Panaginip

59 0 1
                                    

Panaginip

Payapa ang kalsada, maaliwalas ang paligid. Tumitilaok ang manok, sumisilip ang araw. Kay ganda ng umaga ngayon.

Sa dinami-rami ng mga bagay na sumalubong sa aking paggising, hindi ko alam kung bakit ni hindi manlang ako napangiti ng mga iyon.

Deritso ang tingin sa hapag. Walang ibang nakikita kundi ang mainit na tsaang nasa harapan ko, kasama ng pandesal na may keso.

Hindi ko maisip kung bakit natutulala nalang ako habang pinagmamasdan ang munting usok na nagmumula sa mainit kong kape.

Gising na ang aking mga mata ngunit tulog pa rin ang aking diwa. Nasa isip kasi kita. Paulit-ulit na binabalikan ng utak ko ang panaginip kagabi kung saan nakita kita roon, parang totoo.

Pinilit ko namang kalimutan ka. Pinilit kong iwaklit ka sa puso ko, ngunit hindi nakisama ang aking isipan.

Naalala pa rin kita, at bigla bigla kang darating sa panaginip ko nang walang alinlangan.

Doon, tayo'y masaya. Ako'y iyong kinakausap, inaalagaan, iniingatan, at pinapangiti. Sa kabilang banda, kasama kita.

Saka ko lang napagtanto, sa panaginip ko lang pala mararanasan ang totoong kasiyahang pinagkait ng mundo. Sapagkat doon, tayo'y malaya.

Ika'y aking nahahawakan nang walang alinlangan. Nakakasama nang matagal, at nakakausap nang maayos. Animo'y totoo.

Ngunit ang lahat ng iyon ay kabaliktaran sa tunay na nangyayari. Ang totoo'y wala ka rito sa aking tabi. Hindi tayo magkasama, at wala ang iyong presensya.

Kagaya nga ng sabi ko, panaginip lamang iyon. Walang katotohanan. Maaring mangyari ngunit walang kasiguraduhan ang bawat eksena.

Kaya ako'y natutulala dahil naglalakbay pa rin ang sarili ko sa panaginip kung saan ika'y aking hinahanap-hanap.

Nang ako'y magising, maging diwa ko ay namulat din sa katotohanang wala ka sa aking tabi. Hindi ka totoo.

Kahit sa pagtulog, ikaw at ikaw pa rin ang laman ng aking isip. Iyon ang isa sa pinakamagandang pananigip na dumalaw sa payapang tulog ko.

Panaginip na kay sakit sapagkat ika'y pinaalala ng isip ko, ngunit masayang alalahanin iyon dahil kasama kita. 

- ernxx

Malayang Salita Kde žijí příběhy. Začni objevovat