Tama na

35 0 0
                                    

Tama na

Isa, dalawa, tatlo
Walang katapusang pagbibilang
Ang aking parating ginaggawa
Sapagkat ako'y labis na nagtataka

Babae, lalaki, binabae, pusong lalaki
Bawat isa'y mayroong minamahal
Puso nila'y masaya, ako'y hindi makaramdam sapagkat walang pag-ibig, gaya ng iba

Gusto kita, ngunit gusto mo siya
Mahal kita, pero may mahal kang iba
Maging ating mga puso ay hindi tugma ang sinisigaw

Ako na marahil ang pinakamalas na tao sa mundo, sapagkat lahat ng aking minamahal ay may mahal nang iba. Lagi't lagi, may palya ang aking pag-asa.

Ikaw. Oo, ikaw, bakit ako'y hindi mo ramdam, Bakit ako'y hindi mo nakikita.

Sa lawak ng espasyo na maaaring pagdaanan ng iyong mga mata, ako'y hindi napapansin ng iyong titig.

At kung oo man, ito'y iyong biglang iiiwas, sapagkat may ibang tanawin na nais tingnan ang iyong mga mata. At hindi ako iyon.

Sa tuwing ako'y nasa harapan, ika'y naghahanap ng iba. Kapag ako'y nasa kanan mo, nasa kaliwa ang iyong titig.

Hindi alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili para iyong makita ang aking halaga.

Hindi ka naman bulag, ngunit kahit anong pagpapapansin ko'y hindi mo pa rin makita.

O inyo bang sinasadya na hindi ako tingnan sapagkat may ibang tao kang nais titigan, at hindi ako iyon. Marahil tama ako ng hinala.

Sapagkat sa mga sandaling ito, muli akong nakatingin sa iyo, at nasa ibang direksyon ang iyong mga mata.

Ito'y sinundan ko ngunit sana'y hindi ko nalang ginawa dahil nasaktan lamang ang aking puso.

Alam ko naman, pero piniling maging manhid ng aking puso sapagkat ako'y patuloy na umaasa.

Ngunit tama nga sila. Tama na. Itigil na ang kabaliwan. Huwag nang balewalain ang mga senyales na nasa harapan pa.

Panahon na para imulat ang mga mata sa katotohanan. Oras na para gisingin ang isipang nagtutulog-tulogan.

Marahil talagang hindi pa ngayon ang aking oras para magmahal. Sapagkat mismong tadhana na ang naglalayo sa aking minamahal.

- ernxx / tamestnaive

Malayang Salita Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt