13

874 124 23
                                    

Daph's POV

"Ayoko." plain na pagtanggi ko kay Roi at sinimulan ko ng kumain. Hindi sya makapaniwalang napatingin sa akin.

"Okay fine. I'll tell Mom that you rejected her gift for you." at nataranta ako ng nagtitipa na sya sa cellphone nya.

Gago 'to!

"Sobra pa naman magtampo yung mga yun kapag tinatanggihan sila... Lalo na si Dada...." mahinang pagpaparinig nya. Hindi talaga nagpa function yung isip ko sa tantrums nyang to!

"Okay I' ll send this message like this......." pabulong na saad nya na akala mo pati sya nagtatampo kaya sa taranta ko ay inagaw ko yung phone nya. Sira ulong 'to!

Para akong na dengue dahil may text nga sya sa Mommy nya na ayaw ko yung regalo nito para sa akin.

Hindi ko kayang saktan yung loob ni Ma'am Roian.

"Fine! Wag ka lang ganito!" nakakapikon napakasumbungera! "Napakaano ng budhi mo sa akala mo ba nakakalimutan ko na yung kasalanan mo sakin." parinig ko pabalik pero ang hayop dedma!

.......

Sa Isang private plane kami nakatoka sasakay!

Nakakalula ang yaman ng isang 'to talagang mukha lang syang gago. Habang busy sya nakikipag usap sa staff ng paliparan na 'to eh hindi nya binibitawan yung kamay ko. Hindi ko alam sa mga oras na ito ay pakiramdam ko ay safe ako pero may side ng isip ko na hindi maalis yung inis ko sa babaeng to! Parang wala lang sa kanya lahat ng kasinungalingan at kagaguhang pinag gagawa nya sakin.

Si Wolf naman ay nauna ng pumasok sa sasakyan namin papuntang Manila. Parang palos yung isang yun sa bilis mawala.

Habang kausap ni Roi lahat ng staff nya nag aasikaso sa amin.

Parang lahat ng staff ay takot sa kanya at panay sang ayon sa mga bilin nya.

"Let's go." masayang aya nya sakin ng hindi binibitawan yung kamay ko.

Nang makapasok kami sa isang private plane ay nalula ako sa sobrang garbo nito sa loob.

Para akong nanaginip sa sitwasyon ko. Parang sa mga libro ko lang nababasa 'to. Kase kapag sa hotel, parang tanga lang tong si Roi at mahirap igalang dahil sa kagaguhan nya pero ngayon Nakakalula ang yaman ng taong 'to.

Namalayan ko na lang nakaupo na kami at palipad na itong sinasakyan namin. Kami lang yung pasahero! At kanda panic sa pag aasikaso sa amin yung dalawang staff nya.

Ayoko talaga sa eroplano dahil naiimagine ko yung taas nito kapag nasa ere na.

Natauhan ako ng napatingin ako kay Roi. Nakatitig sya sakin na para bang binabasa nya yung nasa isip ko.

"Nothing to be afraid of..... I'm here for you..." seryosong saad nya at direkta syang nakatingin sa mga mata ko. Pakiramdam ko nalulusaw ako sa di ko malamang dahilan.

"You are here for me?? Sukdulang ginagalit mo ko araw araw! Katangahan mo Roi alam mong ayoko sa matataas na lugar!" dinaan ko sa galit pero ang lintik tawa ng tawa kaya sinampal ko sya ng mahina sa pisngi. "Impakta!"

Dinadaldal ako ni Roi kaya na divert yung takot ko habang nasa himpapawid kami. Ang galing nya talaga sa ganito. Nandun yung ikwento nya lahat ng kabaitan nya nung high school at nung college sya na hindi ko pinaniniwalaan.

...

Para akong nasa isang bonggang set ng movie ng makapasok na yung sinasakyan namin sa compound nila. Sobrang lawak ng pathway at punung puno ng pulang rosas. Para kang nasa isang garbong hotel sa Germany ang disenyo at sa dami ng ilaw.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon