And I still remember, yung mga pagkakataong nagkukulitan kami. I always bite his ear while he's smelling my armpit.
Ewan ko ba, ginawa niya na yung hobby and yet ganun kami ka-close. Tinatalunan ko siya sa tiyan kapag nakahaiga siya at madalas niyang kinakagat yung daliri ko sa paa at sa tuwing pinipisil ko yung pisngi niya, ginugulo niya naman ang aking mga buhok.Kapag natutulog sya sa bahay, damit ko yung suot niya.
Madalas nga kaming pagkamalang mag-boyfriend-girlfriend eh dahil sa sobrang closeness namin, kapag may gatherings lagi kaming magkasama at magkapartner. Nasanay na yung mga taong nasa paligid namin na mag-kasama kami na sa tuwing nandun si Kaiza malamang nandoon din si Kervin.
Maski rin naman ako nasanay na sa presence niya , tipong parang kulang ang araw ko hanggat di ko siya nakikita o nakakausap man lang.
Ganun lumipas ang panahon.Tumanda ako na kasama ko siya. Nakagraduate sa college na kasama pa rin siya, nagkatrabaho kasabay siya. Akala ko nga magkadugtong ang buhay namin pero nakalimutan kong magkaiba kami ng buhay.
Akala ko puro saya na lang ang mararamdaman ko kapag kasama ko siya. Akala ko ok na ang lahat. Puro akala pero hindi pala.
-
-
Flashback
February 15, 2011 . Yesterday was Valentine's day. Kauna-unahang valentines na hindi ko nakasama si Kervin. May mahalaga raw kasi siyang pupuntahan kaya ngayon na lang kami kakain sa labas.
Fastforward
"Ui best, kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan. Yan ba ang epekto nitong kinakain natin? Para kang baliw jan oh! Saka kanina ka pa busy jan sa cellphone mo. Sino ba yung katextmo? Nakakatampo ha!" -pangjojoke ko sa kanya. Kanina pa kasi siya busy sa pagtetext tas may pangiti ngiti pang nalalaman.
"Eh kasi best.....Ano eh...."
"Ano ba best? Sasabihin mo ba o sasabihin mo? Ang gulo mo!"
"Girlfriend ko na si Fria"
Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig. Halos nanigas ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact. Matutuwa ba ako o malulungkot? Pero ganun pa man friendzone ako mas minabuti ko na ring matuwa kahit na labag sa kalooban ko.
"Ganun ba? Congrats best!" -maluha-luha kong sinabi sa kanya.
"Salamat best! Y'now what? Mukhang nahanap ko na ang future ko. Masaya ako kay Fria best. Alam mo yung feeling na total happiness? Siya yun eh! Ang saya ko talaga best! And sana manahap mo rin yung total happines mo.
In that way, magiging maluwag rin ang damdamin ko kapag nagkapamilya na ako dahil alam kong may aalaga na sa rin sayo gaya ng pag-aalaga at pagmamahal ko sayo."
Yun ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Dumating na ang kinatatakutan ko. Ang magkaroon ng boundary line sa pagitan ng mahal ko.On that time, there is one thing I realized.....
There is no thing such as fairytale.There is no such words as happy ever after, narealize kong fiction lang ang tinatawag nilang fairytale.
Ang life di katulad ni Cinderella na may fairy godmother na tutulong di katulad ni Yasmin na may Genie.Di katulad ni Snow White and Sleeping Beauty na sa isang halik lang happy ever after na. Sana ganun na lang ang life atleast siguro ngayon masaya ako.
Time passed by, nagpakalayo-layo ako because I'm such a coward. Duwag ako! duwag akong tanggapin ang totoo na hanggang magkaibigan lang kami. Duwag akong tanggapin na tapos na ang story namin ni Kervin .
Tapos na ang "Once upon a time" namin na hindi man lang nagtapos sa "they lived happily ever after."
I tried to move on but the more I try to move on, the more my heart broke into pieces.Sabi ko hindi ko kayang makita si Kervin na masaya sa piling ni Fria but because I love him, I sacrifice not just because I love him but because I know loving Fria is his happiness.
Sa pagbabalik ko isang hindi magandang balita ang bumungad sa akin. Akala ko pinakamasakit na ang taong mahal mo sa piling ng iba pero mas masakit pala makita ang mahal mo na nasasaktan.
"Kaiza, may sakit sa puso si Kervin, I dont know what to do. I really dont know wala pa siyang donor. Anytime pwede na siyang mamatay and with that hindi ko alam ang posible kong magawa kapag nawala siya. Hindi ko kayA! Kaiza help me!" -umiiyak na sabi ni Fria sa akin.
Oo, galit ako sa kanya pero ngayon gusto ko siyang i-comfort. Katulad niya rin ako. Hindi ko kayang mawala si Kervin ng dahil sa sakit na iyon! Hindi maari! . Madami pa siyang pangarap and I wont let those dream be a dream forever. Gusto kong tuparin niya ito kasama si Fria. T*anga na kung t*anga pero ganun ko siya kamahal.
YOU ARE READING
What If And If Only?
Teen FictionHELLO READERS!!!!!! THIS WOULD BE MY FIRST ONE-SHOT STORY!!!!!!!!!!!! I HOPE YOU WOULD LIKE IT!!!!!!!!!! IT TAKES 10 MINUTES ONLY!!!!!!
