Mine

10 0 0
                                    

You are the best thing that's ever been mine
Mine, Taylor Swift

CHAPTER ELEVEN

Emeged! Ayan na naman sila.

Frustrated na naitakip ni Chris ang unan sa kanyang ulo upang iblocked ang naririnig na boses. Ngunit sa kasamaang palad sa kabila ng distansya ng kanyang silid sa sala ay dinig na dinig nya ang malakas na tinig ni Jac at ni Mariz na nagtatalo, na naman! Sinubukan nya ulit matulog ngunit hindi na talaga sya dalawin ng antok sa kabila ng puyat ng mga nagdaang gabi.

Thanks to Jacob for that!

Sumusukong bumaba sya ng kama at tuluyang bumaba ng hagdan upang alamin kung ano na naman ang pinag aawayan ng dalawa. Malamang sa hindi maliit na bagay na naman iyon o totally walang kwentang bagay.

"So ano na naman ang pinag aawayan nila ngayon?" umupo sya sa tabi ni Trace na nagcchannel surf habang si Addie ay hindi iniintindi ang magpinsan at busy sa paglalaro sa hawak na cellphone.

"Ayan...si Mariz binubungangaan si Jac na mag sorry sa kapatid ng boyfriend mo."

"Hoy wag mo ngang sirain ang araw ko. Hindi ko boyfriend yun ha." Asik nya dito. Nang itaas nya ang paa sa coffee table ay nahagip ng kanyang mata ang balita sa nakabukas na broadsheet sa lamesa.

Holy crap on a cracker!

There in black bold letters titled "SUCKER PUNCHED, NO PUN" with picture of Theodore James Aragon's handsome gorgeous face, so like his brother, in a fancy suit. Idinetalye nang naturang article ang mga mga espekuslasyong tungkol sa nangyari noong nakaraang lingo sa gym kung saan sinuntok ng kaibigan ang kapatid ni Jacob. Napangiwi sya kung saan idinetalye din ang injury na natamo nito.

"Siya ang CEO ng Aragon Construction?" maang na tanong nya kay Trace. Alam nyang may kaya ang pamilya ni Jacob ngunit hindi nya alam na ganito kayaman at kaimpluwensya! Ang Aragon Construction ang pinakamalaking Construction business sa bansa, ito ang halos may hawak sa karamihan sa mga sikat na condo units at building tower, pati mga subdivisions at mga housing project ay halos na invade na din nang mga ito.

Bigla syang napalingon kay Jac na kasalukuyang pinanlilisikan ng mata ang pinsan nitong hindi pa din nag papaawat sa pagtatalak dito. Oh gosh, dalangin nya na sana ay hindi malubha ang pinsalang tinamo nito sa kamay ng kanyang kaibigan. Because if Theodore James Aragon decides to press charges against Jac, with his wealth and influence, her friend doesn't stand a chance. At all.

Muntik na syang mahulog sa kinauupuan sa gulat sa malakas na tinig na Mariz pagkalipas ng ilang sandali. Wala na kay Jac ang pansin nito kundi nasa telebisyon na. Awtomatikong tumibok nang malakas ang kanyang puso ng makita gwapong mukha ni Jacob sa telebisyon.

Please, Hindi totoo to, naghahalucinate lang ako.

Oh Jacob, you are everywhere! Mahinang himutok nya. Patuloy pa din ito sa pamemeste sa kanya sa pamamagitan ng tawag (na di nya sinasagot) at text (di din nya sinasagot), pati panaginip nya ay iniinvade na din nito at ngayon naman ay pati sa telebisyon ay makikita nya ito.

"Pakilipat ang channel please?" nakasimangot na aniya.

"No!" sabay sabay na ani ng mga ito. May pagkabayolente nga lang ang response ni Mariz. Pati si Addie na walang pakialam sa paligid ay biglang nagkainteres sa palabas sa tv.

Sumusukong ibinaling na lamang nya ang pansin sa tv. Iniinterview kasama ni Matt at nang iba pa nitong team mates sa isang sikat at top rating na talk show. Pati si Coach Perry ay nandun din at ngiting ngiti sa camera. The team is promoting some charity work and their big game next Sunday. Masaya ang theme ng program at patawa ng patawa ang host at inilalabas ang kakulitan ng guest.

Falling for the BadboyWhere stories live. Discover now