Prologue

3.8K 56 1
                                    

"Come on, miss. Huwag ka ng magpakipot. Isang shot lang naman," nilingon ko si Veron sa stage at inilingan nang makita na nagtangka siyang bumaba.

Ang tagal nilang sumubok na makapag-perform sa bar na ito kaya ayokong sayangin nila ang pagkakataon.

"I'm sorry, sir. Nagtatrabaho po kasi ako, hindi ako puwedeng uminom," magalang kong sabi pero tumayo siya at hinawakan ako sa braso.

"Isa lang naman, eh. Ako ang bahala sa boss mo," hindi ko na napigilan na sampalin siya nang maramdaman ko ang kamay niya sa expose kong legs dahil sa uniform na suot ko.

Narinig ko ang malutong niyang mura. Nanlilisik ang mga mata niya nang tumingin sa akin.

"Bakit mo ko sinampal?! Anong karapatan ng babaeng katulad mo?!" Namayani ang sigaw niya sa kabila ng malakas na musika. Napapatingin na sa amin ang ibang customers. Nahalata ko naman ang pag-aalala sa itsura ng mga ka-trabaho ko pero wala silang magawa dahil alam naman namin ang patakaran.

Tinatagan ko ang loob ko kahit naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa sinabi niya.

If I had a choice, I wouldn't work at this bar. I know my reputation was defiled when I accepted this job. Pero para kay nanay titiisin ko lahat ng pangmamaliit at masasakit na salita. Wala akong pakialam sa kung ano ang magiging tingin ng iba sa akin, ang mahalaga ay maipagamot ko siya.

"Nakakabastos ka na, sir. Waitress ako," madiin kong sabi. Payak siyang napatawa.

"Waitress? Sa bar? Huwag ka na magmalinis, miss. Magkano ka ba?" Muling pumatong ang mga palad ko sa pisngi niya.

Kahit ganito lang ang trabaho ko, may paninindigan ako at respeto sa sarili. My work is still reputable because I never step on others, and I never do anything like what he's thinking.

"Bullshit! Sumosobra ka na!" Napapikit ako nang magtaas siya ng kamay para sampalin ako.

I waited for the slap to hit my face, but instead I heard a sudden impact on the floor. Mabilis akong napadilat at napakurap nang makita ang lalaki na nakahandusay na sa sahig.

I look at the person who had the courage to punch him. I saw an unfamiliar man. He's looking into my eyes. Puno ang mga mata niya ng pinaghalo-halong emosyon. 

"Tangina-" napahinto ang lalaki sa pagtayo nang makita na ito ang sumuntok sa kaniya.

"S-senyorito Cassian," My eyes dilated.

Siya si senyorito Cassian?

Sinubukan ko pa na kumurap-kurap dahil baka namamalikmata lang ako dulot ng pagod pero alam ko na hindi. I was facing him.

Thornton Cassian, the second son and the grandchild of senyor Alferdo Salguero. Ang may-ari ng hotel kung saan ako nagtatrabaho tuwing araw!

Like him, I felt like I was glued to his look.

Nagdatingan ang mga bouncer. Tinulungan nilang makatayo ang lalaki at hinarap si senyorito Cassian.

"S-senyorito, hindi ko intensyon na sampalin ang babaeng iyan. Sinampal niya ako ng dalawang beses eh umoorder lang naman ako." Liar!

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga taong sinungaling. Napakasinungaling!

"Nakita niyo! Ang sama kung makatingin! Hindi dapat iyan hinahayaang magtrabaho rito!" Hinawakan ako ni Aurora at pinigilan. Nakalapit na pala siya sa amin.

"Sabel." Ikinalma ko ang sarili ko dahil alam ko na kahit sila ang may kasalanan, kami ang kailangang magpakumbaba.

"What's with the commotion?" Biglang dumating ang manager namin. Nagulat siya nang makita si Cassian.

"S-senyorito, ano po ang nangyari?" Lumapit siya sa amin.

"I should be the one asking that. What happened?" Malamig ang mga mata niya nang itanong iyon. Hindi niya binali ang tingin sa akin.

I don't understand, but I felt my feet are becoming weak.

"G-gusto po niya akong i-itable kaya ko siya n-nasampal. Patawad po." Napayuko ako dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko.

Nilunok ko ang konsensya at dignidad ko dahil ayokong matanggal sa trabahong ito. Malaki ang kinikita kong pera. Mabilis akong makaka-ipon para maipagamot si nanay.

Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Nanginginig iyon kaya napataas ang tingin ko. His jaw clenched when our eyes met. Para siyang nagtitimpi ng galit.

Lagot ako nito. Maging ang trabaho ko sa hotel. Balita ko pa naman ay siya ang magma-manage ng hotel ngayon.

Napapikit ako at inantay ang magiging kapalaran ko, but I never expected what he said next.

"Get that fucking man out of here. I will never tolerate this obscenity toward women."

Forgotten Promise (Salguero Siblings Series #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα