2nd: A Deal is a Deal

886 46 16
                                    

[2nd: A Deal is a Deal]

"Mahal! Pansinin mo na ko! May good news ako!" ♥(ˆ⌣ˆԅ)

Binuksan ko ang bintana saking kwarto. Kitang kita ang view rito galing sa baba, kaya nakita ko siya doon nag-aantay. Siya nga pala si Owen Flamemist. Ang lalaking matagal ko ng stalker, suitor, annoying someone. Teka, kakagaling niya lang sa council ah. Natapos niya kaya yung quest?

May council ang bawat villages. Sila ang head ng villages at sila rin ang humahawak ng quest job na ipinapagawa nila sa mga gusto maging mage. Talking about mage, I badly wanted to be a mage! At si Owen, napili siyang contestant para kumuha ng quest. I wonder if he succeed.

"Tumahimik ka kung ayaw mong mabuhusan ng tubig!" Sigaw ko pabalik. Geez, kahit kelan di siya na t-turn off sakin. Kahit nga umutot na ko sa harap niya ay ganun parin ang tingin niya.

"Eurika! Gusto ko lang naman sabihin na nakapasa ako! Nakapasa ako sa quest job!!" Halos mabasag ang mukha ko ng marinig ko iyon.

"Seryoso ka?!" Nanlaki talaga mata ko. The heck, di ko akalaing ang isang lampang lalake ay makakapasa sa quest job. Duhh, pitong beses na ako nakapagquest job pero hindi parin ako nakakapasa bilang mage. I really don't believe na nalamangan pa ako ng lalaking ito!

"Yes, I'm a Knight Mage. Di nga lang halata dahil wala pa akong starter weapon. Hindi ko tinanggap dahil may starter sword yung lolo ko na naka enhance na ibibigay niya sakin. By the way, nandito ako para--"

"Gumala tayo? Date? I'm not interessted."

"Ehh. Hinde. Hihiram lang sana ako ng book of magic spell ng ate mo." Medyo nagmukang feeler ako doon ah. "Edi humiram ka na!! Hinahanap hanap mo pa ako eh!" Sinarado ko na agad yung bintana dahil parang piling ko nabara ako. Nakakainis, parang panira lang ng araw eh.

*GRUU!* Nagwala na agad ang dragon sa tiyan ko. Nalimutan ko pala di pa ako nakain. Makababa na nga, wag pag-antayin ang pagkain.

"Ate, ano tanghalian natin ngay--" Pagkababa na pagkababa ko, mukha agad ni Owen ang nakita ko. Nakaupo sila sa sofa kasama sina ate Francine at ate Francess.

 "Eurika!" Ayan na naman siya. "Nagpapanavigate ako kay ate Francine." Nakangiti siya at ako naman di namansin. Hmp, pakelam ko ba.

"So pinapahanap mo ang Eiveswood? Sa pagkaka-alam ko malayo yun dito sa Flaria." Agad na sabi ni ate Francine. "Eh kaylangan ko talagang malaman kung saan yun kasi doon daw nakatira si lolo. Ipagmamana niya sakin yung starter sword ng Knight Mage." Sagot naman ni Owen.

"Bwahaha! Pupunta ka doon para lang sa isang Starter Sword? Diba't namimigay ng Starter Weapon ang Cruxis Temples, ba't di mo kinuha nung nag mage ka na!" Biglang tawa ni ate Francess.

Oo nga naman. Bawat bagong mage na binabasbasan sa Cruxis Temple, ay binibigyan ng Starter Weapons para makapagsimula. Starter Weapons ang pinapagamit para sa mga bagong silang na mage. Ba't pa ba siya kukuha ng starter sword sa malayo.

"Hindi niyo ko naiintindihan. Sa totoo ipinangako niya sakin na kukuhain ko ang Starter Sword niya pag naging isang mage na ako. Naka-enhance ang sword na iyon, malakas ang enerhiya kaysa sa ordinaryong Starter Swords. Kaylangan ko iyong makuha bago man ako makasabak sa Training Camp." Banggit ni Owen.

"So ibig sabihin gagamit ka ng second hand weapon? Hahaha!" Pangungutya ni ate Francess.

"Ano ka ba naman Francess. Ipapamana nga sa kanya, naiintindihan mo ba?" Biglang pigil ni ate Francine. "Pagpasensyahan mo na. Sige, tutulungan kitang magnavigate." Nakangiting sabi ni ate Francine.

Lucia's TaleWhere stories live. Discover now