❤ Prologue 💙

56 2 0
                                    

"Okay lang bang sagutin ko si Sean, George?" Yun ang sabi sa akin ng best friend ko.

Sa dami ng babae sa classroom, sa buong campus, bakit sa best friend ko pa na-inlove ang lalaking mahal ko? Ang sakit-sakit. Pero wala akong choice. If they really love each other, then I must let go. I love Sean and I love Marie too. I want them to be happy. Oo na, ako na ang martir. Pero mas gusto kong ako na lang ang mag-suffer kesa silang dalawa ang masaktan ng dahil sa akin.

After Marie talked to me, she started spending her time with Sean. We no longer hung out. Palagi nalang si Sean ang kasama ni Marie. Para akong tanga. Alam ko namang nasasaktan ako. Syempre ramdam na ramdam ko yun. But Marie is my best friend. We've been together since we're in elementary. Ayokong mabalewala lahat ng pinagsamahan namin ng dahil lang sa iisa ang minahal namin.

Kung pwede ko lang silang iwasan. Kung pwede nga lang na magpalipat na lang ako ng skuwelahan ginawa ko na. Pero sabi ko sa sarili ko, I will face this. Ayokong takbuhan ang problema ko. At kahit naman lumayo ako, masasaktan pa rin ako.

It's Monday. Another start of a hell week. Feels like there's an invisible hand squeezing my heart every time I see Marie and Sean. Yes, we're classmates. Ang hirap di ba. We're in the same classroom, same school. Marie and I both live in the same village, we're neighbors. Kaya ang hirap-hirap umiwas. Andito ako ngayon sa likod ng Lady of Immaculate Conception School. Sa tabing ilog, nagmumuni-muni. Naglalabas ng sama ng loob. Crying my heart out without them knowing it. Ang hirap magkunwari. Ang hirap ngumiti sa harap ng lahat, lalo na nila Sean at Marie, when deep inside, my heart was torn into pieces.

Nagulat ako nang may mapansin akong kamay na may hawak na panyo. Nang tignan ko kung sino, si Russel pala.

"Stop crying. Namamaga na ang mga mata mo. Lalo kang pumapangit." he said with a smirk on his handsome face.

Inirapan ko siya, "if you're here to piss me off, please. I'm not in the mood!"

"Hay! Ang sungit mo talaga! Nagmamagandang loob na nga ang tao ganyan ka pa. Dyan ka na nga!"

"Wag ka na lang magmagandang loob kung may kasama namang insulto! Salamat na lang!" Ganting-sagot ko.

Russel turned around and walked away but left his hanky. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong namnamin ang sakit na pinagdadaanan ko ngayon. I may look like I'm a Masochist but no, I just want to feel every stabbing pain so I can cry my heart out. Iiyak ako ngayon. Iiyak ako ng iiyak. Then I will face the world again with my head held high. With a smile on my lips. Ready to fall in love again.

*~* *~* *~*

A/N: Pasensya na sa mga grammar lapses at wrong spelling ko. ✌😁
Hope you liked it. If you do, kindly
Vote,
Share,
Comment.

I would love to hear from you.
ツツツ

Love and HateWhere stories live. Discover now