[33] And I'm only me when I'm with you.

Start from the beginning
                                    

Dahan dahan akong lumapit sa kanya, at napapa-atras na lang siya at umiiwas kapag lumalapit ako. Hahaha.

Kaya ganyan ang reaction niya kasi naka-towel lang ang pang-ibaba niya at wala siyang magawa kundi umiwas dahil natatakot siya sa mga tingin at ngiti ko.

Siguro naisip niyang huhubaran ko siya. Hahaha. Pero wag kayong mag-alala, hindi ko naman talaga gagawin yon. Trip lang. Pinagod kaya niya ako kakahabol sa kanya kanina.

It’s time for my revenge. Bwahahaha.


“Ano bang tinatago mo?” Tumingin ako sa babang parte niya para lalo siyang kabahan. “Eh nakita ko na naman yan. Ngayon ka pa ba mahihiya?”

Lagi ko kaya siyang pinapaliguan nung bata pa kami. Hahaha! 

“A-Ate naman. Walang ganya—UWAAAAAAAAAAAAAAAAA~!”

“RUN PADILLA! RUN FOR YOUR LIFE! HAHAHAHA!”

Ayun. Naghabulan kami hanggang sa labas ng garden. Hahaha! Natatawa ako sa kapatid ko e. Ang lapit lapit ng kwarto, doon pa talaga sa garden naisipang magpunta. Ang dami pa namang tao sa labas. Halos nagti-tinginan sa kanya ang mga babae.

Wala e. Ang hot kasi ni Sage! Alam niyo yan, guys! Hahahaha.


“Hoy, mabihis ka na! Hahaha. Excited na excited ka lang e.” Natatawa kong asar sa kanya.

(.~~)         (^^.)

Dumerecho na siya sa kwarto niya at nagbihis. Lumabas na ako upang buksan ang gate. Pagsakay ko ng kotse, pumasok rin agad si Sage.

“Bakit ang bilis—Ow.” (-.-) Kaya naman pala ang bilis niya kasi nag-pantalon lang siya. Dala dala niya ang t-shirt, medyas at sapatos niya. Ginawa pang dressing room ang kotse ko. Haha. Tapos kinuha niya yung pouch ko. Wala man lang paalam oh.

“Oy! Anong gagawin mo diyan?” Nagtataka kong tanong.

“Pahiram lang e.” Nagsuot na siya ng t-shirt, medyas at sapatos niya. “Ano pang ginagawa natin dito? Kailangan ba ng magic para lumipad ang kotse?”

“Tss.” Inistart ko na ang kotse at pina-andar iyon. Sila manang na ang magsasara ng gate. Habang si Sage, nagsusuklay ng buhok at nagpolbo siya.

“Ay tae! nakalimutan ko yung wax ko! Meron ka ba dito?” Sabay halungkat sa pouch ko. 

“Ano naman kayang gagawin ko don?” (--.)

“Ang sungit ah! Nagbabaka-sakali lang naman.” Kinuha naman niya ang pabango ko at inamoy. “Err. Pambabae naman tong pabango mo. Ang tamis!”

“Malamang babae ako eh!” (-____-’)

“Ah talaga?” Muka siyang nagulat sa sinabi ko. “Bakit hindi ako na-inform?” Tapos tumawa siya ng tumawa. Konti na lang talaga, uupan ko na to. Nang-aasar pa e. 

“Hayaan na nga. Pahingi ako ha?” Hindi pa nga ako nakaka-sagot pero nag-spray na agad siya ng pabango ko sa katawan niya. Nangalahati ata yung pabango ko sa dami ng nilagay niya!

“Ang bango naman nitong Victoria’s Secret.” *spray spray*

“HOY! TAMA NA NGA YAN! WALA NAMANG EFFECT SAYO EH!” 

“Hmm. May tanong lang ako.” Tinignan ng mabuti ni Sage ang pabango ko at saka humarap sa akin na parang curious na curious siya.

“Ano na naman?” (--.)

“What is Victoria’s secret? Hmm. Alam mo?”

*Pok*

“Aray! Why did you hit me? Hitler ka talaga!” Hinimas niya pa ang batok niyang nasaktan.

Bizarre Love SquareWhere stories live. Discover now