Locked 44

15.5K 228 3
                                    




Cindy's Pov



Bumalik na kami sa hospital habang si Kier naman bumuli ng pagkain sa Jollibee request kasi ng mga bata pero mas request ng isip bata tsss!.

Naka hawak sa isa kong kamay si Reese  habang buhat buhat ko naman si Starlet at magkahawak kamay naman sina Lie at Na sa harapan namin .



"Oh baba kana baby girl ."ibinababa ko na sya .



"Mami ilalabas ko  na po yung mga papel at lapis para maturuan nyo na po kami ."Starlet


"Cge pero itabi mo muna dyan dahil kakain muna tayo okay?."


Tumango naman sya saka inilagay sa tabi yung gamit nila para mamaya . Hindi rin naman nagtagal dumating na si Kier may dalang Jollibee. At nagsimula na nga kaming kumain .


Habang kumakain pasimple pa akong sinusubuan ni Kier ng balat ng manok talagang alam na alam nya na iyun ang paborito ko sa friend chicken. Pero parang may hindi papatalo sa amin dahil kung kami si Kier lang ang nagsusubo kina Lie at Na naman ay parehas pa nilang sinusubuan ang isa't isa .



"Mami naiinggit ako sa kanila pwede tayo din ?." tinagnan ko lang si Kier ng masama pero itinapat nya lang sa mukha ko yung kutsara ana may laman na kanin at manok .


Syempre papakipot pa ba ko eh syempre tinanggap ko narin iyun.



"Psst! Kuya subuan mo rin ako inggit din ako sa kanila." sabi ni Starlet sa kuya Reese nya .


Natawa naman kami Kier sa sinabi nya.



"Mukha maagang mag-aasawa yang si Araw ahh?." bulong nya sa tenga ko .



Shemay Shomay ! Kailangan talagang nakadikit pa yung labi nya sa tenga ko?...



Naramdaman ko na tumayo yung mga balahibo ko dahil sa ginagawa nya . Kelandi landi naman kasing lalaki natoh .. :)



"Kanino mo nalaman na mga pangalan nila?." ako




"I have my source." *Wink *


Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya .




Tumingin sya sa akin saka pinitik yung ilong ko.



"Ouch"



"At tanging pagkakamali mo lang nagawa ay ang hindi pagbigay ng aplido ko sa kanila."





--------




Lumipas ang tatlong linggo nandito na kami sa Manila sa Condo ni Kier . Ayaw pa nga kaming payagan nila Tita Karla hmm este Mommy pala na dito kami sa condo at ang gusto nila sa bahay nalang nila pero ayaw ni Kier kailangan padaw muna namin ng privacy pero pwede naman silang dumalaw ano yun joke? May pa privacy privacy pa syang nalalaman .

Tsss!



Nagresign narin ako sa  pagiging private nurse ko dahil dadalhin na nila Mr. and Mrs. Lopez  si Na sa America para doon ipagamot . Kaya nga hanggang ngayon matamlay parin si Lie dahil sa pagalis ni Na minsan naririnig ko pa syang umiiyak bago matulog sa kwarto nya at puros eto lang ang sinasabi nya

" I miss you my Na."

Syempre bago ako umalis sa Palawan isang madramang pag papaalam muna ang nangyari sa amin nila Nanay Helen at Tatay Robert inaalok ko nga sa kanila na sumama nalang sila sa amin pero ayaw nila nandoon daw yung kinabubuhay nila dadalaw nalang daw sila sa amin sa Manila kaya ibinigay ko sa kanila ang address namin , pero hanggang sa umalis kami ni anino ni Rob hindi ko nakita hindi naman siguro sya nagpakamatay dahil sa pambabusted ko sa kanya noh?.


LOCKED|Completed|Where stories live. Discover now