BOOK 4 > Ch. 9 ~ THE PARAMOUR'S WILL ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang tanga tanga niya. Sa lahat ng sasaktan niya, yung lalaking nagmahal pa sa kanya ng totoo ang masasaktan niya.





Huminga ng malalim si Taygan at muling tumingin sa kanyang repleksiyon sa salamin.





" No, Baby. You ain't leaving me now. Aalamin ko kung sino ang babaeng 'yan at patutunayan ko sa'yo that I am much better than her and no woman will be better than me. You can't do this do me. We are not breaking up and that's a promise."





At tuluyan ng pinakawalan ni Taygan ang sakit na nararamdaman niya. Iyak siya ng iyak. Ang engagement party nila ay magsisimula ng alas-dose ng tanghali. Eksaktong alas diyes na ng umaga ay hindi pa rin nagpaparamdam si Lebanon sa kanya. Na para bang siya lang ang nag-eefort sa engagement party na 'to. Ni hindi ito nag-stay sa hotel kung saan sila ng kamag-anak at pamilya nila nanduon. Ang sabe nito, sa kaibigan siya makikitulog at duon ito manggaling papuntang hotel. Nang tanungin niya kung saan, ang sabe lang nito ay malapit sa Mactan airport ito manunuluyan. Hindi na siya nag-usisa pa. Alam niyang malaki ang atraso niya sa relasyon nila ni Lebanon. Pero parang ang unfair naman na ang dali niyang napalitan. At hindi gawain ng nobyo niya ang nagtu- two time. 





Kung sino man ang ipinalit nito sa kanya, that woman must have moved the mountains of apo and everest. Nabago nito ang paniniwala ng kasintahan. Nakuha nito ang atensiyon ng fiancee. Most of all, that woman made Lebanon believed in falling in love again.





Sa nanlalabong paningin ay kinuha ni Taygan ang cellphone. Pina-ring ang number ni Lebanon. Hindi ito sumasagot. Sa pag-aalalang baka nagkaroon ito ng change of heart sa kanilang engagement party, tinext niya ito.





To: Baby

Baby, what time will you be here? Andito na sila daddy, ang parents mo, kapatid mo and some of our friends. Ikaw na lang ang kulang. Please text back?





And for some reason, Taygan wept harder.





Ikaw na lang ang kulang.





Taygan wept more.





'Ni hindi na ma-amor sa kanya ang mga kamag-anak ni Lebanon. Hindi naman niya ito masisi. Nang magpropose ang binata sa kanya sa Bali, Indonesia kasama ang angkan nito at pamilya niya, inasan ng lahat na otomatik na siyang papayag. Dinecline niya ito at alam niyang iyon na ang pinaka malaking pagkakamali niya sa buong buhay niya.

From that ponit on, andameng nagbago sa relasyon nila ni Lebanon. Naramdaman na rin niya ang panlalamig sa kanya ng pamilya nito. Na parang hindi na siya welcome sa mga okasyong dinadaluhan nila ni Lebanon.





Taygan wished that she could buy a time machine and turn back time to change things.





Pero hindi iyon mangyayari. Unti-unti ng nawawala sa kanya ang mga bagay na dati ay 'di niya napahalagahan. Kaya siguro kahit para kay Lebanon ay 'Wala' na sila, gagamitin niya ang Engagement party na ito para maibalik ang dati pa namang kanya.





Lebanon Hewitt will marry her and she will make it sure that he'll end up doing so.





" Ma'am, andito na po ang mga nake-up artist at photographer! Papasukin ko na ba? "





Ang sabe ni Yuna na nagsisilbi sa kanya. Inayos niya ang sarili at pinapasok ang mga hired make-up artist, habang sinigurado niyang walang makakahalata sa mugto niyang mga mata.











" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon