❤ 5 💙

32 1 4
                                    

"Wag ka nang umiyak! Ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak ka mula pa noon. Kapag ako ang kasama mo, walang dahilan para matakot ka. I will never leave you nor hurt you. I will always protect you."

Did I hear him right? I'm just staring at him while absorbing what he just said. It felt like someone cast a spell and I can't take my eyes off of him.

Ding!

The door opened.

Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig at naghiwalay. Inayos namin ang aming mga sarili habang palabas ng elevator. Habang naglalakad papuntang pantry ay hindi kami nagkikibuan.

Anu kayang iniisip niya? Totoo ba lahat ng sinabi niya? O baka naman aasarin na naman niya ako maya-mayang konti.

Hinintay ko na magbago ang mga kinikilos niya pabalik sa RJ na kilala ko. Nakarating na kami sa pantry at nakatingin na sa eskaparate pero ganun pa rin siya. Tahimik. At masaya?

Totoo ba tong nakikita ko? Nakangiti lang siya. Parang tuwang tuwa pa siya na nakulong kami sa elevator. Kahit sandali lang yun nakakatakot pa rin.

Nanginig ako ng maalala ko ang nangyari sa loob ng elevator.

"Wag ka nang umiyak! Ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak ka mula pa noon. Kapag ako ang kasama mo, walang dahilan para matakot ka. I will never leave you nor hurt you. I will always protect you."

Muli ko na namang naalala. Totoo ba tong nararamdaman ko? Kinikilig ako?

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

Noon napatingin si RJ sa akin. "Are you okay? Ginaw na ginaw ka na ba? Magnu-noodles na nga lang talaga tayo. Hindi na raw sila magluluto today dahil maraming hindi makakapasok. After natin kumain, if you want, uwi na tayo or kung gusto mo bili muna tayo ng damit na pamalit. Medyo nilalamig na rin ako eh."

"Okay pa naman ako. Kaya pa. Huwag na lang tayong bumili ng damit. Kung naka-motor tayo pauwi, mababasa lang din tayo."

Tumango na lang siya at um-order na ng kakainin namin.

Tahimik kaming kumain. Patingin-tingin lang ako sa kanya. Ganun din siya sa akin. Tinatantya ko kung mood lang ba ang dahilan kaya hindi niya ako iniinis. Baka naman kaya hindi niya ako iniinis ay dahil maganda ang mood niya. Kitang kita kasi sa mukha niya ang saya.

It mirror's the happiness that I'm feeling right now.

Natapos kaming kumain at naghanda ng umuwi. Nagngangalit pa rin ang ulan at malakas ang bugso ng hangin.

"Kakayanin pa ba nating umuwi ng ganito kalakas ang ulan?" hindi ko naitago ang kaba sa boses ko.

"Kelangan nating subukan. Mabagal daw ang takbo ng bagyo kaya malaki ang chance na magtagal bago 'yan humupa. Kung hindi talaga kaya, saka na lang tayo bumalik dito." sagot naman niya.

Tumango na lamang ako at yumuko.

He's starring at me intently and I can't look at him straight in the eye.

Ewan ko ba. Nahihiyang naiilang ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

Hindi agad siya kumilos. Dala ng kuryosidad, napilitan akong magtaas ng tingin. Nagsalubong ang tingin naming dalawa at unti-unti, naramdaman kong nadagdagan pa ang daloy ng dugo sa mukha ko. Pakiramdam ko kasing pula na ng mansanas ang mukha ko.

Sinubukan kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa. Felt like there's a magnet that won't allow me take my eyes off of him.

"Mam, sir, doon na lang po tayo sa loob. Umaangi po ang ulan mababasa po kayong lalo." sabi ni kuyang guard.

Love and HateWhere stories live. Discover now