"Ano bang problema?" Tumalikod siya sakin na ikinataka ko.

"Hindi ko maitas yung zipper pwde bang pasara." Tukoy niya sa zipper ng suot niyang summer dress. Nasa likod yon.

"Okay na." Nakangiti kong usal ng maitaas ko na ang zipper ng dress niya.

"Thanks sweetie!" Nanlaki nanaman ang mga mata ko ng si Ms.Pillow naman ang humalik sa labi ko.

At ngayon ay meron ng nakakita don. Yung isa ay bata. Agad na tinakpan ng mommy niya ang mata niya habang nakatingin naman sakin ang babae ng masama.

Umiwas nalamang ako ng tingin at napahawi ng buhok ko. Gusto kong hinahalikan nila ako pero hindi ko naman gusto yung lantaran lalu pat sinabihan na kami ng mga magulang namin na wala dapat makakaalam sa kung ano ang namamagitan saming lahat.

"Hon."

"Yes? May kailangan kaba?" Tanong ko kay Ms.Autumn mula sa kinauupuan ko.

"Please seat beside me." Napabuga nalamang ako ng hangin bago lumipat sa tabi niya. Hindi korin naman narinig na magsalita si Ms.Pillow kaya tingin ko ay okay lang sakanya.


Inihilig ni Ms.Autumn ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko inasahan ang ginawa niya pero inenjoy ko nalang din. Bibihira lang maging showey si Ms.Autumn kaya pagbibigyan ko na siya wag niya lang sanang gawin ang gi---

"Ang lalim naman yata niyang iniisip mo." Hiniwalay niya ang pagkakasandig ng ulo niya sa balikat ko.

"Hindi naman. Nakaramdam lang ako ng gutom ikaw ba hindi nagugutom?" Doon ko naman narinig ang tyan niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.

Hinaplos ko ang tyan niya. "Mukhang gutom na si baby bibili lang ako ng makakain natin." Tumango ito. Tumayo ako ngunit bago pa ako makalayo ay hinawakan na niya ang braso ko.

"Bakit?" Sinenyasan niya ako na lumapit kaya nagbend ako ng konti.


"Thank you." Hayag nito bago ako halikan sa labi.

Mabilis muli akong napatingin sa paligid at kagaya kanina ay ang mag-ina nanaman ang nakakita samin. Nailing na yung nanay na para bang may ginawa akong krimen.

Naiiling nalamang ako at hindi na siya pinansin pa. Pagkatapos kong bumili ay tinawag na ang flight namin.

Nakarating kami sa mismong isla. Habang sila manghang mangha sa tanawin ako naman isa isang binubuhat ang mga maleta nila papasok ng bahay na tutuluyan namin.

Two story house ang bahay at meron ding rooftop. Ang ganda nga tignan dahil pa spiral pa yung hagdanan nito sa may gilid.

"Baka naman gusto mo kong tulungan dito." Hinubad ni ruru ang shades niya tyaka ako nginisian. Akmang lalakad siya paalis ng hilahin ko ang braso niya kaya agad siyang napabaling ng tingin sakin.

"Subukan mo lang umalis sa labas kita patutulugin." Sabay ngisi ko. Nagpapalatak siya ng mga paa habang binubuhat ang maleta ni Ms.Autumn. Sakanya ang pinakamalaking maleta. Ewan ko nga ba bakit ganyan kalaki ang dala niyang maleta parang buong bahay na yung dinala.

"Okay na po ba nay" sarkastikong usal ni ruru sakin ng maipasok na namin ang mga gamit sa kanya kanyang kwarto.

Ang kwarto sa ibaba ay tatlo habang sa itaas ang tatlo rin may extrang room pa nga pero mukhang ginawa ng imbakan dahil nakalock.

"Yep." Inis niya akong inirapan bago naglaho. Naiiling nalang ako habang sinasarado ang pinto.

Ang bigat ng mga gamit nila. Habang yung akin isang malaking backpack lang. Para ngalang akong mag ha-hiking.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now