24

594 82 8
                                    

Daphne's POV

"Nandoon sila nang mangyare sayo yung bangungot na yon.....Sinalo ni Callen lahat ng atraso ni Riyon nung gabing iyon. Riyon was under the influence of drugs.....she doesn't remember anything after that night at kung sino ang mga kasama nya..at kung sino ang nag utos sa kanya..."

Natauhan ako ng hawakan ng anak ko yung magkabilang pisngi ko gamit ang maliliit nyang kamay. Nakanguso ito sa akin na wari naiinip na.

Natatawang nakatingin sa amin si Kaia habang sinisindihan yung tatlong kandila na nasa cake.

"Happy birthday Caleb Dante" nakangiting bati ni Kaia habang hawak nya yung maliit na cake na ginawa nya para sa araw na ito.

Three years old na sya ngayon.

Kinantahan namin sya ni Kaia bago nya hinipan yung kandila. Parang hinaplos yung puso ko ng makita kong nagniningning sa saya yung mga mata nya pagkatapos nyang hipan yung kandilang nakasindi sa cake.

Yinakap ko sya. Para syang hinulma sa mga bisig ko at para din syang si Roi na nakakapagpakalma sa sistema ko.

Bakit ginawa ng Dada mo na saktan ako at pagmukhain akong tanga? Sana sinabi na lang nya sakin nung umpisa palang at hindi na sila nagsinungaling sa akin...

Pagkakalas sakin ng yakap ng anak ko ay napatitig ako sa mga mata nyang nagniningning sa saya kaya napangiti ako.

Akala ko talaga nawala syang tuluyan sa akin. Akala ko hindi ako makakabawi sa kanya ng ganito. Nagsisisi ako bakit hindi ko sya noon inilagaan at dinamay ko sya sa galit sa lahat ng gumawa noon sa akin at sa mismong galit ko sarili ko.

"Happy birthday baby." anas ko at muli ko syang yinakap. Nandito kami sa Vienna itinago ni Kaia dahil alam nya na itong lugar na 'to ang aalisin ni Roi sa listahan nya ng paghahanap sa akin. Mag aapat na buwan na kami dito. Sa loob ng apat na buwan na iyon ay kinikimkim ko sa kaloob looban ko ang pagkamiss ko kay Roi. Birthday ng anak ko ngayon kaya dapat hindi sya ang iniisip ko.

Simpleng celebration lang yung ginawa namin dahil kaming tatlo lang ang nagcecelebrate ng mahalagang araw na ito ng anak ko. Habang sinusubuan ko sya ng favorite nyang pasta na luto ng Tita Kaia nya ay nakatitig ito sa akin na wari ba ngayon lang nya nakita ang mukha ko ng malapitan. Napangiti ako sa kanya bago ko pinunasan yung gilid ng labi nya gamit ang hinlalaki ko.

Hindi sya ganung nagsasalita at madalang ko lang din  syang marinig magsalita sa hindi ko malamang dahilan dahil hindi ko naman natanong kay Ma'am Cyrll ang kalagayan ni Caleb dahil umalis na kaming mag ina sa Garden nung mismong araw na iyon.

"Does Nanay look ugly to you baby?" waring hinampong tanong ko pero nakatitig lang sya sa akin pero nagniningning ng kagaya sa Dada nya na wari ba isang mahalagang bagay yung tinatapunan ng tingin nya kapag ganito yung pamamaraan ng pagtingin nya.

Mayamaya ay naglapag ng isang basong juice si Kaia sa harap namin.

"Let's go to Prater, the best theme park here in Vienna." na syang kinalingon ni Caleb kay Kaia na ngayon ay nakangiti sa kanya.

.....
Kinakabit ni Kaia yung strap sa pulsuhan ni Caleb bago nilagay din sa akin.

"So he can walk freely." saad ni Kaia ng tuluyan na itong maisuot sa akin yung strap na mag uugnay sa amin ng anak ko. Mayamaya ay may inaabot si Kaia sa akin na kulay na itim na card.
"Ano 'to?" takang tanong ko.
"Budget." saad ni Kaia at nagpatiunang maglakad.

"Wait! Kaia hindi ko 'to matatanggap!" sigaw ko. Napakalaki ng laman ng card na 'to

Lumingon sya sakin.

"But Caleb did." ngisi nya at kumindat kay Caleb.

Sobra sobra na yung tulong na naibigay nya sa amin sa totoo lang at kalabisan na 'to.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon