Prologue

3 1 0
                                        


"San nanaman ba tayo pupunta?" inis na tanong ni Rei sakin. Hindi ko na pinansin ang tanong niya at binilisan nalang namin ang paglalakad.

"Wag mong sabihin na susundan na naman natin yang pisteng crush mo?!" inis na tanong niya ulit na napalakas pa! Jusko baka may makarinig samin. Tangina talaga nitong babaeng toh!

"Tangina mo, manahimik ka. Ililibre kita mamaya basta samahan mo ko" bulong ko sakanya habang patuloy parin kaming naglalakad. Deretsyo lang ang tingin ko sa lalaking naglalakad. Ayokong tumingin sa iba. Natatakot ako. Natatakot akong kapag tumingin ako sa paligid ko bigla siyang mawala.

"Gago ka talaga, bakit ba gustong-gusto mo yan? Eh ang sama-sama nyan sayo eh" inis pang sabi niya. Parang tanga talaga toh! Pangit niya kabonding. Binitawan ko na lang ang kamay niya, alam ko ayaw niya talaga akong samahan. Tangina nito! Siguro maghahanap ng pogi kaya ayokong samahan eh.

"Hindi naman siya masama, siguro hate niya lang talaga ako. Pero sabi nga nila the more you hate, the more you love, kaya mahal niya ko" Pagkatapos kong sabihin ang mga yan ay dali-dali na akong tumakbo para mahabol siya. Rinig ko naman pagtawag sakin ni Rei pero hindi ko na siya pinansin pa. Bahala siya dyan! Kailangan kong makita ang crush ko!

Pagod na akong tumakbo kakahabol sakanya pero hindi parin ako tumigil. Kailangan ko siyang makita may ibibigay pa naman ako sakanya. Tumigil muna ako saglit dahil pagod na talaga ako. Napahawak ako sa tuhod dahil sa sobrang pagod.

Tatakbo na sana ako ng mapatigil ako dahil sa aking nakita. Hindi ko na kailangang tumakbo dahil nakita ko na siya, pero may kasama namang iba. Siya yung babaeng lagi niyang Kasama eh. Sino siya? Girlfriend niya ba? Tangina hindi pwede! Ako lang ang pwede niyang maging gf!

Natataranta akong nagtago sa likod ng basurahan ng makita kung papalapit sila sa puwesto ko. Tangina mukhang makikita pa yata ako.

"I miss you love" love? Tangina sinong love yang sinasabi mong babae ka? Gago akin yan! Nagsumiksik pa ako ng sobra sa pinagtataguan ko ng marinig ko na mas lalo silang napapalapit.

"I know" ay puta! Anong i know pinagsasabi mo Luan? Tangina baby akin kalang, bakit may pa i know ka pang nalalaman?

"Hey miss"

"Ayputa!" mabilis akong napatayo sa gulat dahil sa nagsalita. At napamura pa talaga ako! Tangina nakakahiya! Narinig niya! At puta nakita niya ako! Halos mawalan ako ng hininga ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napatitig naman ako sakanya dahil dun. Tangina ang gwapo!

May makapal na kilay, mahabang pilik-mata at matangos na ilong. Mapulang labi. Tangina may kulay ang mata niya! Jusko ang gwapo naman ng baby ko na yan.

"Hey miss? Are you alright?" napakurap naman ako ng makita kung sobrang lapit ng mukha niya sakin! Tangina! Wag kang lalapit baby baka mahalikan kita hehe.

"Yes baby" wala sa sarili kong sabi. Huli na ng marealized ko na natawag ko syang baby! Tangina Xia mukhang mapapahiya mo pa sarili mo!

"Hey, are you okay?" napatitig ako sakanya ng nagtanong ulit siya. Tangina baby ang gwapo mo talaga!

"Ah oo" nahihiyang sabi ko sabay kamot pa sa ulo. Tangina baka akalain na may kuto ako? Jusko baby wala akong kuto noh!

"Love, wait lang muna ha? Dad called me and he said that i need to go home na"

Napatingin naman ako sa babaeng kasama niya ng magsalita ito. Tangina ganda ng boses niya! Nahiya naman yung boses kong parang naghahamon lagi ng away. Sino kaya siya? Hindi naman siguro siya gf ni baby ko noh? Kasi hindi pwede.

"Okay, take care" napaiwas nalang ako ng tingin ng halikan niya ito. Sa harap ko pa talaga. Tangina ang galing naman. Hindi man lang ba nila inisip nandito ako? Hindi man lang ba niya inisip na masasaktan ako? Sabagay sino ba naman ako? Hindi niya naman ako kilala, ni hindi niya nga alam na gusto ko siya. At kahit siguro malaman man niya, walang magbabago. Lalo na't may iba naman pala siyang gusto.

"Hey miss? Okay kalang ba talaga?" naputol lang ang pag-iisip ko ng kung ano-ano ng tanungin niya ulit ako. Wala na pala dito yung babae. Tsk buti nalang. Masosolo ko na si baby ko.

"Huh? Oo naman, diba ikaw si Jerah Luan Ferrer?" kunwari hindi ko alam name niya, pero ang totoo para na akong obssess dahil lahat ata ng tungkol sa buhay niya alam ko na. Syempre baby ko yan eh, dapat lang na alam ko lahat tungkol sakanya.

"Yeah, and you are?" napakagat labi naman ako ng tanungin niya rin ang pangalan ko. Tangina dito na ba mag-uumpisa sa ang love story namin ng baby ko?

"I'm Alexia Bella Villamor, but you can call me xia, bella or love" syembre yung huli kung sinabi bulong lang. Baka sabihin niya nilalandi ko siya eh, saka nalang kita lalandiin baby pag nalaman ko kung sino yung babae.

"Nice name" enebe pereng tenge toh. Ako lang toh baby! Tangina baka makaihi ako sa sobrang kilig. Puta kalma ka muna self.

Nataranta naman ako ng tumalikod na siya at nag-umpisa ng maglakad. Hala si baby di man lang nagpaalam sakin. Bago pa siya makalayo ay tinawag ko na siya.

"Teka lang luan!" napahinto naman siya sa paglalakad at humarap ulit sakin. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palapit sakanya. Tangina kalma sabi eh! Wag kang kabahan!

Nang makalapit na ako sakanya ay kinuha ko sa aking bulsa ang regalo ko sakanya. Ngumiti naman ako bago ko iyon inabot sakanya. Nagtataka naman siyang napatingin dun at sa akin. Kaya bago pa siya makapagtanong ay nagsalita na ako.

"Happy birthday luan,sana magustuhan mo..... ako" nakangiti pa rin ako habang nakaabot parin sa kanya ang regalo. Binulong ko ulit yung panghuli, nakakahiya naman kapag narinig niya.

Nakita ko namang nagulat siya pero hindi nagtagal dahil ngumiti rin naman siya sakin. Ay puta baby wag mo akong ngitian mas lalo akong naiinlab sayo eh.

"Thank you" nakangiting sabi niya sabay kuha ng regalo sa kamay ko. Ay puta! Bakit parang nakuryente ako?

Hindi na ako nakapagsalita ng tumalikod na siya at umalis ulit. Bakit ang hilig niyang talikuran at iwan ako? Bakit ang dali-dali para sakanyang umalis ng hindi man lang nagpapaalam? Kasi wala siyang pake sakin.

Napangiti nalang ako ng mapait dahil sa mga naiisip ko. Pero ngumiti parin ako at dahan-dahan siyang sinundan. Alam kung para na akong tanga sa ginagawa ko pero ano bang pake nila? Gusto ko siya eh. Handa akong magpakatanga para sakanya.

Nakasunod pa rin ako sakanya hanggang mapatigil siya sa garden dito sa campus. Anong gagawin niya? Tatambay ba siya? Bakit hindi man lang niya ako sinama? Nagtago naman ako sa likod ng malaking halaman ng makita kung napatingin siya sa pwesto ko. Hala puta! Alam niya bang sinusundan ko siya? Hindi naman siguro kasi hindi ko naman pinahalata at isa pa malayo naman kami sa isat isa.

Hala! Bubuksan niya na agad ang bigay kong regalo? Ganun ba siya ka excited at dito niya pa bubuksan? Pwede namang sa bahay ah.

Halos manlambot ang tuhod ko ng makita ko ang ginawa niya sa binigay kong regalo. Tinapon niya. Tinapon niya ang regalong pinaghirapan kong bilhin. Kita ko rin sa mukha niya na parang nandidiri siya. Ayaw niya ba sa regalong bigay ko? O baka naman ayaw niya sa nagbigay?

Sana sinabi niya nalang sakin na ayaw niya ito kaysa naman magpanggap siyang gusto niya, kung itatapon lang din naman niya ito na parang basura.

Ang sama mo sakin, pero bakit kahit ganyan ka gusto pa rin kita? Bakit kahit kita ko sa dalawa kong mata na may iba kang gusto, umaasa parin ako? Ano bang meron sakanya na wala ako? Bakit hindi nalang ako?

UNTIL FOREVER (On-Going) Where stories live. Discover now