BOOK 4 > Ch. 9 ~ THE PARAMOUR'S WILL ~

En başından başla
                                    

ii...











Naalala ni Elizabeth na ni hindi siya nakapag almusal ng araw na iyon. Rinig na rinig niya ang pagkulo ng kanyang tsan. Wala naman siyang problema kahit na malipasan siya ng gutom. Nang maalala niyang hindi lang ang sarili niya ang iniintindi niya simula ng magdalawang guhit ang Pregnancy Test niya kamakailan, bigla siyang naghanap ng pinaka-malapit na fast food para lang makakain. Fortunately, sa hindi kalayuan ng Mactan-Cebu International Airport ay may namataan siyang makakainan. Tinext niya si Lebanon na sa restaurant na lang siya daanan. Nginunguya niya ang bola-bola siopao habang nakaupo sa gilid na parte ng kainan, nang biglang may lalakeng humila ng upuan na nasa harapan niya at umupo dito.





" So we meet again. Small world, Ms Pengson! Akalain mong sa Cebu pa tayo muling  "





Napatigil sa pag-nguya si Elizabeth at pinagkatitigan ang lalaking parang pamilyar nga sa kanya. Ngaunit sa utak niya ay may nagsasabing hindi niya dapat i-entertain ang lalaking ito. Nakakalokong ngumisi ang lalaking hindi man katangkaran, ay may malaking pangangatawan at may mabagsik na mga mata. Nang suriin ni Elizabeth ang kabuoan nito ay naisip niya na halatang may sinabe sa buhay ang lalaking kung tingnan siya ay para siyang hinuhubaran.





" Oh, I see. You can't remember me? I can't blame you. Paano mo nga naman ako matatandaan kung ng mga panahon na dapat ay kakaladkarin kita sa dance floor ay lasing na lasing ka? "





Ang sabe ng lalaki na hindi maitago ang suklam sa kanyang mga mukha.Otomatik na nagpanik si Elizabeth.Biglang nag-flash sa utak niya ang gabing kamuntikan na siyang mapahamak dahil sa sariling katangahan.

Nag flash back din sa utak niya ang mga warning ni Rafa Armand na ang lalaking may masamng tangka sa kanya ay walang iba kundi ang taong nasa likod ng mga rape cases ng mga highschool students sa Intramuros.





Jarod Lim.





Madaliang tumayo si Elizabeth sabay hila ng bag niya.Tinakbo niya ang pintuan ng restaurant, habang ang dib-dib ay punong puno ng kaba. Nasa parking lot na siya ng maabutan siya ni Jarod. Hinila nito ang braso at iniharap siya. Napangiwi si Elizabeth sa sakit ng higpit ng kamay nito.





" Sige! Takbo lang, Elizabeth! But this time, wala ng magliligtas sa'yo! Hayup kang babae ka! Kung ipagtanggol ka ng mga lalaking 'yun dinaig mo pa ang nagmamalinis na babae! Nang dahil sa'yo, napahiya ako! Naospital ako! Isa ka lang namang kaladkaring babae! Pwe! "





Ang sabe ni Jarod sa nanlilisik na mata, habang halos bumaon ang mga daliri nito sa kanyang balat.Tinalo si Elizabeth ng kanyang takot.





" Bitiwan mo ako! Bagay lang sa'yo ang mabugbog! Hindi ka lang bastos! Rapist ka pang inutil ka! Bitiwan mo akong sabe! "





Ang sabe ni Elizabeth habang hinihila ang kamay na mahigpit pa ring kapit ni Jarod. Nawala ang ngisi sa mukha ng lalaki. Napalitan ito ng gulat. Pag tapos ay matinding galit. Umamba si Jarod para sampalin si Elizabeth. Iiiwas na sana ni Elizabeth ang sarili, nang biglang may humawak sa mismong braso ni Jarod na dapat ay dadapo sa mukha niya. Mabilis ang mga pangyayari. Ang sumunod nalang na naramdaman ni Elizabeth ay nabitawan na lang siyang tuluyan ni Jarod, habang ito ay sumisigaw sa sakit. 

Narealize ni Elizabeth ang saktong pagdating ni Lebanon. Mabilis nitong napigilan si Jarod sa pananakit sa kanya. Nang daklutin ni Lebanon ang mga braso ni Jarod ay nagpapapalag ito sa sakit. Kandangiwi ito sa hapdi. Nang tingnang mabuti ni Elizabeth, sapo sapo ng thumb finger ni Lebanon ang  pala-pulsuan ni Jarod at madiin niya itong pine-pressure, habang patalikod namang pinipilipit ng binata ang isa pang braso ng huli. Kitang kita ni Elizabeth ang rage sa mukha ni Lebanon.





" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin