"Basta, manahimik ka na lang diyan at baka paliparin ko 'tong kotse sa inis sayo." Bigla kong naalala kung paano niya iharurot ang kotse kaninang umaga kaya nanahimik na ako.

"Kuysss!" Masayang pagsalubong sakin ni Chaeyoung ngunit nawala ang ngiti niya nang makitang nasa likuran ko si Sana.

"May bisita tayo, Pre. Nasaan si Inay?"

"Nasa loob. Anong ginagawa niya dito?" Seryosong tanong ni Chaeyoung habang sinaside-eye si Sana.

"Kalma, Pre. Bisita natin 'yan. Sana, pasok ka." Tinapik ko sa balikat si Chaeyoung sabay tawag kay Sana na agad namang sumunod papasok sa loob ng bahay-kubo namin.

"Oh, Sana. Nandito ka rin pala. Pasok ka dito, maupo ka muna." Gulat na sabi ni Inay sabay yakag kay Sana na tahimik namang sumunod kay Inay.

Wait, anong nakain nitong babaeng 'to? Himala, behave ngayon.

"Salamat po." Matipid na sambit ni Sana. Nagkatinginan kami ni Chaeyoung, kaya sinenyasan ko siya na magtigil muna sa kung anong kalokohan ang naiisip niya.

"Kumusta ka, Sana? Napa-bisita ka ata ulit bigla." Tanong ni Inay.

"Opo, nagpunta po ako dito para personal na ibigay sa inyo ang mga regalo ko. Sandali po, kunin ko lang." Agad na lumabas si Sana kaya naman sinundan ko siya.

"Wait, Sana. You mean, para kay Inay ang ibang bitbit natin kanina?"

"Yes, at para sa epal mong kapatid." Ay, wait wait wait. Nagsisimula na naman atang magtaray. Pa-expire na ata ang behave card nito.

"So, ibig sabihin picture ni Inay at Chaeyoung yung ipinapakita mo sa saleslady kanina?"

"At paano mo nalaman 'yon? Pinapanood mo ba ako kanina?" Kunot-noong tanong niya.

"Lalapitan na sana kita noon kaso nakita kitang kausap yung saleslady."

"Fine, whatever. Para sa Inay at kapatid mo 'yan. Ito naman ang para sayo." Agad niyang ipinabitbit sakin ang ilang shopping bags na nasa kotse.

"Sobra na 'tong ibinigay mo sakin at sa pamilya ko, Sana."

"Eh sa gusto ko ngang magbigay, what the fvck is wrong with you? Ganito na lang, isipin mo na lang na bayad rin 'yan sa mission na isinasagawa natin. Period, wala nang pero-pero." Lumakad na ulit siya papasok kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Para saan ang mga ito, Hija?" Gulat na tanong ni Inay nang makita ang shopping bags na bitbit namin.

"Para sa inyo po at sa anak niyong epal, I mean kay Chaeyoung." Sambit ni Sana.

"Para sa'kin?" Napalapit si Chaeyoung nang marinig ang pangalan niya.

"Yes." Matipid na sagot ni Sana.

"Peace offering ba 'to?" Extra ni Chaeyoung sabay tingin sa laman ng shopping bags.

"Sana, maraming salamat pero 'di ka na sana nag-abala. Nakakahiya naman, ang mamahal ng mga 'to."

"Wala pong anuman, huwag po kayong mag-alala dahil regalo ko po 'yan sa inyo." Nakangiting sagot ni Sana sabay abot ng shopping bags kay Inay kaya wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang mga ito.

Masyado lang ba akong mapaghinala o sadyang gusto niya lang makipag-ayos sa pamilya ko na minsan niyang tinarayan? Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa mga ikinikilos niya ngayon?

Matapos makipag-usap kasama sina Inay at Chaeyoung, nagpaalam na si Sana upang umalis.

"Sana, wait." Pasakay na sana siya ng kotse nang tawagin ko siyang muli.

"Why?"

"Salamat."

"I have to go." Matipid niyang sagot sabay sakay na sa kotse bago tuluyang umalis.

"Kuys!" Biglang tumalon si Chaeyoung sakin dahilan para matumba kami pareho.

"Pre naman eh, babalian mo ba ako ng buto?" Asar kong tanong sa kanya.

"Aminin mo nga, may namamagitan ba sa inyo ng demonyitang 'yon?"

"Bunganga mo, Pre. Binigyan ka na nga ng regalo eh, may pangalan yung tao."

"Nako, mukhang tinamaan ang Kuys ko. Ipinagtatanggol na eh." Patuloy na pang-aasar niya.

"Tinamaan agad? Tsk, isip mo talaga. Walang namamagitan sa'min ni Sana. Tigilan mo na ang pakikipagtalo sa kanya."

"Siya rin kaya, tinatawag akong epal."

"Intindihin mo na lang, Pre."

"Nako, Kuys. Sinasabi ko sayo. Baka may magbago na ng feelings bago pa makabalik si Tzuyu ha." Napatingin ako nang masama sa kanya dahilan para mapa-peace sign siya sakin.

"Pumasok na nga tayo sa loob. Ingatan mo yung regalong damit ni Sana sayo ha." Inakbayan ko siya sa balikat bago siya tuluyang isama pabalik sa loob.

▪️▪️▪️▪️▪️


Mr. Kim's Promise | SaiDaWhere stories live. Discover now