Chapter 19 - Nanigas.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Remember yung kinekwento ko sayong kababata ko na umamin na may gusto sakin pero tinurn down ko? Siya yun." Napanganga ako sa sinabi ni Georgina. Like seriously?

 

Bago pa man ako makasagot ay bumalikwas na si Shann kaya nahulog ito sa sahig. "Shann!" Sabay naming sigaw ni George. Pilit namin siyang inakyat sa couch ulit. Iilang daing lang ang narinig namin mula sa lasing na to pero hindi parin siya gumigising.

Inabot ko kay George yung first aid kit. "Ikaw na gumamot sa mga sugat niya." Sabi ko sakanya.

She held the kit. Bakas ang alinlangan sa mukha niya. "C'mon. Bumawi ka na sakanya." Tinulak ko siya paupo sa tabi ni Shann. Nakita ko ang paraan ng pagtitig niya sa natutulog na si Shann.

They were each other's first love, or something like that. Nang umamin si Shann kay George years ago ay may gusto din si Georgina sakanya. Ang kaso ay alam niyang bawal pa siyang magboyfriend dahil katulad ni Dad, strict din si Tito Stephen tungkol sa boys. So she turned him down.

Umiiyak si Georgina nun sakin through Facetime. We were young then. Hindi ko alam kung may gusto pa si George kay Shann pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang may gusto pa nga siya dito. Too bad, dahil alam kong si Gelay na ang mahal ni Shann ngayon. Love is one complicated shit.

"Ikaw na." Aniya at mabilis na umakyat patungo sa kwarto niya.

Knowing her, she must've remembered the moment she turned him down. Alam kong naging mahirap sakanya yung ginawa niya dahil ilang linggo din iniiyakan ni George noon yun sakin. George is one tough woman, we're much alike. Ang pinagkaiba lang ay mas malambot siya sa loob. She tough on the outside, but fragile on the inside.

Inayos ko ang buhok ni Shann at nagumpisa na akong linisan ang sugat niya sa gilid ng labi. Nilagyan ko ito ng alcohol para malinis kaya naman napalakas ang daing niya. "O-Ouch." Aniya pero halatang tulog parin ito.

Ilang daing pa ang narinig ko habang nililinisan ko ang mga sugat na natamo niya. "Tss. Lasing lasing pa kasi." Inis na sabi ko. I hate how people get drunk nang hindi naman nila kaya ang sarili nila. Dapat ay alam nila ang limitation nila.

Kung hindi na kaya, tama na.

Nang matapos akong gamutin siya ay nagulat ako ng dumilat siya ng bahagya. Kinuha niya ang kamay ko at inilapit yun sa pinsgi niya. "G-Gelay." Namamaos na sabi niya at may luhang tumakas sa mata niya.

Sana ay mali ang feeling ko na may nararamdaman pa si George para sakanya. Sana talaga. Ayokong masaktan siya. She's like my sister, like Belle. Ayokong masaktan silang dalawa. Kaya sana talaga ay wala nang gusto si George kay Shann.

Nagpasya akong sundan si King sa labas dahil mula kanina ay hindi pa siya pumasok ulit. Nakita ko siyang nakasimangot habang nakaharap sa swimming pool nila George. "Ano bang problema mo? Hindi mo man lang icheck kung kamusta yung kaibigan mo sa loob. Why are you being such a jerk?" Tanong ko nang tabihan ko siya.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paglingon niya sakin, I didnt looked back at him though. Hindi ko ata kayang salubungin yung bigat ng titig na binibigay niya.

"You still have no idea, have you?" Nahihimigan ko ang pagkairita sa boses niya.

I shook my head. "You're complicated, King. Kanina lang ay okay ka naman, tapos bigla bigla ka nalang magagalit at magsusungit. Ang hirap mong basahin." Sabi ko.

"Why are you so dense?!" Napalakas ang boses niya.

"What the hell are you talking about?!" Inis na inis na ako sakanya ah. Now, Im royally pissed. He's been acting like a complete jerk without me even knowing why. Damn it.

Tumalikod ako para pumasok na sa loob nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.

"Nagseselos ako."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Did I just hear that right? Nagseselos? Si King? Bakit? Nanggagago ba to? Pinagttripan ba niya ako? Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ko nang magsalita ulit siya.

"I like you, Queen."

————-

So hi! Sa mga nakabasa ng One Shot story ko na Sidelines.  Good news! I would be writing more of it, lets say 5-10 chapters, parang Seven Days dahil maraming nagrequest. Yun lang! Ciao!

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon