AUTHORS NOTE
Can't Buy Me Love teaser is out!!
1st ever teleserye of Donny Pangilinan and Belle MarainoNabuhay ang katawang lupa ko doon
_____________________________________
Pauwi na ulit kami sa Manila. Hindi katulad ng pagpunta namin ang pagbalik namin dahil naging tahimik ang byahe. Halos lahat ay natutulog
Katabi ko naman si Knox. Natutulog siya habang hawak ang kamay ko. Nakasuot siya ng neck pillow at eyemask
Tinignan ko sa maliit na monitor kung malapit na ba kami. 2 hours nalang ay arrival na namin
Nag phone ako at nag scroll sa socials. Nang bigla akong may narinig na tumunog. Hinanap ko kung saan galing iyon.
Phone iyon ni Knox at may tumatawag. Tinignan ko kung sino iyon at may nakasulat na 'Dad'. Gusto ko sana ito sagutin dahil nakaka limang missed call na ito
Ginising ko nalang si Knox "Tumatawag ang Daddy mo, Mukhang may emergency" sabi ko sakanya
Kinusot niya pa muna ang mata niya baka kuhain ang phone niya at sagutin iyon
"Hello, Dad?" salita niya at tinignan ko lang siya.Napansin ko na kumunot ang noo niya. Nagbago din ang expression ng mukha niya. Nagugulat
Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Tumayo siya at pumunta sa restroom habang kausap ang Daddy niya sa phone
Anong nangyari?
Hindi tuloy ako mapakali at hinihintay siya makabalik
Medyo natagalan siya makabalik kaya nag pa linga linga ako kung pabalik na ba siya
Naglalakad na siya pabalik. Mukhang seryoso ngunit mas kalmado na ngayon ang itsura niya hindi tulad kanina. Bumalik siya sa tabi ko
"Is everything okay?" tanong ko sakanya at ngumiti lang siya sa akin
Pinagmasdan ko siya at nakatulala lang siya
Palagay ko ay may problema
Pinagmasdan ko lang siya habang tinitignan ang monitor na nasa harap niya. Maya't maya din ang tawag ng Daddy niya sa kanya
"Yes, Dad" puro iyon lang ang sinasabi niya. Nang matapos sila mag usap ay tinanong ko ulit siya
"Anong problema Knox?" diretsyong tanong ko sakanya. Matagal niya ako tinignan bago nagsalita ulit
"Diretsyo uwi ka ba sainyo? Or may pupuntahan pa kayo?" tanong niya sa akin
"Uuwi ako agad" sagot ko sakanya
"Hindi kita maihahatid, Trina. I'm sorry" malungkot na sagot niya sa akin
"Huh?.. Ahmm. Its okay" sagot ko sakanya dahil naging malungkot ang itsura niya ngayon
Naninibago ako sa asta niya ngayon
May mali talaga eh
Para siyang aligaga
Isang oras nalang ay lalapag na kami. Lalo siyang nataranta. Inaayos niya ang mga gamit niya.
Nakita ko rin na kinuha niya ang baril niya at sinuksok sa tagiliran niya
"Knox, What's going on? Sabihin mo na sakin" pamimilit ko sakanya.
Malalim ang paghinga niya at bumulong sa akin "May nag aabang sakin sa airport" sabi niya at napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat
![](https://img.wattpad.com/cover/347023834-288-k664268.jpg)
YOU ARE READING
Bullets of Healing (COMPLETED)
RomanceA woman who has a Dream to become a Doctor until she meets a man who is in a family of soldiers. How does their love story go?