Chapter 30- Plan

1.3K 15 7
                                    

"I-I'm sorry, Emory. I-I didn't know that Pey will be auntie's target," I called Emory after we received auntie's invitation.

He went back here after hearing what happened to Pey. I explained to him everything at sobra akong nahihiya at nakokonsensya dahil hindi ko akalain na magagawang idamay ni auntie si Peyton.

She's evil!

Pey is so kind. Wala siyang ginagawang masama pero sinasaktan siya ni auntie. Napakasama niya! Durog na durog pa rin ang puso ko at hindi ko na magawang tingnan ang picture ni Peyton. Namamaga na rin ang mga mata ko at wala pa akong tulog dahil sa pag-aalala.

We already informed the authority at kumikilos na rin ang mga tauhan nila Cassian at maging sila mang Sandro. Wala man lang akong magawa para matulungan si Pey, dapat ako na lang eh. Kung may sasaktan si auntie dapat ako na lang at hindi na niya dinamay pa si Peyton. Napakarumi niyang maglaro! Kapag may nangyaring masama kay Pey hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Wala na akong mukhang maihaharap pa kay tito.

"H-hindi ko akalain na idadamay niya si Pey. She's doing this to hurt me. I'm really sorry," kung nag-aalala ako at nagagalit, alam ko na mas doble ang pag-aalala at galit na nararamdaman niya.

Peyton has nothing to do with my battle with auntie. I should be the one she's facing. Kung gusto niya akong saktan dapat hindi na niya dinamay pa si Pey. She's weak for using the people I love to hurt me!

Halos malukot ang picture habang hawak ni Emory. Nanginginig ang mga kamay at braso niya. I can sense how angry he is. Nadudurog ang puso ko sa tuwing makikita ang puro pasa at duguang katawan ni Pey.

She even has a wound on her cheek!

"We're already working to save Peyton, Emory. Sabel has nothing to do with this. Santina is evil." Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi nang lumapit sa amin si Adriel. I found out that he knows Emory. He's his acquaintance.

Humigpit ang kapit ni Cassian sa kamay ko. Nakabalik na kami ng farm at narito silang lahat para tumulong.

Nanginginig pa rin na ibinaba niya ang picture at humarap sa akin. His eyes are red and his jaw is clenching.

"Hindi kita sinisisi, Sabel. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. I-I just couldn't stop my anger seeing Peyton in this condition, ni lamok nga ayoko siyang madapuan. Peyton is too innocent, napakabait niya sa lahat ng tao. T-tapos ganito ang gagawin sa kaniya. Bullshit! She will pay for this! L-look at her dress, k-kapag k-kapag putangina!" Hinawakan siya sa balikat ni Adriel para pakalmahin. Natakpan ko ang bibig ko nang bigla siyang tumayo at tumalikod sa amin.

Alam ko ang ibig niyang sabihin.

Peyton is unconscious while lying on the floor when they take the photo. H-her dress has torn and I can see on her face how much pain she endured. K-kapag g-ginalaw nila si Pey h-hinding-hindi ko mapapatawad si auntie! Damn her!

Lalong tumulo ang mga luha ko at hindi ko na napigilan ang paghikbi. Maging sila Aurora hindi na maiwasan na mapaluha.

"P-patawarin mo ako, Emory," alam ko na walang magagawa ang paghingi ko ng tawad, pero sa ngayon ito lang ang kaya kong gawin.

Ang alam niya umuwi rito si Peyton dahil nagkaroon sila ng pagtatalo. The last text he received from her was not to call her anymore, but knowing Pey, I know she wouldn't tell it. Siguradong plano ni auntie ang lahat.

"I will take full responsibility for this. Ililigtas namin si Peyton," nilingon ko si Cassian at inilingan.

Buong magdamag din siya halos nawala para alamin kung ano ang nangyayari at pakilusin ang mga tauhan nila.

Forgotten Promise (Salguero Siblings Series #2)Where stories live. Discover now