09

61 72 70
                                    

Nang magising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa akin mukha. Nakita kong alas siyete na ng umaga. Dahan dahan akong tumayo para mag unat at ayusin ang higaan.

At nang makapag ligpit ako ay agad akong dumiretsyo sa kusina para gumawa ng tsaa. Nadatnan kong abala sa pag gawa ng waffle ang ina. Nakasandal ito sa lababo habang nag iintay na maluto ang ginagawa.

"Good morning, Babe!" bati ni Mama ng makita akong pumasok.

"Morning," bati ko pabalik bago ito yakapin.

"Waffle?" alok niya saakin ng kanyang ginagawa. Tumango ako bago kumuha ng tasa at pumunta sa coffee table.

"Ay may sulat ka pala," sabi nito sabay lapag ng envelope sa harap ko.

"Bill ba 'to, Ma?" pilyong sabi ko sa ina.

"Aba malay ko. Baka galing sa manliligaw mo 'yan," naniningkit na sabi nito habang bakas naman na pilit niyang nilalabanan ang ngiti niya.

Napangiwi nalang ako ng makitang punit na ang babang bahagi nito. "Malay mo? Eh, binuksan mo na nga Ma!" reklamo ko.

Natawa rin siya bigla. "Pasensya naman naexcite eh,"

Aktong pagalit pa akong buksan at basahin ito. Kailangan bang banggitin niya pa ang mga bagay na nangyari sa'kin, eh alam ko naman 'yon dahil sa akin nga nangyare diba?

Your safety is my top priority, my apprentice. Pagkakabasa ko pinakadulong pangungusap.

Pabigla ko itong bitawan sa lamesa. "Why is he proposing it ?"

"Kailan pa 'yan?" seryosong tanong ni mama na kanina lang ay nakangiti ng maloko sa'kin.

"Nitong nakaraan lang po," nakangusong sabi ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong nito habang naka pamewang sa harap ko.

"You'll get worried, Mom," I said before walking towards her and hugged her.
"That's the least thing I can do, Ma. Ayokong problemahin mo pa ako,"

"Tangeks beh!" pabiglang sabi nito sabay tapik sa braso ko. "Malamang poproblemahin kita, eh anak kaya kita."

"Tyaka hindi mo mawawaglit sa'kin 'yun. Kaya mabuti pa ihahatid kita kung saan man 'yan para at least alam kong safe ka. Kaysa naman mag uwian ka at gabi ka na nakakarating dito sa bahay," may kahabaang sentimyento nito. At halata naman sa tono na tulog palang ako kanina ay nakapag decide na siya.

"Paano ka?" nag aalalang tanong ko.

"Tungkol diyan... tamang tama may business conference kami for 2 weeks sa Singapore." excited na sabi nito.

"Kaya papaampon muna kita dun sa Doktor. Kunin kita pag uwi ko."

"Wow! Parang alahas lang ah? PAWN-able, Ma?"

"Che! Pipili ka dun ka sa doktor or kay Tyang-"

"Kay doc nalang, Ma. Doon nalang ako SURELY!" walang pagdadalawang isip na sabi ko.

"Non-negotiable 'yung isang option,Ma. Please...Evicted agad ako doon first day palang," dagdag ko pa.

"Maldita ka kasi," kumento niya na ikinairap ko naman.

Mabait ako, surely. pero 'yung magnanay na 'yon they are the worst!

"Ay Ma, hindi tatalab 'yung charm ko sa magnanay na bruha," sagot ko habang nag hahalo ng tsaa.

Checkmate, Mr. Great!Where stories live. Discover now