Mga 2%, ganoon.

Isang di ko kilalang babae ang wallpaper n'ya, probably girlfriend nito. S'ya ang unang pumasok sa isip ko na tawagan but as I scan his contacts, walang ibang babaeng name roon maliban sa Mom. Nag scan pa ako lalo until I saw a familiar name, pinindot ko ito at pati ang number ay familiar.

Pinindot ko iyon at agad namang nag ring. Hindi rin nagtagal ay sinagot n'ya ito, mukhang bagong gising lang.

"Utang na loob, Kuya Ethan. May 6 am call time ako bukas."

Confirmed. Si Jake nga 'to, yung bestfriend ko.

"Jake-"

"Hoy sino 'to? Anong ginagawa mo sa phone ni kuya?” Ramdam ko ang pagkataranta sa boses ni Jake. Akala n’ya siguro ay kung sino ako na nagnakaw ng phone nitong Ethan na ’to. “Ay puta wait— bakit pamilyar boses mo?”

“Talagang pamilyar kasi si Sev ’to. Bwiset ka.” I heard him gasped, panigurado akong nakatakip ang isang kamay n’ya sa nakabukas n’yang bibig.

“Bakit nasa iyo phone ni kuya? Napulot mo ba? Should I ring his phone house para ma contact ka n’ya? Teka lang, on hold muna kita—”

“Stay calm, will you? Nakailang kape ka ba ngayong araw? Tunog nininerbyos ka.” I hissed, “kasama ko s’ya ngayon, he got drunk really really bad. Sinukahan pa nga ako eh, ambaho ko tuloy kanina.” Hindi ko alam kung nakailang irap na ako ngayong gabi. Naiinis ako na hindi ko maintindihan, nakakasira ng trabaho ginawa n’ya sa akin.

Nakakasira rin ng mood.

“Nasaan kayo? I’ll pick you up.” This time, kalmado na ang boses ni Jake unlike earlier na akala mo ay naka-sampong tasa s’ya ng purong kape dahil sa pagkataranta n’ya at nerbyos. Wala naman akong masamang gagawin dito sa tropa n’ya, maliban sa malapit ko na s’ya batukan dahil ang kulit-kulit n’ya.

“Nasa harapan kami ng work ko, the same place.” Sabi ko. “Teka, putangina naman kuya wag kang makulit!” Ethan tried to escape from my hold to him. Gusto n’ya kasing maglakad, eh halos di na nga s’ya makatayo nang maayos— maglalakad pa s’ya?

“Be there in ten.” After that, I ended the call. Binalik ko kay Ethan ang cellphone n’ya at kinuha n’ya ’yun. Pinakatitigan n’ya ang lockscreen wallpaper n’ya, iyong babae.

“Girlfriend mo?” I don’t usually make conversation with drunk people dahil mas magulo pa sila kausap sa lutang, however, naintriga ako kung sino iyong babae at bakit wala s’ya sa contacts n’ya.

“Hah, I wish.” ay di pala? Baka idol n’ya lang tapos winallpaper n’ya for inspiration purposes.

“Bakit ka ba naglasing?” I am not sure if I’m going to hear serious answers from him, lasing ’to eh, baka kung ano-ano masabi. They said drunk people are becoming honest about what they feel and what they think. Kaya if you want to know something, lasingin mo raw muna iyong tao para makapagsabi ng totoo.

“Masa...ki-kit...hik.” Masakit? Saan? Ano? Pagkakahawak ko? Di naman mahigpit ah?  “I m-missed h-her soooooo muchhh~” ngumiti s’ya na parang may kaharap s’yang gustong gusto n’ya makita. Pucha, hirap talaga makipag-usap sa lasing. Mukha pang broken.

“It’s been... th-three painful y-years...” teka lang kuya, I didn’t ask you to make kwento. No, I’m not going to listen, ayoko ng another drama sa buhay ko. Tama nang parang pang teleserye ang origin ng buhay ko.

“Edi balikan mo, miss mo na pala eh.”

“Ayaw... hik... n-na n’ya s-sak... hik... kin.” Huh? Does he said ayaw na n’ya sakin? Please, it is really confusing having a conversation with drunk people. Parang kinukuha kaluluwa nila at kung saan-saan napunta na.

MarahuyoWhere stories live. Discover now