You Belong With Me

14 0 0
                                    

If you could see that I'm the one
Who understands you
Been here all along
So, why can't you see?
You belong with me
You Belong With Me, Taylor Swift

CHAPTER TEN

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" kunot noong tanong nang kapapasok sa kusinang si Trace. As usual puno ng grasa ang kamay nito, pagkatapos nitong maghugas ng kamay ay umupo na ito sa pwesto nito at nagsimulang kumain.

"That asshole-" humugot sya ng malalim na buntung hininga at pinigil ang kanyang sarili. Nasa harapan sila ng pagkain kaya pinigil nya ang sariling magbitiw ng bad words. "Ang hudyong si Jacob hindi ako tinatantanan ng text at tawag." Gigil na aniya habang iwinasiwas ang hawak na cellphone sa ere. Isang lingo na syang pinepeste ni Jacob sa pamamagitan ng text messages ngunit ni isa ay hindi sya nagreply dito. Lagi ding low bat ang kanyang cellphone dahil sa daan daang text nito at hindi iilang beses na tumatawag din ito sa kanya. Sa inis nya ay palagi nya iyong inooff.

Mabuti na din ang nangyari na naabutan nyang naghahalikan ito ang bruhildang lingerie model na iyon para matapos na din ang kagagahan nya kay Jacob. Dahil simula pa lamang ay alam nyang walang patutunguhan ang kanyang nararamdaman para sa binata. Ang mga kagaya nitong ipinanganak na babaero ay hindi na magbabago.

Iyon ang madalas nyang sabihin sa sarili. Wala namang epekto dahil mahal pa din nya ang binata.

"Ano naman kayang gagawin nya?" curious na ani Addie bago ibinalik sa kanya ang kanyang cellphone. Sabi nya hindi mo daw magugustuhan ang gagawin nya kapag hindi ka pa nagreply. The guy has some nerve, I'll give him that." Ani Jac. "Hindi kagaya ng buwisit nyang kapatid." Dugtong nito habang hindi maipinta ang mukha sa inis.

"Speaking of his brother, kailangan mong mag sorry dun sa tao Jaclyn." Addie said in her usual Mother Theresa voice.

"The hell I will!" galit na aniya Jac na may kasama pang panlilisik ng mata kay Addie. But Addie, strong woman that she is; bless her, glared right back at Jac. "I will walk naked at Edsa but I will never apologize to that asshole. Never!" namumula sa inis na anito.

"Fine! You will go to hell." Hindi paawat na ani Addie.

"Okay lang. Basta wala doon ang walanghiyang lalaking yun." As usual, Jac has the last word. Imbes na mainis sa mainit na eksenang nagaganap sa hapag kainan ay napangiti na lamang sya. This is home for her. Jac in her surly mood, the nurturing Addie and always clueless Trace.

Her life is perfect.

Pero namimiss na nya si Jacob.

Buwisit!

"Eherm- So uhm Chris, ano sa palagay mo ang gagawin ni Jacob na hindi mo magugustuhan?" muling untag ni Trace.

"Hindi ko din alam Trace. Wala akong ideya." Kunot noong aniya. Nang hindi sya magreply sa mga hindi na mabilang na mensahe nito ay nainis na yata ang binata at pinagbataan syang kapag hindi pa sya nagreply ay hindi na nya magugustuhan ang gagawin nito.

Imbes na maawa dito ay mas naiinis pa sya. Wala ito sa posisyon para magdemand. He kissed that woman! Inosente ako sa kwentong ito.

"Hmmmm..ano ba yung mga bagay na hindi mo magugustuhan?" muling tanong ni Trace bago nahulog sa malalim na pag iisip.

What are the things that Jacob will do to piss her off? Oh let me count the ways.

He can go on with his life without her.

He can date as many women as he can.

He can forget about her.

He can move on with his life.

None of those are appealing.

Falling for the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon