CHAP-1 disaster wedding

32.9K 558 14
                                    

Inchie's POV

Natatakot ako gusto kong tumakbo at lumayo, pero hindi ko magawa dahil malalagay sa kahihiyan ang buo kong pamilya.

Dagdag pa na handa na ang lahat para sa kasal, katunayan nga ay nakasuot na ako ng wedding gown, at ilang minuto nalang mag uumpisa na akong maglakad patungo sa aking kasumpa sumpang buhay may asawa.

Grabe hindi ko ma feel ang kasal na ito feelings ko track and field runner ako na ready ng tumakbo...

Nakakaawa naman ako naisip ko tuloy si Kian,
Sana dumating ito at pigilan ang kasal ko...
Nasa ganun akong sitwasyon ng makita kong pumasok si mommy sa kwartong akupado ng bride.

''Inchie anak two minutes nalang magsisimula ng lumakad ang mga abay, nakahanda kana ba huh?'' tanong ni mommy na lumapit agad sa akin saka agad akong niyakap, kaya niyakap ko rin ito ng sobrang higpit,

''Ayos ka lang ba anak?'' tanong ni mommy sa akin na tinanguan ko lang. Wala kasi akong masabi kaya hindi nalang ako nag salita.
Pero nagsalita muli si mommy.

''Salamat anak at hindi mo kami binigo ng Dad mo alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo.'' sabi ulit ni Mom

''Okay lang ako Mom, 'wag mo akong alalahanin.'' sabi ko kay mom ng nakangiti para isipin ni mommy na okay lang talaga ako kahit ang totoo ay hindi..

''Ate inchie, susunod na daw po kayo kaya maghanda na daw po kayo.'' sabi ni Karen, ang pinaka bata kong pinsan, na agad ding umalis at bumalik sa loob.

Sa totoo lang gusto ko ng pabukahin ang lupa, tapos open arms akong magpapati hulog makatakas lang sa kasal na ito,
pero hindi nangyari 'yon bagkos si dad naman ang dumating at niyakap ako ng mahigpit..

''Napaka ganda mo anak.. Pero Ayos ka lang ba anak? Pasensya kana kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon, pero alam kong magugustuhan at mamahalin mo rin si Kaze mabait na bata ito.'' Sabi ni dad sa akin saka ako binitiwan at hinawakan sa magka bilang balikat...

''Wag po ninyo akong alalahanin dad kaya ko ito., hindi naman po siguro mukhang halimaw ang ipapasakal nyo sa akin di'ba dad?'' tanong ko na ikinatawa ng dad ko saka nito ini offer ang braso nya upang kapitan ko...

'' Ikaw talagang bata ka...'' nasabi ni dad sa akin habang pinipisil ang palad kong nanlalamig sa sobrang kaba....

''Tara na po dad, bago tumakbo ang mga paa ko'' aya ko kay dad kahit parang hirap na hirap akong ilakad ang mga paa ko papasok...

''Mabuti pa nga..'' sabi nito saka kami lumakad.

At nang malapit na ako sa pinto kung saan ang pagdadausan ng kasal,
Hindi ko inaasahan na bigĺa nalang tutulo ang mga luha ko,
habang pumapasok na sa loob.

Bahagya ko pa ngang itiningala ang aking mukha upang tignan ang mga nasa paligid ko, pero wala akong makita dahil na rin siguro sa hilam na ng mga luha ko ang aking mga mata..

Pero kahit papaano naman ay
Bahagya kong naaaninagan ang lalaking aking papakasalan, pero hindi kasing linaw upang masabing gwapo ito, dahil hilam nga ang mga mata ko ng mga luha ko.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na hinawakan ni dad ang kamay ko at ipinasa sa tinatawag nitong kaze kanina. naramdaman kong tinanggap nito ang kamay ko saka ako nito inalalayan pahakbang patungo sa harap ng magkakasal sa amin.

Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko filling ko talaga parang gripo na ung mata ko at walang tigiĺ ng tulo...

Sa totoo lang wala akong maintindihan sa sinasabi sa amin ng nagkakasal basta ang alam ko lang para akong nasa ulap at lumulutang lang..

Nang bigla pisilin ni kaze ung kamay ko, kaya naman bigla kong naibaling ung tingin ko dito..

pero ang mas ikinagulat ko sa lahat at grabe sa lahat, ay ang ginawa nitong pag sundot sa tagiliran ko...

Na naging dahilan ng pag igtad ko...

At sabay sabing

''Alam ko kung bakit ka umiiyak'' sabi nito kaya tumingin ako dito. Pero hindi ko parin ito maaninag,
Bukod pa don nahihiya akong makita ng ilang mga bisita ang pagpunas ko ng mata ko,
Karamihan kasi sa kanila alam na arranged marrage lang ito.

Subalit ng magsalita ulit ito, para na akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito.

kasabay noon bigla ko rin napunasan ang mga mata ko, dahil sa sobrang gulat sa mga sinabi nito na...

''kaya ka umiiyak ng ganyan kasi hindi mo akalain na ganito pala ka gwapo ang papakasalan mo noh.?''
sabi nito na nakangiti sa akin.

Anurawdaw? napakahangin naman pala ng isang to..
At napaka kapal din nito, ganito kea itsura nya ohhh..
(╯3╰)yabang diba? Parang sanay na sanay na itong magsalita ng ganun....

At syempre Ngayon kitang kita ko na ang mukha nito, at tama nga ito gwapo sya, yun nga lang
Nasobrahan ito ng yabang....

Ng bigla ulit itong magsalita.. Na lalong ikinalaki ng mata ko.. Pati nga ata butas ng ilong ko lumaki ganito ohh...Σ(⊙▽⊙")

'' hoy wag ka naman masyadong pahalatang gwapong gwapo ka sa akin... alam ko naman na nai star struck ka sakin eh.'' bulong nito sakin saka muling tumingin sa nagsasalita.

''kapal'' mahinang sabi ko...

Nakita kong ngumiti ang mga labi nito halatang narinig nito ang sinabi ko.

Pero ang mas nag panigas ng buo kong katawan ay ang i announce na ng nagkakasal sa amin ang.

''you may kissed the bride.'' sabi nito. Na ikinailing ko.

Oh my god no......... Sigaw ng utak ko...

Lalo na ng hawakan nito ang magka bila kong balikat saka nito ako ipinihit paharap dito.

Todo iling naman ang ginawa ko pero di ako nito pinansin.

''paano ba yan kiss na daw, pag bigyan na natin huh?'' sabi nito saka walang sabi sabing hinawakan nito ang balakang ko saka ako kinabig at hinalikan sa mga labi.

Grabe nanlalambot ang mga tuhod ko filling ko pag inalis ni kaze ung kamay nya sa likod ko bubuwal ako at babagsak.

Buti nalang hindi ako nito binitawan na parang alam nyang may posibilidad na bumagsak ako.

Pero kahit ganon nagsalita parin ito ng talagang kinainis kona.

Dahil tinignan ko ito ng matalim pero ngumiti parin ito.

''hindi na masama, masarap ka naman palang halikan eh,.'' sabi nito saka nya ako hinarap sa mga nag vivideo at kumukuha ng mga litrato.

''ang cute pala ng mukha mo pag nagagalit na... Ang pula oh '' sabi nanaman nito na nakangiti..kaya naman sa sobrang inis ko tinapakan ko ang paa nito.

''Ouchh.....'' naisigaw nito

.

''Opps..... Sorry di ko sadya.'' mahinang sabi ko.... Saka ako humarap at ngumiti sa camera...

Nakaganti rin sa wakas...

To be continue...

My jerk husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon