[33] And I'm only me when I'm with you.

Magsimula sa umpisa
                                    


“ATE ARIES, BAKIT HINDI MO AGAD SA AKIN SINABI NA KELA KUYA TROY KA PALA PUPUNTA?” Sigaw niya. Pero may twinkle yung mga mata niya.

Nakakarindi ha. Bwisit to!

“Eh bakit ka sumisigaw? Hindi mo naman tinatanong e.” Tumayo na ako para iwan siya. “Aalis na ako. Huwag kang gagawa ng hindi maganda dito sa bahay huh. Mamaya, sabay sabay tayong magdi-dinner nila Papa. Sige by—Ouch!”

Hinayupak na to! Higitin daw ba ako paupo sa tabi niya.

“Wait.” Sabi niya. “Intayin mo ako dito. Maliligo lang ako saglit.”

“Maligo ka kung gusto mo, pero aalis na ako.” Tatayo na sana ulit ako kaso hinigit niya ulit ako kaya napaupo na naman ako. “Ano ka ba! Ate mo ako, bakit mo ako ginaganyan?”

“Hehe. Sorry. Pero kasi—mm. Sama ako sayo!” (*o*)

“At bakit ka sasama? Ayoko nga. Baka manggulo ka lang.”

“W-Wala akong kasama dito sa bahay e. Nakakatakot kaya. Baka may multo. Awooo!” Tumakbo na siya papuntang CR. Loko! Takutin daw ba ang sarili.

“NAKA-SHABU KA BA?” Patanong kong sigaw sa kanya.

“Kung naka-shabu ang tawag sa feeling of excitement na to then yes. At naka-katol pa ako.” Pumasok na siya tuluyan ng CR. “Intayin mo ako ah.”

Feeling of Excitement? Ahh. Gets! (--.) Iintayin ko na lang ang mokong na to. Haha. Obvious naman kasi na gusto niya lang makita si Aicel e. Natatakot daw sa multo. What a lame excuse! Eh mas gusto pa nga niyang iwanan ko siya mag-isa sa bahay para makapag-dota siya all day o kaya makipag-rakenroll siya sa banda niya, o kaya naman makipag-harutan siya sa barkada niya. Sinong niloko ng kumag na to? Hahaha.  


After Three Minutes.

“Ate Aries? Still there?” Sage asked habang sumisilip siya sa labas ng banyo.

“Oo. Bakit? Bilisan mo nga! Baka kanina pa nag-iintay sa akin si Troy.” Asar kong sabi.

“Umm—Kase—Ano—Mmm—Ahh—” Asar ha! Bakit utal utal to?

“HOY BALIW! ANO BANG SASABIHIN MO? MAGSASALITA KA BA O GUSTO MONG IWANAN NA KITA DIYAN? UGH. SERIOUS—”

“Can you please get my towel inside my room?”

Pffft. Hahahahahaha! “Ayan! Sa sobrang excited kasing pumunta kela Aicel, nakalimutang may banyo nga pala siya sa loob ng kwarto niya.”

May banyo kasi kami sa sari-sarili naming kwarto. Kaso itong si Sage, mukang nakalimutan kaya sa Public Comfort Room siya naligo. Pag may bisita lang kasi dito.

Pumunta na ako sa makalat niyang kwarto. Grabe talaga to. Kailan ba siya maglilinis ng kwarto? Kalat kalat ang mga gamit oh. Hinanap ko na lang ang towel niya pagkatapos ay pumunta ako sa banyo upang ibigay sa kanya.

“Oh.” Inaabot ko sa kanya ang towel.

“Thanks. Hehehe.”

OH MY GEE! May naisip akong bright idea! Hahaha. Mapower-trip nga tong kapatid ko. Ganti lang dahil sa ginawa niya sa aking pagpapahabol kanina. Hahahaha.

xxx

(O.O) “UY TAEEEE!” Gulat niyang sigaw.

“Hah. Do I look like crap?” I smirked at him. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. May mental telepathy ata kami ni Sage e. Mukang gets na niya agad ang kalokohan ko.

“A-Alis nga diyan. B-Baka ano ha..”

Inabangan ko kasi siyang matapos makaligo tapos andito ako pumwesto sa tapat ng cr. Naka-cross arms ako at nakangisi sa kanya, kaya nagulat siya ng makita ako.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon