❤ 4 💙

35 1 2
                                    

After that incident sa office, everything changed between me and RJ.

Para kaming napapaso sa isa't isa kahit na sa simple at sandaling tinginan lang. Naiilang ako sa kanya but in a good way.

Hindi ko naman maitatangging may nararamdaman akong kakaiba sa dibdib ko sa tuwing mangyayari ang ganon. As much as I wanted to deny it, my heart skips a beat whenever our eyes met.

May mga pagkakataong kapag wala siya ay hinahanap ko siya. Parang hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

Dahil ibang Russel Jonathan Romero ang nakakasama mo ngayon o may iba pang dahilan? Argh! Whatever!

Kapag weekend naman ay namamalayan ko na lang na nakatanaw ako sa bintana at inaabangan ang paglabas niya sa hardin nila.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa akin. This can't be happening to me.

"Avoid me, go ahead. Deny it if you want. Believe me Georgina Kate Alvarez, you've already fallen in love with your so called enemy. If you're ready to talk, andito lang ako. Take your time." mensahe ni Marie sa akin minsan habang wala ako sa sarili, nakatanaw sa labas ng bintana at nakaabang sa paglabas ni RJ.

Nandoon si Marie sa tapat ng bahay namin at nakatanaw sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, kinawayan at nginitian niya ako.

Ayokong pangalanan ang nararamdaman ko. Siguro nga in denial ako. Pero baka naman hindi love tong nararamdaman ko.

Oo, ako na ang matigas ang ulo.

Wait, sabi ko hindi ko papangalanan itong nararamdaman ko eh.

Sa opisina naman ay hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko kay Sandra.

At siya pa talaga ang palaging pumupunta sa department namin para yayaing kumain si RJ. Kesyo nagluto siya ng ganito, naghanda ng ganyan, etcetera, etcetera, etcetera.

Sinong hindi maiinis sa kalandian niya, di ba?

"Ang landi talaga ng babaeng 'yon! Walang delikadesa sa katawan!"

Ganyan kadalasan ang naiisip ko kapag nakikita kong kinakausap at nagpapa-cute siya kay RJ.

"Hey! Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Luke sa akin.

Lunch time noon at hindi ko namalayang lumilipad na naman pala ang isip ko sa kung saan.

Hindi ko rin napansin na nakatingin ako sa table kung saan naroon at kumakain si RJ at Sandra.

Nagtatawanan pa ang dalawa. Mukhang sayang saya ang una sa kung ano mang pinag-uusapan nila.

"You haven't eaten properly. Wala pa halos bawas ang pagkain mo oh." Nag-aalalang dagdag pa ni Luke. "Do you want to go to the clinic?" dagdag niya habang matamang nakatitig sa akin.

"I'm good Luke. Thank you sa concern." sagot ko at tipid na nginitian siya.

"Tara na. Malapit na namang matapos ang lunch eh. Balik na tayo." yaya ko na lang sa kanya.

Nawalan na talaga ako ng gana dahil sa nakikita ko.

"Pa'no na 'yang pagkain mo?"

"Busog pa naman ako. Kakain na lang ulit ako mamaya kapag ginutom na ako." Pangangatwiran ko.

That afternoon, tahimik lang kaming nagta-trabaho.

Love and HateWhere stories live. Discover now