CHAPTER 23 - HELL WEEK

395 9 1
                                    

CHAPTER XXII

Naging mabilis ang panahon. Ang pag duty namin sa hospital ay parang naging training lang dahil 1 buwan nalang ay 4th year na ako at puro hospital duty na kame

"Trina, Any plan for you birthday?"  Tanong ni Mommy sa akin. Sa totoo lang ay wala talaga akong plano. Kung mag celebrate man wala naman akong madaming friends para imbitahin.

"Nothing, Mom" sagot ko

"Why anak?" Tanong ni Dad sa akin

"Wala naman akong iimbitahin, Dad. Lets have a dinner nalang po"

"Are you sure?" paninigurado ni Dad

"You should invite, Loui, Anak" dagdag pa ni Mom

"For sure, Mom"

Last month na namin sa school dahil next month ay puro hospital nalang kame.

Naging busy ako sa school. Hell week na namin. 24hrs na ako kung mag aral. Kaya hindi ko na masyado nakakausap si Knox. Hindi ko na din naalala na malapit na nga pala ang birthday ko dalawang araw nalang

"Alam ba ni Knox na birthday ko?" tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang convo namin. Ako ang huling nagchat sa amin at hindi niya pa iyon siniseen. Bakit parang ang busy niya naman yata?

Ang huling sabi niya sa akin ay nagluluto daw siya. Baka ay may trabaho na siya hindi niya lang nababanggit sa akin

Finocus ko nalang muna ang sarili ko sa pagaaral dahil tatlo ang exam ko ayokong bumagsak.

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil exam. Nakita ko si Knox na nasa entrance. Hindi niya ako nirereplyan pero andito siya

"Goodmorning" Sabi niya. Pinagmasdan ko siya. Bakit parang Hindi na to natutulog. Ang laki na ng mga eyebags niya. Ano bang nangyayari sakanya

"Bakit hindi ka nagrereply sa chat ko?" tanong ko sakanya

"A-ah ano kase" at napapakamot pa sa ulo niya "Sorry" Yun lang? Yun lang ang sasabihin niya?

Inaabot niya na sa akin ang paper bag na dala niya. Bigla akong nainis. Malapit na nga ang birthday ko ganito pa siya sa akin.

Sa inis ko ay tinalikuran ko siya at hindi tinanggap ang paper bag. Pinipigilan niya ako agad "Trina, yung pagkain mo" Sabi niya sa akin.

Nakatitig lang ako sakanya at hindi umiimik "Ayaw mo ba? Masarap naman to" Sabi niya.

Hindi ba siya talaga mag explain kung bakit hindi niya ako nirereplyan?

"Ayoko, Busog ako" malamig na sabi ko at kinagulat niya

"Trina, alam kong hindi ka pa nag aalmusal, Sige na kuhain mo na to...Magugutom ka niyan. Sorry busy lang talaga ako kakaluto kaya hindi ko masyado nahahawakan ang cellphone ko" pagpapaliwanag niya

Ako nga 24hrs kung mag aral nachecheck ko pa ang messages niya at narereplyan. Bakit hindi niya magawa sa akin yon?

Pagod na ko mag aral. Sumasabay pa siya

"Huwag mo na ko ipagluto, Hindi na kailangan" masungit kong sabi at mabilis na pumasok sa school at iniwan siya roon. Narinig ko pa na ilang beses niya ako tinawag at hinabol ngunit pinigilan siya ng guard ng school namin

Bigla kong naramdaman ang guilt nang nasa classroom na ko at kumakalam ang tiyan ko.

Sorry Knox

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now