Tatlong Salita

87 0 0
                                    

Tatlong Salita

"Okay ka lang?"

Tatlong salita lamang ngunit naging daan upang lumabas ang samu't saring emosyong nararamdaman ng puso ko.

Isang umaga nang ako'y makaramdam ng pagod, ngunit wala sa katawan ko ang sakit at kirot na nararamdaman.

Buong araw na pagpapanggap ang aking ginawa. Ako'y ngingiti sa harapan ng madla kahit ramdam ko na ang panghihina.

Ni isa ay walang makapagpapagaling dito ngunit nararamdaman ko ang kakaibang pahinga na hinahanap ng aking katawan.

Ramdam kong mas malalim pa ito at tanging ikaw lamang ang nagbukas ng pinto upang tuluyang lumabas ang pighating nararamdaman ng puso ko.

Sa isang iglap, ika'y dumating at ang iyong tinig ay nagbigay lakas sa akin. Ang iyong presensya ay yumakap sa puso kong napapagod.

Saka ko lang napagtanto, wala sa kanila ang gamot sa aking panghihina. Ni isa ay walang kayang makapagpagaling sa aking nararamdaman, dahil tanging presensya mo lamang ang kailangan.

At nang ika'y dumating, bigla nalang nawala ang lahat ng pagod. Sa iyong bisig, naramdaman ko ang pahingang aking hinahanap-hanap.

Sa gitna ng mahigpit na yakap, ika'y bumulong ng tatlong salita. "Okay ka lang?" Ako'y napangiti nang labis. "Ayos na ako dahil nandito ka na."

Ikaw at wala nang ibang hahanapin pa ang puso ko.

- ernxx

Mga Damdamin At Kaisipan Where stories live. Discover now