"*face palm*"- Literal na napatampal kami nina Harris sa mukha. Oh God!! I can't believe myself hanging with this stupid dork.

"Oh bat nyo hinampas yang mukha nyo? Naglalaro ba kayo? Wheee~, sali ako dyan!"- *double face palm* So help me God for not knocking out this guy because of his stupidity condition.

"Aissshhh umalis na nga tayo dito bago pa ako tuluyang masiraan ng ulo."- Nagsalita na'ko nang matigil na ang kagaguhang usapan na ito. Pagkasakay namin sa kotse ko, nagtaka naman ako dahil himala at walang imik ngayon si Seph.

"Hoy Seph, bat ang tahimik mo ata ngayon? Aba may dumaan bang anghel?."- manghang sabi ni Liam habang nakatingin ka Seph.

"Kasi iniisip ko yung sinabi ni Toffer kanina eh. Bakit naman masisiraan ng ulo si Toffer?... Waahhh pano ang grupo at pamilya mo Toffer pag nasira ulo mo? Edi tigok ka na-------Aray!! ANO NA NAMAM BA MALI SA SINABI KO??!!."- Seph

"Tangna mo tol!! Akala ko may sense yang iniisip mo. Hahanga na sana ako sa'yo dahil sobrang lalim ata ng iniisip mo, PUTEK KA!!."- Tsk tsk tsk nabatukan tuloy ni Liam. Seph will always be Seph. Wala na talaga tong pag-asa *iling-iling*

"Tangna mo din at hindi ako PUTEK! Tao ako, tao men!."- Seph

"Ay sorry, di kami na-inform na tao ka pala. Hindi halata sa mukha mong-----"- Thony

"Gwapo! alam ko namang gwapo mukha ko di na kailangang ipamukha pa pre"- Lumakas bigla ang aircon, Whoooo shet kapal muks.

"Mukha mo!"- sabi ko kay Seph

"Gwapo"- Seph

"Gago"- Thony

"Ikaw naman kwago bleh :P"- Yari kang Seph ka at nag-behlat pa kay Thony.

"*insert satansoo face* gusto mo mamatay?"

"No thanks,... maraming magluluksa pag namatay agad ako."- at nagpa-pogi sign pa talaga.

"Ulol magtigil ka nga Seph. Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko."- Harris

"Ay hindi ah, mahirap kaya tanggalin sa kabitan tong upuan sa kotse. Try mo ang hirap kaya."

"Wala ka na talagang pag-asa. Pangit na nga tanga pa, pano ka na nyan?"- Liam

"Hoy Liam, umayos kang bata ka. Mas matanda pa rin ako sa'yo, kung maka-tanga at pangit lang. Sabihin mo bitter ka lang kasi mas gwapo ako sa'yo."- Sino pa ba?

"Oo nga eh mas matanda ka na kaya mukha ka ng gurang."

"Tumigil na kayo dyang dalawa. Hoy Harris, pansin mo ba kanina pa nakasunod yang kotseng yan?"- sabi ko kay Harris habang nagmamaneho.

"Pansin ko din, itigil mo muna tong kotse sa may tabi nang malaman natin."- utos sa'kin ni Harris. Nung tumigil kami tumigil din yung sasakyan na kanina pa sumusunod sa'min. Psh parang alam ko na mga pakay nito, buti na lang at di matao dito. Siguradong rambulan na naman to. Ayos ah, matagal na din akong di nakakapag-exercise. Nangangati na mga kamao ko manapak ulit ng mga pangit.

"Pag nga naman sinuswerte kami ngayon. Dark Fire na Rank 2 sa buong Gworld ang mapapatumba namin? Ibigay nyo na lang sa'min ang Rank nyo para wala ng masaktan."- Maangas na sabi nitong gorilyang leader ata ng mga kasama nyang kulto ng mga unggoy din.

"Pag nga naman minamalas ka oh. Umagang-umaga, sira agad araw mo. Ikaw ba naman makakita ng mga pangit na gorilya tsk tsk tsk... at ano daw tayo mapapatumba? Jusko men, taas ng pangarap di ko ma-reach."- Pang-aasar ni Seph, hahaha sapul ang mga kulto ng mga pangit na unggoy.

"Aba't gusto nyo talaga ng sakit ng katawan ha?!! Sugudin nyo na sila!!."- ayos to bakbakan na...

Puro palitan ng suntok at sipa lang maririnig mo pero dahil may kasama kaming mahilig mang-asar, ano pa nga ba?

"Hahaha ang duling mo naman brad, nasa harap mo na ako di mo pa natamaan. Hahara-hara kasi yang malaki mong ilong eh. Sagadin na natin pagka-flat ng busarga mong ilong."- Pinagtritripan na naman ni Seph yung kalaban nya tsk tsk tsk.

"Pakyu ka! Gagu!"

"*Buggsshhh* Naman!!!... alam kong gwapo ako hahaha."- Tulog sa suntok ni Seph at aba hahaha lalong napirat yung ilong nung kalaban nya with matching tulo dugo pa.

"Hoy, wag ka tumingin sa iba pag may kalaban ka sa harapan."- sigaw sa'kin ng isa pang katribo ng mga unggoy.

"Ay sorry andyan ka pala, ang liit mo kasi eh. Try mo minsan mag-cherifer dude baka umimprove height mo."- advice ko dito sa pangit na kalaban ko.

"Siraulo kang kapre ka ah!."

"Ay duling ka din pala? Malala na sitwasyon mo, chanak na pandak ka na nga duling ka pa... Pano ka na?."

"Mamatay ka ng kapre ka!!."- ang pikunin naman nitong chanak na to, yan tuloy kakasugod ang aga ng tulog tsk tsk tsk *iling-iling*.

Nang maubos na ang mga katribo nitong si Gori, ang lakas talaga ng loob na sumugod pa sa'min. Haaayyy, laki ng maiigastos nitong mga to sa pagpapaayos ng mukha. Sabagay bago pa man namin sila bugbugin ay may mga depekto na talaga mukha nila.

"Pakyu kayong mga Dark Fire!! Makakaganti din kami sa inyo!!."- sigaw ni Gori

"Geh, intayin namin yan ah?"- sagot ni Harris at nagsimula na kaming  lumakad papuntang kotse. Kaya kung mayroon mang gustong kumalaban at umagaw ng pwesto namin, siguraduhin nyong may binatbat kayo bago nyo kami kalabanin. Di man kami ang Rank 1 sa buong Asya, tandaan nyo kami pa rin ang pangalawang pinakamalakas sa lahat. Huwag nyong maliitin ang lakas ng Dark Fire.

.
.
.
.
.
.
.

YEHET OHORAT!!  Chap. 8 complete:) Sorry pero hindi ko pa kayang mag-isa isa ng mga kilos nila habang nakikipagbakbakan hehehe. Vote and comment naman po kayo mga readers dyan T3T.

~Vio

Ice Demon Gang: Demon Twins [On-going]Место, где живут истории. Откройте их для себя