Prologue

61 3 0
                                    

Savianah Clemente's P.O.V.

"Ano? May bago ka na namang nililigawan?" tanong ko at napasapo sa aking noo.

Kailan ba kasi siya magbabago?

"Yeah."

Niyugyog ko ang balikat niya. "Naman, Shaun. Kailan ka ba titigil sa pangbababae mo?" iritado kong tanong.

Paano ba naman kasi, kaliwa't kanan ang mga babaeng nililigawan niya. Mas magandang sabihin siguro, nagkakandarapa sa kanya.

Hindi naman kasi siya as in totally na nanliligaw. Nilalandi niya lang, ang mga babae pa ang nagbibigay ng kung ano-ano sa kanya.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko pa nahahanap ang para sa akin," simple niyang sagot at pinitik ang noo ko.

Inis ko siyang tinignan kaya naman napatawa siya.

"Bakit ba kasi hanap ka nang hanap? Bakit hindi ka nalang maghintay?"

Pumiling siya. "No, Sav. Nothing will happen if I'll just wait."

I sighed with his logic.

Bakit kasi kung saan-saan pa siya naghahanap?

Pwede namang...

I just shake that idea off from my mind. Hindi pala pwede.

"I need to go now," he spilled after typing on his phone.

Inismiran ko siya. "Huwag mong sabihing ibang babae na naman 'yan," asar ko.

He just smirked at me and tap my shoulder before leaving me here at the garden of our house.

Nakita ko siyang pumasok muna sa kanila. Yeah. Magkapitbahay lang kami kaya naman palagi kaming magkasama. Kaya nga best friend ko siya.

Napapiling na lang ako at pumasok na sa loob.

Pagkadating sa kwarto ay nakita kong patay na ang ilaw niya. Magkatapat lang din ang mga kwarto namin kaya kitang-kita ko iyon.

Sumilip ako ulit sa bintana at nakita ang paglabas niya ng bahay nila.

Pagkasara ng mga kurtina ko ay napabuntonghininga ako.

Kailan ka ba magbabago, Shaun? Kailan ka ba makukuntento sa isa? Kailan ka ba titigil sa kakahanap ng babae?

Higit sa lahat... kailan mo ba ako mapapansin?

Napatawa na lang ako sa aking naisip. Mabuti pa ay mag-review na lang ako ng files kaysa magmukmok.

Pagkabukas ng computer ay nakita ko ang apelido niya sa file.

I traced it and smiled a little.

Sa company nila ako nagtatrabaho. He is the one who is managing it now. Ako naman ay sa marketing department.

Madalas kaming magkasama sa mga project, lalo na kapag bigating tao ang inaasikaso.

Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako dahil sa pagkauhaw.

I look at the wall clock and saw that it is only two in the morning.

Napakunot ang noo ko nang marinig ang pagdating ng kotse niya.

Ngayon lang talaga siya umuwi? Obviously.

Gosh. Maaga pa ang work niya bukas. For all I know is may meeting siya.

Gusto ko man siyang pagsabihan ay hindi ko naman magawa.

Pagkabalik sa kwarto pagkatapos kong uminom ng tubig ay nakita kong bukas na ang ilaw ng kwarto niya.

Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate iyon.

Be in love #1: Sorry, I love youOnde histórias criam vida. Descubra agora