ILWMM II - Till we meet again Mr. Maniac ( Locked 31)

17.5K 271 4
                                    

Cindy's Pov

Kapag nasaktan ka bumangon ka at patunayan mo na matapang ka at hindi ka kayang ibagsak ng pagsubok na iyon . Dahil tandaan natin may isang tao na kahit kailan hindi tayo papabayaan at patuloy tayong mamahalin at walang iba kundi si God.

3 years later

"Mami eto po yung kalabatha ." nginiitian ko yung panganay ko ng iabot nya sa akin yung Talong .Hay bulol talaga sya sa 's' at nagiging 'th' iyun sa kanya . Mabilis naman na lumapit sa akin yung pangalawa ko.

"Mami okla po pabolito ko po yan." ang sarap panggigilan ng mga anak ko ang cu-cute ^0^ . Sya naman yung bunso ko sa lalaki at bulol naman sya sa 'R' at nagiging 'L' sa kanya yun .

Habang abala ako sa pagluluto nakamasid lang sa akin yung dalawa kong anak na lalaki na naka upo pa sa lamesa mabuti nalang at narra iyun kundi hindi ko talaga sila papayagang umupo sa lamesa delekado at mataas pero ang lagi lang nila sa akin sinasabi ' Mami malaki na po kami saka super hero po kami ng mahal na printhetha ay! este prinsesa ayan nagagaya na ako sa anak ko .Lagi silang ganyan kada magluluto ako , maglalaba at maglilinis ng bahay lagi silang nakasunod sa akin at tinutulungan ako , gusto daw kasi nila paglaki sila na daw yung magsisilbi sa akin at sa prinsesa namin .

Yup may prinsesa pa ako at ngayon nga gising na sya .

"Mamiiii Kuyaaa." nagulat yung dalawa ng marinig nila yung hiyaw ng bunso namin , at kulang nalang talunin nila yung lamesa para maka baba sa sobrang pagmamadali .

Binuhat ko sila pababa ng lamesa . Hay ! ang bibigat na ng mga baby boys ko halatang lumalaki na .

"Githing na ang mahal na printhetha." Gusto ko man matawa sa paraan ng pagsasalita ng anak ko di ko magawa dahil siguradong magtatampo sila sa akin.

"Lika na Sunlie baka mamaya magalit pa sa atin yun." Hay sa wakas may matatas ding nasabi si Moonreese .

Naguguluhan ba kayo ? Cge ikukukwento ko na sa inyo kung bakit may tatlo ako ditong kasama na makukulit .

Pagkatapos akong iwan mag-isa ni Kier sa barangay na iyun , after 5 hours na paghihintay kung babalikan nya pa ako may napadaan na jeep ng mga buko . Huminto sila ng makita nila ako sa gilid na humulas at nalubog na sa sarili kong luha . Kinupkop nila ako sa kanila at sila yung nagalaga sa akin , dahil ayoko muna umuwi kila papa wala ako sa kanilang mukahang maihaharap mas lalo't nalaman ko na buntis na ako . Sila nanay Helen at tatay Robert ang kumukupkop sa amin hanggang ngayon ng mga anak ko , wala kasi dito yung nag-iisa nilang anak na lalaki nagta-trabaho sa abroad kaya nila kinupkop dahil gusto daw nila magkaanak ng babae pero hindi sila binayayaan .

Lumipas ang mga buwan nanatili akong naghihintay kay Kier tuwing September 21 pumunta ako kung saan nya ako iniwan nagbabakasakali na babalikan nya ako , pero nanganak na ako sa triplets naming anak ni anino nya hindi ko nakita .

"Stallet (Starlet) magandang buhay." kumaripas sa takbo si Moonreese papunta sa kwarto ng kapatid nya kasama si Sunlie .

Alam nyo ba nung nalaman ko na buntis ako sobra yung tuwa dahil kapag binalikana ko ni Kier may mga anak na sya , pero nagbago yun ng lumipas na ang taon hindi parin nila kami binabalikan .

Hindi ko nga alam kung ano yung gagawin ko ng malaman ko na triplets yung anak ko . Hanep sa pagka sharp shooter si Kier naka tatlo agad . Kahit na iniwan nya ako may ibinigay naman sya sa akin na tatlong anghel na syang nagbibigay ng kulay sa mundo ko . Kaya hindi ko rin kayang patayin at ilubog sya sa lupa sa galit ko dahil sa mga anak ko na lahat kamukha sya.

Si Moonreese ang panganay sa triplets una lang sya ng 6 na segundo kay Sunlie na pangalawa , at syempre ang bunso namin na si Starlet .Si Moonreese yung bulob sa 'R' at si Sunlie naman bulol sa 'S'. Pero yung prinsesa naman sya ang pinaka matatas .

"Super hero ! Heh! Magiging super hero ko kayo kapag matatas na kayong magsalita Bleh.!" Lumabas ng kwarto namin ang mahal na prinsesa na naka bistida ng dilaw at may teddy bear pang dala . Sa totoo sya ang pinaka ka mukha ni Kier para na nga syang girl version nito eh .

Lumapit sya sa akin saka yumakap sa legs ko . Mag three years old na sila at kuyang kuya talaga yung dalawa kay Starlet .

"Mami bakit po ba bulol yung mga kuya ko.?" napatawa ako sa tanong nya . Laging ganyan yung sinasabi nya sa akin dahil sa matatas nga sya .

Inupo ko naman sya sa upuan dito sa lamesa .

"Syempre , bata pa kasi kayo ." sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya at kiliti sa kanya .

"Mami inggit kami." narinig kong bulong nung dalawa sa gilid. Hay nako naglalambing nanaman yung mga anak ko .

"Okay ! ihaHug and ikiKiss kayo ni Mami ." sabi ko sa kanila saka sila pinaghahalikan at niyakap ko silang tatlo .

"Mami amoy na po yung ulam ." bulong sa akin ni Starlet .

"Ay ! oo nga wait lang mga anak." Mabilis akong tumayo upang patayin yung kalan .

Mabuti nalang pala talaga at lumaki ako sa hirap hindi na ako naninibago sa buhay namin ngayon . Nakatira kami sa isang maliit na kubo dito sa Palawan malapit sa dalampasigan at sila nanay Helen naman ay medyo malayo sa amin , dahil nandoon sila sa may niyugan nila or sa may puno nila ng mga buko.

Ngayon nga nagluluto ako ng Pinakbet , hindi man kami mayaman sa pera mayaman naman kami sa gulay dahil , tumutulong ako sa pagtatanim at pagani ng mga tanim na gulay nila nanay Helen . Napamahal na sila sa amin at pati kami ng mga anak ko anak at apo narin kasi yung turing nila ni tatay Robert sa mga anak ko , paano ba naman namimiss na nila yung anak nilang lalaki na laging nade-delayed yung paguwi dahil sa gastos .

"Mami Kain na po tayo gutom na po si Sunlie ." Sabi ni Sunlie sabay himas sa tiyan nyang maliit ang cute talaga ng baby boy ko: ) Pagka hango ko ng ulam at lagay nito sa mangkok .

"Cge kakain na tayo tawagin nyo na muna sila Lola Helen ." Sabi ko sa kanila sabay karipas nilang tatlo ng takbo .

Nakakatuwa talaga sila ang ganda at kagugwapo , lahat sila kamukha ng tatay nilang nangiiwan sa ere . Bago pa man pumatak yung luha yung mga luha ko pinunansan ko na ito ayoko munang isipin yung lalaki na yun nasasaktan lang ako kung bakit nya kailangan iwan ako , kami .

"Lolo pinakbet po yung ulam natin ." naririnig kong malakas na bida ng prinsesa ko , papalapit na sila sa bahay namin kaya inayos ko na yung mga plato namin . Gusto kasi nila Nanay Helen tuwing kakain sabay sabay kami dahil nakakalungkot daw kapag silang dalawa lang .

"Pabolito ko po iyun." si Sunlie .

"Ako man po ."si Moonreese .

Kakaiba ba yung pangalan ng mg anak ko?. Nung pinagbubutis ko kasi sila lagi kong naalala yung tagpo namin ng tatay nila sa Tree house kaya ayan naging heavenly bodies yung pangalan nila .

Si Moonreese Miguel Mendez , Sunlie Samuel Mendez , at si Kiera Starlet Mendez . Yep! Sinunod ko talaga si Starlet sa pangalan ng tatay niya dahil talagang magkamukha sila pero hindi ko ginamit yung surname ng tatay nila . Grrr!.

Sinilip ko sila sa pinto papunta na sila dito si Starlet buhat buhat ni Nanay Helen samatalang sila Moonreese at Sunlie naman naka sabit sa magkabilang hita ni Tatay Robert.

Nakakatuwa lang isipin na iniwan man ako ni Kier atleast may 3 anghel na dumating naman sa buhay ko para punan ang kalungkutan ko bonus na sila nanay at tatay .

--**--

Update ! :)

Baby girl po :) nasa right side >>> Ang cute

Nakakaloka akala ko sira na talaga yung netbook mabuti nalang talaga at hindi kaya nakapag update ako . Haha! Pero yung charger naman yung nasira xD

Thank you nga po pala sa pagbabasa :)

LOCKED|Completed|Where stories live. Discover now