Locked 36

15.7K 244 4
                                    



Cindy's Pov


Mabilis na lumipas ang mga araw  at  kaarawan na nga ng triplets .

Bukas kami pupuntang mall tulad narin ng sinabi ni Rob sa ngayon ice-celebrate namin yung 3rd birthday nila dito sa may tabing dagat . Simple lang ayaw kasi nung mga bata na maraming tao dahil marami raw kaming ligpitin sabi nga namin na okay lang yun eh  saka kaarawan nila yun  , ayaw daw talaga nila kami mapagod pa .Kaya konting salo-salo lang yung mabibigay namin sa kanila .

Minsan nga naisip ko kung 3 years old palang ba talaga sila eh .

Maaga akong gumising para maghanda ng lulutuin katulong ko sa pagluluto si nanay Helen . Samatalang si tatay Robert naman inaayos yung kubo malapit sa may dagat para maayos naman daw kapag pumunta kami doon , at si Rob naiwan sa bahay para bantayan yung mga bata .

"Paniguradong matutuwa yung mga bata nato." nakangiting saad ni nanay Helen .

Simula ng kupkupin nila ako at ng isilang ko yung triplets sila na yung kasama ko at kapag nakita ninyo yung mukha nya tiyak na mababakasan ng saya at masaya ako doon atleast nasusuklian ko sa paraan na napapasaya sila lahat ng naitulong nila sa amin .

"Oo nga po tiyak na magtatalon sa tuwa yung mga bata kapag nakita nilang maraming pagkain ." ako


"Osya dadalhin ko na ito sa may kubo isunod mo nalang iyang niluluto pagkaluto ."

Umalis si nanay Helen dadala yung putong puti nandon na kasi yung ilang pagkain para pagkagising daw nung mga bata handa na ang lahat .


Tinikman ko yung niluluto ko.

"Marunong na akong magluto ng Paborito natin ......Kier." Pagmamalaki pero nasaan naman yung pagaalayan ko nayun? Iniwan ako...kami


Naluluha nanaman ako kagabi pa ito eh . Naalala ko na naman kasi kung paano niya ako iniwan sa gitna ng kalsada luhaan , durog .

Mabilis kong pinunasan yung luha ko ng may maramdaman akong tao sa likod ko .


"Gising na yung mga bata ." si Rob

Tinignan nya ako sa mga mata ko saka umiwas .

"Umiyak ka na naman dahil sa kanya ." sya

Hindi ko sya pinansin pinatay ko na nalang yung kalan tutal luto na naman yung niluto ko .  Sa loob ng mga araw na magkasama kami never ko pa sa kanyang naikwento yung tungkol sa pinagdaanan namin ng triplets sa tatay nila at ganun din sya sa .


"Ako na magdadala nitong Hamonado sa kubo puntahan mo nalang yung mga bata sa kwarto ."

Pagkaalis nya napaupo ako sa sahig .


Inakap ko ng mahigpit yung mga tuhod ko . Diba dapat masaya ako dahil birthday ng mga anak ko? Pero ano heto ako umiiyak.

Bakit ba kasi hindi ganun kadaling makalimot? . Bakit kailangang masaktan kapag nagmahal?.

Bakit kailangan may maiwan at mangiwan?.



Tumayo na ako saka naghilamos para hindi mahalata ng mga anak ko yung mata ko mamaya magduda naman yung mga bata Good observer pa naman sila .


Pagkapasok ko sa kwarto namin nakita ko silang inaayos pinaghigaan nila , ang babait talaga ng mga anak ko . ^_^ Inabot ko sa cabinet yung kahon na ibinigay sa akin nung lalaking hindi ko kilala dapat nga itatapon ko na ito ng makita ko yung laman .


-***-

Pagkaalis ni Rob inilapag ko yung kahon ng regalo sa lamesita  saka ako umupo muna  sa upuan at tinitigan yung kahon.

LOCKED|Completed|Where stories live. Discover now