CHAPTER 1

5 1 0
                                    

"Evvie, are you done there?" Tanong ni Mama mula sa labas ng room ko.

"Yes, Mama. I'm done."

"Bilisan mo at lumabas ka na diyan at bumaba dahil kanina pa naghihintay si Dustin sa baba. Ang papa mo na ang kukuha ng mga gamit mo."

Lumapit ako sa pintuan ng kwarto ko at binuksan iyon. Naabutan ko si Mama na pababa na ng hagdan kung kaya't sumabay na ako sa kanya.

"Good morning, Babe." Lumapit ako agad kay Dustin at niyakap siya ng mahigpit.

"Good morning too, Babe. Kumusta ang tulog mo?

"Ayos naman. Mahimbing na mahimbing."

"Oh! Bago kayo umalis, kumain muna kayo. Gusto ko na bago umalis itong nag-iisang Evvie namin ay matikman man lang niya ang huling luto ko sa kanya dito sa bahay."

"Mama naman e. Uuwi pa rin naman po ako tuwing weekend."

"Syempre kahit na every weekend ka ditong umuwi. Five days pa rin kitang hindi makakasama."

"Si Mama talaga." Natawa na lamang ako sa mga sinabi ni Mama sa akin.

"Naku, tama na yan at baka mag iyakan pa kayong mag-ina." Singit ni papa sa usapan namin.

"Don't worry Tita. Ako na po ang bahala kay Evvie, aalagaan ko po siya doon kahit hindi po ako marunong magluto." Sabay sabay kaming tumawa ng sabihin iyon ni Dustin.

After namin mag breakfast ay kinuha na ni Papa ang maleta ko at iba ko pang gamit at saka inilagay sa compartment ng kotse ni Dustin.

"Bye Mama, bye Papa." Paalam ko sa kanila bago sumakay sa shotgun seat ng kotse.

"Bye Tito, Tita." Paalam din ni Dustin sa mga parents ko at sumakay na sa driver seat.

Nang paandarin niya na ang sasakyan ay binaba ko ang bintana nito at kumaway sa mga magulang ko dahil simula sa Lunes ay college student na ako.

*****

Nang makarating kami sa apartment ay inayos ko agad ang mga gamit namin at kasalukuyan akong nasa kwarto ko para ayusin ang mga damit ko, ganoon din si Dustin.

Pagkatapos kong mag-ayos, pumunta ako ng kitchen para magluto ng tanghalian namin. Sa sobrang busy namin sa pag-aayos ay hindi na namin namalayan pa ang oras.

Around 12:30pm na pala ng tumingin ako sa wall clock ko.

Simpleng pagkain na lang ang niluto ko para sa tanghalian namin. Cornbeef and potato na lang ang niluto ko dahil iyon lang naman ang delata na meron kami.

Hindi pa naman kami totally nakakapag grocery.

Natapos akong magluto at nag umpisa na rin maghain para paglabas ni Dustin ay kakain na lamang kami.

Ngunit natapos na ako laha't lahat ay hindi pa rin siya nalabas.

So I decide na tawagin na lang siya kasi baka hindi niya rin napansin ang oras habang nag-aayos siya ng gamit niya sa loob ng kwarto niya.

Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot kung kaya't napagpasyahan ko na lamang na buksan ang pinto.

Pagbukas ko ay nakita ko si Dustin na natutulog na sa kama niya.

Lumapit ako sa kanya upang gisingin siya.

"Dustin, babe." I simply tap his arm, I just trying to waking him up but he is still asleep.

Ang tanging ginawa ko na lamang ay niyugyog ko siya ng malakas para tuluyan na siyang magising.

"Hmmm!!!!???" Unti-unti niyang dinilat ang mga mata at saka umupo sa kama niya.

Catch Me Место, где живут истории. Откройте их для себя