9. Gossip

3 0 0
                                    

Natapos ang klase na wala ako sa sarili. Hindi ko mapigilang hindi isipin ang tungkol sa picture na sinend ng kung sino. Kahit sa reporting namin kanina ay hindi ako makapag-focus. Mabuti nalang at naitawid namin ng maayos, thanks to Grace.

"Kaninang umaga lang ang ganda-ganda ng ngiti mo, pero bigla nalang naging tahimik ka. May problema ka ba?" Lumapit si Mindy sa'kin habang nagliligpit ako ng mga gamit.

"Ano ka ba, okay naman ako eh. PMS lang siguro 'to, baka bukas o makalawa dalaw ko na kaya wala ako sa mood." Pagsisinungaling ko.

Tumango si Mindy kahit hindi kumbinsido sa sagot ko. Paano ko ba kasi sasabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Georgina? Paano ko ba sasabihin ang tungkol doon sa picture? Hindi ko alam. Masyado na akong nag-ooverthink ng mga posibleng mangyari pagkatapos.

Sumabay ako sa mga kaibigan kong umuwi. Ayoko munang naglalalapit kay Georgina. Nag-chat lang ako sa kanya bago natapos ang klase na may lakad kami ng mga kaibigan ko at sa compound nalang kami magkita.

Binigyan si Danissa ng extra allowance ng kanyang parents kaya manlilibre raw siya. Sumama ako sa kanila sa SM kahit na gustung-gusto ko nang umuwi at mag-overthink malala habang nakahilata sa kama.

Pagkatapos mamili ni Danissa ng bagong shorts at blouses ay tumambay muna kami sa Café Talk. Magkatabi sila ni Mindy dahil may kung ano silang pinagkakatuwaan sa laptop ni Danissa at kaharap nila ako kaya malaya kong na-oopen ang messenger ko.

Binuksan ko ang thread ng Facebook User. Buong akala ko ay deactivated ang account o kaya ni-block ako pagkatapos i-send ang picture. Pero nang ini-stalk ko ang profile, literal na Facebook User ang name niya. Walang profile picture at wala ring mga posts. The account was created two months ago kaya for sure, matagal nang stalker or whatnot ang may-ari ng account na 'to.

I typed in a message to the uknown user.

'Who are you?'

Kaagad itong nag-seen sa mensahe ko pero hindi nag-reply. Ilang minuto lang ay nakita kong typing siya.

'Guess who.'

Hindi ko na ni-replyan ang kanyang huling mensahe. Wala na ako sa huwisyo para makipaglaro ng da-who sa kanya. If he or she means ill to both me and Georgina, wala akong mgagawa. It's not like may tinatapakan akong tao for being born this way.

"Guys, may itatanong sana ako." Pukaw ko sa delulu nilang dalawa about Suga ng BTS.

"Sa wakas, nagsalita ka rin. Akala namin kaming dalawa lang nandito eh, nandiyan ka pa pala." Sarkastikong litanya ni Mindy.

"Sorry na, iniisip ko lang kasi ang problema ng pinsan ko eh. Ganito kasi 'yan, may girlfriend siya na lesbian. Actually pareho silang lesbian ng pinsan ko. Walang nakakaalam ng relationship nila and my cousin is bothered by the thought of people judging her or their relationship kasi nga diba, pareho silang babae. So they hid their relationship from everyone.

"Ngayon, may nakakita sa kanila na sobrang sweet tapos kinuhanan pa sila ng picture no'ng nakakita sa kanila at sinend ito sa pinsan ko. She's concerned na baka kumalat ang photo o ang balita tungkol sa kanila ng girlfriend niya. Iyong nag-send kasi is unknown user. Hindi ko alam anong ia-advice ko eh!"

Mataman lang silang nakatingin sa'kin pareho at nakikinig. Hindi ko alam kung maniniwala ba sila sa kuwento ko o mapaghahalataan na talaga ako. They know me well at hindi rin ako magaling magtago pero sana um-effect itong story ko dahil gulung-gulo na 'ko. Malapit na ang exams at ayokong ma-distract.

"Isa lang sagot diyan," ani Danissa saka uminom sa kanyang in-order na double mousse frappe. "Lumantad sila pareho. Diba, Minds? Kasi hindi matatakot ang pinsan mo if everyone else knew about them. Magkakaroon talaga ng butas ang mga ipinanganak na panira sa buhay ng ibang tao if there's one thing you kept in secret and they knew about it. Tsaka hindi lahat ng tao mapi-please nila sa bagay na 'yan. Some will accept them, some will not."

Tumango si Mindy sa sagot ni Dani bago sila nag-batuhan ng kung anu-anong topic patungkol sa LGBT. Kung sana katulad ni Mindy at Danissa mag-isip ang ibang tao sa bagay na 'to, wala siguro akong problema ngayon.

Hindi na ako nagkwento sa kanila pagkatapos kong makakuha ng sagot sa mga kaibigan ko. Lalantad? I'm not yet ready to come out to everyone. I'm gay but only Georgina knows about it. God! Naiisip ko pa lang ang mga maaaring ibato nilang panghuhusga sa amin ay naiistress na ako. What about my mom? Oh my god! My mom will definitely kill me. Pero kung saan ako masaya, siguro maiintindihan naman niya.

***

Nang makauwi ako ay nakita ko na si Georgina sa labas ng gate ng compound namin na naghihintay sa'kin. I immediately ran towards her and hugged her. Ang aking pahinga.

I felt her arms wrapped around me and gently tapped my shoulder habang may binubulong.

"Everything's going to be okay, love. Poprotektahan kita."

Kunot-noo akong kumalas sa yakap niya at tiningnan siya. Hindi ko maintindihan saan nanggaling ang mga salitang iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong sa kanya pero imbes na sagutin ako ay kinuha niya ang phone ko na hawak ko lang at may kung anong kinalikot.

Kapagkuwan ay iniharap niya sa akin ang screen ng cellphone ko kung saan naka-upload sa private Facebook group ng High School level ng school namin ang picture na sinend sa akin ng anonymous sender kaninang umaga. The only thing is that the photo was edited. My figure was blurred except for Georgina. Nakatalikod kami pareho but nobody's stupid enough para hindi nila makilala ang girlfriend ko.

Kinuha ko ang phone at pinakatitigan ito. It was captioned "Abomination" and garnered 213 mixed reactions from Like, Heart, Care but most are Angry reacts with 300+ counting hateful and supportive comments.

Tiningnan ko ang comsec habang nanginginig ang mga kamay. One comment says, 'That's Georgina and some girl from our school' at ang daming nagrereply sa comment na iyon making a thread.

Bagsak ang balikat na ini-lock ko ang screen ng phone ko. Hindi pa nga nila kilala kung sino ang kasama ni Georgina sa photo ay kung anu-anong comments na ang nababasa ko. How much more kapag nalaman nilang ako 'yon? What am I gonna do? Drop school? Hindi ko alam.

Parang lantang gulay akong naglakad papasok sa compound. I can only feel Georgina's presence from the back intently looking at me for sure. Pero hindi ko magawang makipag-usap sa kanya tungkol sa post na iyon. Natatakot ako at naguguluhan kung ano ba ang pwede kong gawin. It was a time bomb I failed to diffuse.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under The RainWhere stories live. Discover now