Chapter 54

13 1 0
                                    

"AMALIE, tabi!" Sumigaw si Nanami, ngunit huli na ang lahat para iligtas niya ang alaga.

Natigilan naman si Amalie sa kanyang kinatatayuan, tinitigan ang bisikleta na umaandar palapit sa kanya.

Sigaw at hiyawan ang bumalot sa field ng playground. Malapit na ito kay Amalie ng
isang lalaki ang bigla na lang mabilis na humila kay Amalie, kaya dumamaplis lang ang dulo ng manibila sa balikat ng lalaking humila kay Amalie.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki kay Amalie.

Naglapitan sina Mela at Laila sa dalawa habang nakasunod si Nanami sa mga ito na hindi nakahuma para sana daluhan ang alaga.

"Amalie, okay ka lang ba?" Hinihingal na tanong ni Laila sa bata.

Dahan-dahang tumango si Amalie na nagulat pa rin sa nangyari.

"Halika nga dito," niyakap ni Mela si Amalie na umiyak na dahil sa takot. Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang magiging kapalaran nila kung may nangyari kay Amalie ng mga oras na iyon alam nilang malalagot sila kay Venom kapag nagkataon na may nangyaring masama sa bata.

"Maraming salamat," sabi naman ni Laila sa lalaking nagligtas sa batang si Amalie.

"Ayos lang sa susunod ingtan nyo na lang ang bata." Ngumiti ang lalaki at naglakad na ito palayo.

Dahan-dahang lumapit si Nanami sa alaga at nakahinga ng maluwag dahil walang nangyaring masama sa kanyang alaga.

"Bakit hindi ka agad umalis sa daan!?" galit na tanong ni Nanami na ikinagulat ni Amalie Mela at Laila.

"Huminahon ka na nga Nanami, nasaktan na nga ang alaga mo, papagalitan mo pa," sabi naman ni Laila sa kaibigan.

"Huwag mong sabihing huminahon ako. Kapag may nangyaring masama diyan lagot ako kay boss." At sa pagkagulat ng lahat ay nagsimula umiyak ito at maya maya ay niyakap nito ng mahigpit ang alaga.

"Ate Nanami okay lang po ako, 'wag ka na pong mag-alala," sabi naman ni Amalie.

"Anong o-okay ka lang? Paano mo nasasabi 'yan? Muntik ka nang masagasaan ng bisikletang iyon!"

"'Wag ka ng mag alala wala namang masamang nangyari sa bata," sabi ni Laila sa kaibigan.

"Diyos ko. Ano kaya ang gagawin ko kung may nangyaring masama, sa'yo ah?" nanginginig na saad parin ni Nanami.

"I'm sorry po ate Nanamo,kung hindi kita pinakinggan, kanina!" Humingi ng tawad ang bata, dahil kanina pa nga ito binabalaan ni Nanami na huwag itong lumayo sa kanila.

"Anong nangyari rito?" biglang tanong ni Chiara na kararating lang at naglalakad palapit sa kanila.

"Tita wala naman po!" sabi na lang ni Amalie sa tiyahin.

"Ayos ka lang? May nangyari ba?" nagtatakang tanong nito sa pamangkin ngunit umiling lang ang bata.

Pinasadahan ni Nanami ng daliri ang kanyang buhok niya at saka napabunting hininga.

"Umuwi na tayo." Nagsimula na itong naglakad palayo sa kanila habang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.

Agad naman siyang sinundan nina Laila at Mela.

"Ate Nanami, wait lang po!" Sinundan din sila ni Amalie at naiwan si Chiara na nakamaang.

Naikuyom nito ang kanyang kamao at tinitigan ang mga pigura papalayo na sa kanya.

"What hindi na ba tayo pupunta ng mall?"

Ngunit hindi na siya pinansin ng mag ito kaya lalo siyang nagalit.

VENOM OF LOVE (Edited) Slow UpdatedWhere stories live. Discover now