before our classes end. I want you all to create a group. Only five persons per group and before our classes end, submit to me the paper with your group number, leader's name and list of members."

Wala pa akong kakilala ni-isa sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung may kukuha ba sakin bilang ka-member nila.

"Uh! Hello, gusto mo bang sumali sa group namin?" Tanong ng ka-seatmate ko.

Hindi na ako nag dalawang isip pa. Pumayag ako agad dahil chance ko na rin ito upang magkaroon ng kakilala o magiging kaibigan sa mga kaklase ko.

"Anong group number natin?" Tanong ng napili naming leader for our group.

Mukha siyang mabait at may suot siyang salamin. Kung titignan ay para siyang nerdy girl pero may pagka makulit din siya.

"Group 4 na lang." Sagot ng katabi ko kanina na nagtanong sa akin.

Pagkatapos ma-submit ang list namin magkaka grupo ay nag usap-usap muna kami habang ang iba ay naghahanap pa rin ng kagrupo.

Nandito pa rin naman ang professor namin kung kaya't mahina lang kaming nag-uusap dahil respeto na rin para sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon