Bad Blood

16 0 0
                                    

Cause baby, now we got bad blood
You know it used to be mad love
So take a look what you've done
Cause baby, now we got bad blood
Bad Blood, Taylor Swift

CHAPTER EIGHT

"Wala na ba kayo ni Chris?" kunot noong tanong ni Matt sa kanya pagkalabas nila ng locker room habang naglalakad patungo sa court kung saan sila may praktis.

"Shut up, Matt. Not now." Mainit ang ulong aniya sa matalik na kaibigan. Kung sya ang tatanungin mas gusto nyang magkulong sa kanyang bahay kaysa ang mag praktis. Sa totoo lang ay wala syang gana. Wala syang gana sa lahat ng bagay. Wala na syang ibang ginawa kundi ang sariwain ang masasayang alalaala nila ni Chris.

It's the right thing to do. Mariing sulsul nang isang bahagi nang kanyang isip. You don't want to hurt her, Jake.

"Bakit?! Nagsawa ka na ba kaagad? Chris is a good person, Jake. What is wrong with you? Alam naming espesyal ang mayroon kayong dalawa. Nakikita naming lahat ang paraan mo ng pakikitungo sa kanya." Hindi pa din paawat na anito.

"That's the thing Matt, I'm in love with her at ayokong masaktan sya!" hindi lang ito ang napatigil sa lakas ng kanyang tinig. Maging ang ibang team mates nya ay napatigil sa pagpapraktis dahil sa kanyang deklarasyon.

"And I will hurt her. I hurt all the women involved with me because eventually I'll leave them. So just drop it Matt." Madilim ang mukhang aniya bago naglakad patungo sa court. At ibinuhos ang lahat ng frustration sa praktis.

Makalipas ang ilang oras ay natapos ang praktis. Ilang oras na ang nakakalipas ngunit ni hindi nabawasan ang frustration nya.

"You're so good, Jake. Kung alam ko lang na ganito ka intense sa praktis matagal na sana kitang kinulit na panoorin ka during practice." Inabot nya ang mineral water na inabot ni Celine at mabilis na inubos ang laman niyon. Celine called him two nights ago, asking for some sexy time with him. Being a big jerk that he is, he asks her to come to practice today instead. He just wanted to bring the old Jacob back. B.C. Before Chris. Jerk, playboy, asshole. And showed to whole world that he is moving to another conquest just like the old Jacob used to.

As usual Celine dress to perfection. Or he'd rather say dress to seduction. Halos wala nang maitago sa sout nitong short skirt at sleeveless top. Kitang kita ang makinis nitong binti ngunit kataka takang ni hindi man lang sya naapektuhan. He's no longer finding Celine sexy. Chris is far sexier in her favorite Snoopy jammies, or Chris sleeping in his favorite shirt. Or Chris sitting across him in restaurant with a beaming smile only for him. Chris yelling at him on the phone. Or Chris in...Shit!. Kailangan na nyang itigil ang daloy ng kanyang isip. Pinahihirapan lamang nya ang kanyang sarili.

Muli syang nagbaling ng tingin kay Celine. Hindi nawawala ang mapang akit nitong ngiti sa labi.

"I can't wait to get you out of these uniforms, Jake." Bulong nito sa mismong tainga nya habang hinihimas ang kanyang braso. "Your place or mine?"

"Uhmm- susunduin ako ni kuya pagkatapos ng practice. Mayroon kaming pag uusapan. Business." Pacute na sumimangot ito ngunit wala pa din iyong epekto sa kanya. Imbes na maturn on dito ay unti unti na syang naiinis sa dalaga.

Hindi sya nag iwas nang hilahin ni Celine ang kanyang batok upang siilin ng mariing halik sa labi. Pinagbigyan nya ito ng ilang segundo ngunit hindi tinugon ang halik nito.

"Shit! Anong gusto mong gawin ko sa lalaking yan, Chris?" agad nyang naitulak si Celine pagkarinig sa pangalan ni Chris.

"Chris?!" mabilis syang nakalapit sa dalaga na nanatiling palipat lipat ang tingin sa kanya at kay Celine. Gusto nyang saktan ang sarili sa nakikitang emosyon sa mga mata nito.

Falling for the BadboyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum