"Questions... madami talaga?" natatawang tanong ko dito. Ngumiti din siya.


"Yes po. Kasi hindi lang po isa eh mga three po!" sabi nito sabay pakita sa daliri niya ng "three" how cute.



"Okay , what it is?"



"Is Tita Gia your friend po?" unang tanong nito. Hindi nga ako nagkamala. She will ask about Gia.



"Hmmm, yes? Yeah. Oo." nanlaki ang mata ni Oli na para bang may nasabi akong ikinagulat niya. Napatakip pa ito sa bibig sa gulat.

hah?


"Girlfriend mo po si Tita Gia??!!" halos pabulong na sigaw nito. Sapat lang para hindi marinig ng ibang students.



"Girlfriend? Not girlfriend na we're in a relationship. Girl na friend. Yeah. That's it." nahihirapan tuloy akong magpaliwanag. Hindi naman ako magaling sa ganito.


"Ohh. Like best friends po?"



"No. Not like that. We're workmates! She's my Road Manager kaya lagi kami magkasama."



"So liligawan mo po si Tita ko?" hindi ako makasagot sa huling tanong nito. Saan nanggagaling ang tanong ng batang ito.




"Teka lang, sabi mo 3 questions lang! Ikaw hah!" ngumiti ito tsaka nagtakip ng mukha gamit ang papel na hawak niya.




"Teacher Arman, promise me——- not to hurt my Tita hah? I love her very much po eh." mas lalo akong nagulat sa sinabi nito. Coming from a 5 years old kid? How genuine that love for her Tita Gia.




"Ako nga yung sinasaktan ng Tita mo. Lagi niya pinipisil tong muscle ko!" share ko dito and she laugh tsaka niya hinawakan ang muscle ko sa braso.


"Wow! That's so big! Amazing!!!"



"Amazing talaga? hahahahahah.."



"Please protect my Tita po sa mga bad people hah?" muling pakiusap nito. Napangiti ako tsaka ko hinawakan ang uli nito.



"Wag ka mag-alala. Strong ang Tita mo. Hindi niya hahayaang masaktan ang sarili niya ng bad people——- at hindi ko din hahayaan ang bad people na saktan siya. Akong bahala." Nagulat ako ng biglang bumaba sa upuan si Oli tsaka niya ako niyakap.


Ano bang nangyari? Ang weird ni Oli. May mas malalim bang problema si Gia?













Gia's POV

Day off ko ngayon. Walang ganap. Ito ako, mag-isa sa bahay. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang ineenjoy ko ang mainit na kape. Kita ko mula sa bintana ang bahay nila Jenny. Sinilip ko ang relo ko, 9am na pala. Nasa music school na panigurado si Oli. Alam ko, kasi ako ang magsusundo sa kanya mamaya dahil may importanteng lakad ang Mommy nito.


Maingat kong binaba ang mug tsaka ko pinagpatuloy ang pagsusulat ko ng isang script for a short film. I will try my best na makatapos ng isang script para naman maipasa ko agad. Direk Pat emailed me na subukan ko daw magpasa ng script for a short film category. Wala namang mawawala kung susubukan ko eh.

Natigil ako sa pag type ng makarecieved ako ng notification sa IG ko. A direct message from Arman. Bakit ba sa IG ko siya lagi nag mmesagge! May Viber naman ako, messenger—— tsk.



"Busy? Can I call?" message nito sa akin. Ang weird. Anong meron? Hindi kaya may emergency kay Oli??? Mabilis kong tinawagan si Arman. Oo, ako na ang tumawag.




WANDA For YouWhere stories live. Discover now