"If you think you're safe...think again," dumagundong ang boses ng isang lalaki.

Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa kwarto ko. Isa lang ang sigurado ako, pamilyar saakin ang boses na 'yon. Hindi ako makagalaw para akong nakagapos at mga kamay ko na hindi. Mga bulong lang ng lalaking tila nasa likod ko ang malinaw sa akin.

"S-sino na!" sigaw ko. "A-Anong ginagawa ko di-"

Natigilan ako. Pigil hiningang nanlaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang aking suot na bistida. Unti-unti iyong nadudugisan ng kulay pulang mga patak - dugo. Tuloy tuloy na kumakalat ang dugong iyon sa buong palda ko. Ang kaninang bistidang kong puti ay naging pula na.

Nagpupumiglas at humahangos akong nakaupo. Sobrang sikip ng pagkakatali sa akin. Sobrang dilim din ng silid kong nasaan ako at mismong ilaw lang ng nag iisang paubos na kandila sa paanan ko ang nagbibigay ng kakaunting liwanag. Kulay pulang sahid. Ano 'to dugo?

"I'll destroy your sanity and everything you believe in. I'll break you down until you're nothing," matalim at malalim na sabi ng kung sino.

Napasinghap ako't napabalikwas matapos kong marinig ang hindi matigil na ingay ng alarm clock ko. Habol hiningang dumilat at napagtantong pananaginip nanaman ito.

"Anong oras na ba?" I asked myself nang matapos kong pindutin ang alarm clock. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table ko.

Alas-singko pa lang pala ng madaling araw. Hindi ko pa naaadjust ng tama ang oras sa alarm ko. Nag asikaso ako saglit para maghanda papunta sa palengke.

Balak ko rin kasing mag grocey dahil nakakahiya sa doktor at nakikitira na nga ako ng libre magiging palamunin pa ako. Sandali nga... Libre ba talaga ang pagtira ko dito? Kailangan ko sigurong tanungin si Doc tungkol don.

"Oink!" I heard pinky's sound. Isa pa 'to. Anong dapat kong ipakain sakanya? Tinapay lang ang mayroon ako. Kumakain ba ang mga baboy ng tinapay?

"Good Morning, Pinky." sabi ko bago siya buhatin at i-rub ang tyan nito.

Alam kong mahilig ang mga alagang hayop na kinakamot ang mga tyan nito lalo na ang mga aso.

Habang nagiisip kung anong dapat naipakain sa baboy ay naalala ko si Svet. Alam kong matutulungan niya ako. Mahilig iyon sa mga alagang hayop sa bukid. Dahil naging pansamantalang katiwala sila sa ng villa afra noon. Isang farm iyon na kilala sa bayan namin ngunit kinalaunan ay nagsara din. Dahil hindi na gusto pang ipagpatuloy ng asawa ng may ari.

"Hello?" panimula ko.

"What is it now, Finez." Her voice was so husky that I assumed I woke her up.

Tinanong ko lang sakanya saglit kung ano ang mga pwede at bawal ipakain sa baboy. Dahil mukhang baby pa ito at napakaliit. Bumili ako ng mga sinabi ni Svet na pwede para don. Importante rin ang gatas dahil baby pa siya at walang ina na magbibigay ng gatas sakanya.

Bago ako umalis ay hinanap ko muna ang doktor upang magpaalam. Sinubukan ko siyang hanapin sa kusina dahil baka nagkakape na ito. Sunod sa opisina nito, kumatok ako ngunit walang sumasagot.

"Masyado pa bang maaga?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko ng tinangkang kumatok sa silid ng doktor dahil posibleng tulog pa ito. At dahil bigo akong makita ito ay nag iwan nalang ako ng note sa pintuan ng opisina nito - na lalabas muna ako para bumili ng mga kailangan.

Humigit kumulang trenta minutos din bago ako makarating sa palengke. Umulan kaya maputik, hindi ko napaghandaan 'to ah?

✿ ✿ ✿

Checkmate, Mr. Great!Where stories live. Discover now