Locked 22

16.5K 248 2
                                    



Cindy's Pov


Kahit na bwisit na bwisit ako kay Carly pinili ko paring pumunta sa apartment nya . Eh pake nya ba hindi naman sya yung pupuntahan ko dun kundi sila Mama at papa. >_<

Hindi ko alam kung bakit napaka init ng dugo ko kay Carly .

Di

.

.

.

.kaya naglilihi ako?!....xD

Just kidding ! Virgin pa kaya ako . :)

Habang nasa taxi kami walang nagtangkang magsalita sa amin .' Mabuti narin yun kundi baka paglihis yung mga sasabihin nya masabunutan ko pa sya '. Nang makarating na kami sa apartment nagpatiuna na ako sa kanyang bumaba.  Nadatnan ko silang naghaharutan sa sala .

Napangiti ako , natatandaan ko pa nung araw na papakasalan nya si Tita Fei at sabi nya sa akin .

"Tandaan mo kahit na magpakasal ulit ako iba , iba parin yung kayong dalawa ng Mama mo . Dahil yung mama mo yung una kong minahal ."


Nang makita ako nila papa sa pinto ngumiti sya agad .At Nagatatakbo na akong yumakap kay kanya.

Yumakap ako na parang bata . I miss my papa !

'Ma hindi man ipahalata ni papa alam kong miss na miss kana rin nya'

Simula kasi nung magasawa ulit si papa nung 7 years old ako 5 years ng patay nun si mama dahil siguro 7 lang ako nung mawala si mama naghanap ako ng kalinga ng isang ina . Hindi naman ako nagkamali dahil naging tunay na ina naman sa akin si Tita Fei pero yung spoiled brat nyang anak na si Carly sa una nya ring asawa kahit kailanman ay hindi ko nakasundo.


"Papa I really miss you "


Naramdaman ko na niyakap rin ako ng mahigpit ni papa .



"I really miss you my baby girl"


Nakita kong nakatitig si Tita Fei kaya inaaya ko rin sya para group hug na kami .


Habang magkakayakap kami dumaan si Carly sa harap namin saka umirap .


Hay! Inggit kalang .


Nagsibitaw na kami dahil baka mimiya magalburoto na si Carly . Hindi ko nga alam kung anong pinaglalaban nyan dahil mas naging ama pa nga sa kanya si Papa . Sinabi sa akin ni Papa na intindihin  ko nalang dahil sya yung mas bata mas kailangan ng kalinga.

Bait ko noh? !



"Kamusta kana anak " sabi ni Tita


"Ok lang naman po." ako


"Anak may hindi kaba sinasabi sa akin ?"biglang tanong ni Papa

Napatingin ako sa kanya .


"Pa ano po iyon?"


Tinitigan nya ako sabay taas nung isang picture .





O.o



Gosh!


"Kailan ka pa natutong maglihim sa amin ha? Cinderella Haily Mendez? ."


Napayuko ako di ko alam sasabihin ko dahil never pa akong naglihim kay Papa.

>_<!

"Pa gusto ko lang naman pong ituloy yung pangarap ko ."sabi ko

"Pero diba nagusap na tayo tungkol dyan , ayaw kitang pakuhanin ng arkitektura dahil mahal."

"Pa! ako na naman po yung magpapaaral sa sarili ko eh ."

Tinitigan ako ni Papa ng malalim saka bumuntung hininga .

Hindi ko alam kung bakit ayaw nyang ipakuha sa akin yung Architecture , eh mahal din naman yung sa pag-nurse.

Kung sabagay scholar naman kasi ako.


"Balang araw maiintindihan mo rin ako anak." sabi ni Papa sabay punta sa kusina.


"Pabayaan mo na Cindy halika na at nakahain na yung pagkain." pangaaya sa akin ni Tita Fei


Ni hindi man lang ako inaya ni Papa . Ewan ko ba tuwing naririnig nya yung pangarap ko na yun lagi syang nawawalan ng gana .

Bakit naman kaya?

LOCKED|Completed|Where stories live. Discover now