Nang tumigil na siya ay umalis na ako sa likod niya at nasa tabi niya ako ngayon. "Akala mo ikaw lang marunong lumangoy, marunong din ako." Agad akong lumangoy at naging mabilis pa dahil paspasan ang galaw ng mga kamay at paa ko.


Malayo na ako sa kanya kaya tumigil na ako. "Comeback here...sabi ko 'di ba huwag kang lumayo sa 'kin..." tawag niya sa 'kin. Muli akong lumangoy ngayon pabalik kay Kit.

Habang lumalangoy ay nakatingin lang sa ilalim ng tubig dahil sa sobrang linaw nito. Nang tumagal na ay dahan-dahan na akong umahon and I was stunned when I saw na nasa harapan ko ngayon si Kit at sobrang magkalapit ng aming katawan, muntik pa kami magkahalikan.

"Hi, my ocean." Nakangiting sabi niya, ilang sandali pa akong natulala bago makapagsalita. "H-Hi..." sagot ko habang nakatitig sa mga mata niya at mukhang tinitigan naman niya ang mga labi ko.



BONUS SCENE 3: From Chapter 29

KIT SMITH

WHO would though that we have a same feelings for each other. I slowly smiled. But I don't know what to say, ngayon lang ako umibig at ngayon lang din may umibig sa 'kin. Nakatingin ako sa labi niya. "I badly want to kiss you now. Can I kiss you?"

Tumango siya habang nakangiti. "Yeah..." natawa kami sa tuwa at medyo nahihiya pa. He closed his eyes at dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. But then I realized something, kaya tumigil ako at nagmulat ang mata niya.

"S-Sorry, I have so much respect for you, so I should not kiss you right now because we're not a boyfriends yet." Napayuko nalang ako. I gently hold his hands. "Could you please give me time to figure out all things?" Nang sabihin ko 'to ay agad niya akong niyakap.

"Of course, I'm here for you. Tutulongan kitang ma-figured out mo ang lahat ng 'yon." Mahigpit naming niyakap ang isa't isa.


Matapos namin magyakapan ay muli naming tinitigan ang isa't isa. "Kit, thank you for bringing me here. You make me the happiest person in this world." Nakangiting tugon niya.

Hinawakan ko ang kamay ko. "Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo, dahil dumating ka sa buhay ko. When I meet you, I found my other personalities. You bring out my clingy side, my funny side, my silly side...you bring out the best version of me." I then gently hold his nose.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Leave my nose alone..." sabay tawa niya at inalis ko naman ang kamay ko. "Mas mabuti pa abutin nalang natin ang clouds." Dahan-dahan niya itinaas ang kanyang kamay at ganun din ako habang nakatingin lang kami sa isa't isa.


Mayamaya ay nanlaki ang mga mata namin nang parang may kung anong malambot na hangin ang dumapo sa aming kamay. "K-Kit, naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tanong niya at tumango naman ako.

Dahan-dahan kaming tumingin sa itaas at naging abot tenga ngayon ang ngiti namin. "We did it...we touched the clouds..." sa sobrang saya namin ay nagtawanan kami nang tila usok na dumaan sa mga kamay namin ang isang puting cloud. 

"Kit sobrang saya koo!!!" Napapatalon pa siya habang sumisigaw. Sa sobrang likot niya ay nanlaki nalang ang aming mga mata nang ma-out balanced ako at mahulog kami sa field.

Habang nakahiga ako ay nakapatong naman ang buo niyang katawan sa akin at hawak-hawak ko ang likod niya. "N-Nanahulog ba tayo sa bundok?" Parang takot na takot na sabi niya habang hindi niya magawang tumingin.

"Hindi. Pero nahulog tayo sa isa't isa." Mahinahong tugon ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Dahan-dahan siya tumingin at nagkatitigan ang aming mga mata. 



BONUS SCENE 4: From Chapter 29

KIT SMITH 

"HAVING fun with friends?" Ito ang naging tanong sa 'kin ni Mama pagkauwi ko ng bahay at tumango naman ako. "Yeah...so much fun." Sagot ko.

"May I see a pictures?" Umupo muna kami sa sofa dito sa living room at pinakita ko sa kanya ang mga pictures namin sa Enchant Lake. "Wow, this place is awesome..." namanghang sabi ni Mama. "Yeah, we should go their sometimes, sama natin si Ate." Sagot ko naman.

Hinawakan ni Mama ang braso ko. "At ang lolo mo, kapag bubuti na ang pakiramdam niya." Dahan-dahan naman akong napatango dahil medyo nalungkot pa rin ako kay Lolo.


Nagpatuloy si Mama sa pagtingin ng mga pictures at mukhang may isang bagay siyang napansin. "Kit may napansin lang ako, mas marami ka na ngayon pictures ni Christian kaysa sa mga nature." Nagtaka na siya.

"N-Nothing Ma, I'm just appreciating him." Sagot ko at napatango naman siya. "Good to know na hindi pa rin nawala ang pag appreciate mo sa lahat. Well, cute na bata naman talaga 'tong si Christian, like you." Ngumiti siya. "One word to describe you both, is a cutie." Dagdag pa ni Mama at tumawa naman ako. 

Inabot na sa 'kin ni Mama ang phone. "Sige na magpahinga ka na sa kwarto, alam kong pagod ka sa byahe." Sabi niya at lumakad na ako papunta sa kwarto kong nasa second floor.


Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong napahiga sa kama at napabuntong hininga. "I missed him." Kahit mahaba na ang oras na pagsasama namin ay sobrang miss ko pa rin siya ngayon.

Tinignan ko nalang ang mga pictures namin sa phone at makailang ulit ko tinitigan ang bawat pictures ni Christian dahil halos ginawa ko na siyang model nong nasa Enchant Lake kami.

"I wish you are here, by my side." Sabi ko habang nakatingin sa picture niyang naka ngiti at nakaupo sa bato do'n sa tuktok ng bundok kung saan kami lang dalawa ang mag kasama.


END OF BONUS SCENES

Thank you for reading this, like I told you it's not the end of their romantic story. I guess there will be more upcoming bonus scenes. Just don't forget to follow me if you want to be updated to my announcement. Thank you, sending love to you all, my Lovers




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2On viuen les histories. Descobreix ara